Destiny

1308 Words
"Ikaw?" Halos sabay pa namin tanong. Napatingin pa sa amin ang kasama nitong babae nagpalit lipat pa ang tingin n'ya sa aming dalawa. "Magkakilala kayo?" Tanong pa nito. "H-huh? Hindi po ma'am," mariin ko pang tanggi. "Ms. Solomon. Si Sir Hayden s'ya ang may-ari ng restaurant na ito." pakilala pa nito sabay turo sa lalaking ang pangalan daw ay Hayden. Naupo naman akong muli huminga muna ako ng malalim. "Bakit naman sa dinami-dami ng boss s'ya pa talaga?" Bulong ko pa sa isip. Gusto ko pang sumigaw at magtatalon sa tuwa nang muli kong makita ang babaeng gumulo ng tahimik kong mundo. Hindi ko inaakala na muli kaming magkikita. Gusto ko s'yang titigan ng matagal hanggang sa makabisado ko ang mukha n'ya. Bigla naman akong natauhan nang kalabitin ako ni Dehl tumikim muna ako bago muling nagsalita. "Ms. Solomon tell something about yourself," seryoso ko pang tanong upang hindi n'ya mahalata na masyado akong masaya sa muli namin pagkikita. "Hayden," relax bulong ko pa. "I'm Dior Grace Solomon I'm 21 years old." umpisa ko pa sinabi ko rin kung saan ako nakatira pati educational background ko. "What more Ms. Solomon? How about civil status?" Pakunwa'y tanong ko pa habang hindi nakatingin sa kanya. Kinakabahan din ako sa magiging sagot nito. Umayos ito ng upo bago sumagot. Hindi rin ako makapaniwala na same hotel lang pala kami nag internship ni Dior. Ibig sabihin kilala n'ya rin Ms. Mad possible pala na nagkita kami sana sa dinner namin ni Ms. Mad noon. "Sayang naman s'ya rin siguro ang sinasabi ni Ms. Mad na bisita n'ya," sambit ko pa sa isip ko. "Sir..." tawag sa akin ni Dehl. "Y-yes, w-why?" nauutal ko pang tanong saka muling binalik ang atensyon kay Dior. "Y-es Ms. Solomon, very impressive." sagot ko pa dito. Tumagal din ng ilang minuto ang interview. Pero isa lang ang natandaan ko. Yon ay ang single pa s'ya. "We, will inform you, later if pumasa ka sa interview." sabi pa ni Ms. Dehl. "Yes ma'am, thank you," tumayo na ako at naglakad palabas. Ilan na lang kaming naiwan sa labas. "Hoy! Girl, musta ang pantyliner natin d'yan?" Tanong ni Emelda ng makalabas ako. "Huh? Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan ko pang tanong dito. "Ses, aminin mo! Ang sarap este gwapo ni Sir Hayden," singit naman ni MD. "Saan ang gwapo 'don?" Naiirita ko pang tanong. "Bulag ka ba Ateng?" Tanong ni Kevs sa akin. Habang abala ito sa paglalagay ng liptint sa labi. "Hay naku! Maniniwala ba kayo na nakita ko na 'yan si Sir Hayden ?" Naiinis ko pang sambit sa kanila. Nanlaki naman ang mga mata ng mga ito. Sabay-sabay pa silang nagulat. "Talaga?" Saka lumapit sa akin isa-isa. "Dior?" Tawag pa ni leyana at tumayo pa ito. "Anong una mong hinubad? Sumagot ka!" Madrama pa nitong sambit. Hinila naman ni MD ang buhok nito. "Tumigil ka nga d'yan! Kakapanuod mo 'yan." sita pa nito. "Aray! Naman ses. Kala ko kasi ako si Ms. Angel," tumatawa pa nitong sambit. "Pero, seryoso. Dior, saan mo sya nakita?" Kinikilig pang tanong ni Kristine. "Muntik n'ya lang naman gawing kaldereta ang mga kambing namin! Saka sa eroplano katabi ko s'ya sa upuan. S'ya rin ang nagbigay ng chocolate sa akin," "Ayieee! Shuta talaga, trabaho ang hanap mo jowa ang binigay sa'yo!" Sambit pa ni Kevs na halatang kinikilig rin. "Tse! Tumigil nga kayo marinig kayo, baka isipin n'ya totoo." sita ko pa sa kanila. Natigil kami sa pagkukulitan ng bumukas ang pinto at muling iniluwa si Sir Hayden. "Everybody, lahat kayong naiwan dito, hired na kayo. Si Ms. Dehl, na ang bahalang magpaliwanag sa inyo." seryoso pa nitong sambit habang sa akin nakatingin. Hindi ko tuloy maiwasan hindi mailang sa kanya. Tuwang-tuwa naman kami. Nagtatalon pa si Emelda. Habang nag iiyakan sina Leyana ,MD, Lyn Joy at Luzminda. Samantalang si Kristine at Kevs lumapit pa kay Sir Hayden at humawak pa sa kamay nito. Kunwari nagpapasalamat. Nang bumalik sila sa tabi ko kinurot ko pa sila. "Para paraan din ano?" Mahina ko pang sambit sa kanilang dalawa. Tumawa pa sila sabay ngisi sa akin. "By the way. Ms. Solomon, glad to see you again. Finally." nakangiti pang sambit nito habang titig na titig sa akin. Nang makaalis si Sir Hayden nagtilian pa ang mga ito dahil sa huling binatawan nitong salita. "Finally, daw." ulit pa ni MD sa huling word na sinabi ni Sir Hayden, namimilipit pa ito sa kilig. "Dior, sa'yo ang korona!" Nakangisi pang sambit ni Luzminda lumapit pa ito at umakto na may ipinatong na korona sa ulo ko. Nagpalakpakan naman ang mga ito. Na akala mo ay nanalo ako ng korona sa isang Beauty Pageant. "May nanalo na agad!" Sabay -sabay pa nilang wika. "Pwede, ba tigilan nyo ako!" Saway ko pa sa kanila. "Dior..." tawag ni Ms. Dehl. "Yes ma'am?" "Wag mo na akong tawagin ma'am, isa lang din akong trabahador. Ako ang magiging receptionist dito. Pero, alam mo bagay kayo ni Sir Hayden, ayieee." sulsol pa nito. Napapailing na lang ako sa mga kalokohan ng mga ito. "M-Mrs. G-gomez," dahan dahan pang bigkas ni Lyn Joy. "Bagay diba guys?" Tanong pa nito. Nagtanguan naman ang mga ito saka muling binalik ang tingin sa akin na alam na alam kong nang aasar. N'gayon pa lang nasakit na ang ulo ko sa mga ito. "Alam n'yo. Tumigil kayo d'yan!" Pinandilatan ko pa sila ng mata. "Maaga akong tatanda sa mga kasama ko na ito goodluck Dior, dumagdag pa si Sir Hayden hays." mahinang sambit ko pa sa sarili. Nang biglang nagsalita muli si Ms. Dehl. "Alam n'yo ba na may isa pa na may-ari ang restaurant na ito? Kaibigan ni Sir Hayden. Makalaglag pantog din 'yon si Sir Ku-" hindi na natapos ang dapat nitong sasabihin ng biglang nag ring ang phone nito. "Wait lang guys," paalam pa nito sa amin. Saka lumayo. "Tara na guys! Uwi na tayo, pagoda na ang beauty ko" yaya ni Kevs saka nagpatiuna na palabas. Sumunod na rin kami sa kanya palabas. Nang marinig ko na wala nang ingay sa labas. Dahan- dahan ko pang binuksan ang pinto para sumilip sa labas. Para makasiguro na nakaalis na nga mga ito. Hindi maalis ang ngiti sa labi ko lalo na sa isipin na araw-araw ko s'ya pwedeng makita, makausap at malapitan. Muli akong bumalik sa table ko at kinuha ang resume nito. Binasa ko pa ito ng paulit ulit. "Dior Grace Solomon," basa ko pa sa pangalan nito. Bigla kong naisip ang pangalan ng restaurant nagkataon lang siguro na Grace ang binigay ni Kurt na pangalan dito kausap ko pa sa sarili. Naisip ko pang tawagan ito. Kaya naman kinuha ko ang phone ko sa bulsa. Nakailang ring pa lang ako nang sagutin n'ya ito. "Hello bro, may good news ako sa'yo," "What's up bro?" "Soon bro, pwede nang mag operate ang restaurant." balita ko sa kanya. "Wow! Congrats to the both of us, bakit para yata na kinikilig ka d'yan?" Tanong ni Kurt sa akin. "Bro, the girl na sinasabi ko sa'yo na tinamaan yata ako, can you believe dito s'ya sa restaurant magta- trabaho destiny!" "Woohoo! Bro, destiny your ass!" Buska pa ni Kurt sa akin. Sabay tawa ng malakas. "Soon. I will introduce her to you as my girlfriend bro," nakangiti ko pang sambit. Tumawa pa ng nakakaloko si Kurt. "Good! I'm coming home very soon. Pwede na kitang matulungan sa restaurant natin," balita pa nito sa akin. "Seriously bro? Paanong pumayag si Tito Albert?" "Well s'ya mismo ang nagtulak pa sa akin. Dahil sa sunod-sunod na problema ng isa namin branches sa Pilipinas." " Goodluck bro, see you soon." "Have to go bro, see you, when i see you," Nang matapos ang pag uusap namin muli kong binalik ang atensyon sa binabasa ko napapangiti pa ako. "You, stole my heart Ms. Solomon," kausap ko pa sa litrato nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD