"Dior, ang aga mo yata na gumising Anak?" Gulat pang tanong ni Nanay.
"Alas siyete pa lang ng umaga Anak," sabi naman ni Tatay.
"Mag a-apply po kasi kami ni Kevs, ngayon sa bayan. Sa bagong bubuksan na Fine Dining Restaurant po. Nabanggit po kasi ni Janice na hiring sila," mahabang paliwanag ko pa.
"Ganon ba. Ayaw mo ba munang magpahinga? Kararating mo pa lang kahapon." saad pa ni Nanay.
"Okay lang po Nay, gusto ko na rin pong makatulong dito sa bahay. Saka maiinip lang po ako dito.
"Ikaw ang bahala Anak," sagot naman ni Tatay. Pumasok na ako sa toilet para maligo. Nang makatapos agad akong umakyat sa kwarto ko para mag-ayos kumuha rin ako ng damit isang Pencil skirt saka White blouse ang napili kong suotin ngayon. Simple pero disente tignan. Kinuha ko rin ang 3 inches heels black stiletto sa may kabinet. Hindi ko na kailangan ng masyadong mataas dahil sa height ko na 5'6 tama lang ang taas ng sandals na napili ko. Naglagay din ako ng manipis na make-up. Nang makita ko sa salamin na maayos na ang itsura ko. Sinuot ko ang relo na regalo ni Ms. Mad sakin. Kinuha ko ang bag ko saka bumaba na.
"Nay, Tay, aalis na po ako paalam ko sa kanila. Habang abala sila, ngayon sa pagtatanim ng sitaw at talong sa likod bahay namin.
"Sige Anak, mag iingat ka," habilin pa ni Nanay. Lumabas na ako, saka ko sinarado ang pinto. Nag abang ako ng tricycle ngayon. May usapan kami ni Kevs na sa bayan na kami magkikita. Nang makababa ako sa may kanto sumakay pa ako ulit ng Jeep. Nagtataka pa ako kung bakit halos lahat ng nakakasalubong ko napapatingin sa akin. Nagkibit balikat na lang ako saka sumakay sa nakaparadang Jeep.
"Bayad po!" Sigaw ko, sabay abot ng bayad.
"Saan ito, Ms.Beautiful?" Tanong pa ng may kaedarang driver.
"Bayan lang po." sagot ko pa dito.
Nang makarating sa bayan. Nag-chat ako kay Kevs para sabihin na narito na ako.
"Atenggg!" Sigaw mula sa likuran ko kaya naman humarap ako. Si Kevs pala tumakbo pa ito palapit sa akin para yakapin ako. Tuwang-tuwa kaming nagyakapan sa gitna ng kalsada. Natigil ang aming pagyayakapan ng sunod-sunod na busina ang narinig namin. Agad naman kaming nagkalas ng yakap at tumabi sabay pa kaming natawa sa kagagahan namin.
"Hoy! Kevs, na-miss kita," sambit ko.
"Miss you too Ateng."
"Kamusta ang Dubai?" Tanong ko sa kanya.
"Ateng, ginawa nila akong model ng dishwashing liquid. Pinaghugas ng isang linggo na hugasin! Naabuso ang bekla!"
Nagkatawanan pa kami."
"Mamaya na tayo magchikahan . Tara na! Ateng baka ma-late na tayo,"
Naglakad na kami papasok sa loob.
Pagdating namin sa loob may mga iba ng aplikante na naghihintay.
"Hello." bati ng isang babae sa amin.
"Hi." ganting bati ko.
"Aplikante rin kayo?" Tanong pa n'ya.
"Yes, ses." sagot naman ni Kevs.
"Kristine, nga pala." pakilala nito.
"Kevs, ses s'ya naman si Dior," sabay turo sa akin ni Kevs. Ngumiti naman ako sa kanya.
Maging ang apat na babae ay lumapit na rin sa amin. Nagpakilala na sina MD, Leyana, Lyn Joy at luzminda.
"Sana matanggap tayo, mga ses, para bongga!" Sambit pa ni leyana. Sabay-sabay pa kaming napatingin sa pinto nang may pumasok na babae na naka full outfit pa. May kasama rin itong lalaki na taga bitbit ng bag n'ya.
"Baka sya, ang magiging boss natin," sambit naman ni Kevs.
"Paano mo naman nasabi?" Tanong pa namin sa kanya.
"Tignan n'yo may kasamang driver," sagot naman ni Kevs sa amin.
Tumango lang kami.
Maya-maya lumapit ito sa amin.
"Excuse me," sabay tanggal ng shade nito.
"Dior, ikaw na ang makipag-usap English yan." sabay tulak ni MD sa akin.
"Yes ma'am?"
"Dito ba ang pila para sa interview?"
"Yes." tipid kong sagot.
"Okay. Salamat, mag-apply kasi akong dishwasher dito. Sana matanggap ako. Ako nga pala si Emelda, saka boyfriend ko nga pala si Romeo," pakilala nito sa lalaking katabi n'ya na abala sa pagpapaypay sa kanya.
"Saksakin n'yo na lang ako!" Madrama pang sambit ni Kevs. Habang nakatingin kay Emelda at sa boyfriend nito.
Sa narinig naman namin na aplikante rin pala si Emelda laglag ang mga panga namin. Dahil sa suot nito n'gayon. Hindi mo aakalain na aplikante ito. Nakasuot sya ng Turtleneck sweater, Long skirt, Blazer at naka-boots pa.
"Lukaret kang babae ka! Lumapit ka sa akin! Sasabunutan ko ang buhok mo sa baba!" Gigil na sabi pa ni MD.
"Sorry. Ses, akala ko kasi ganito ang isusuot. Kaya kanina pa akong pinagpapawisan." bungisngis pa nito.
"Ses, kulang pa. Bakit hindi ka pa nagpalatag ng red carpet? At nagsabog ng confetti." biro naman ni kevs. Sabay-sabay pa kaming natawa.
Habang naghihintay kami, napapangiwi pa kami, ng makita namin kung gaano ka-sweet si Emelda at ang boyfriend nito.
Napatingin naman si Emelda sa amin.
"Hoy! Mga ses pag inggit pikit. Sige na ML pwede ka nang umuwi." taboy pa ni Emelda sa boyfriend nito.
"Anong ML Emelda?" Usisa ko pa nang makaalis ang boyfriend nito.
"My Life." kinikilig pang sagot nito.
"When kaya? At Sana all," sabay-sabay pa naming sambit.
Kaya naman nagkatawanan pa kami sa mga kalokohan namin.
"Alam n'yo na ba mga ses? May nagmarites sa akin nito. Mismong may -ari daw ang mag- interview ngayon at ang sesmes yummy daw!" Kinikilig pang kwento ni Lyn Joy.
"Puro kayo gwapo! Kaya kayo nasasaktan!" Turan pa ni Leyana.
"Tse! Palibhasa wala kang jowa!" Kontra ni Kevs. Nagulat pa ako ng biglang tumunog ang phone ko. Kaya naman kinuha ko ito sa bag at binasa ko ang chat na galing pala kay Janice. Nag-reply muna ako sa chat nito saka ko muling binalik sa loob ng bag ko. Nagtaka pa ako bakit para silang natahimik bigla.
"Dior..." kalabit ni Kristine sa akin. Kaagad naman akong nag angat ng tingin dito.
"Bakit Kristine?"
"Ses! Hindi mo ba nakita dumaan ang mag- interview sa atin mamaya!" Kinikilig n'ya pang sambit.
"Huh! Talaga ba? Sorry hindi ko napansin. Bakit parang naiihi ka d'yan?" Nagtatakang tanong ko pa sa kanya na akala mo namimilipit ito.
"Shuta! Ses, sarap kainin." malanding sambit pa ni Kristine.
"Hoy! Kristine soup ang atupagin mo. Hindi ang boss natin!" Kontra naman ni Leyana.
"Hoy! Ikaw naman Dior, hindi dahil maganda ka una ka sa pila walang ganern! Matuto kang pumila doon sa likod." baling pa ni Leyana sa akin.
"Pero Dior, panalo. Mukha pa lang rawr na!" Segunda naman ni MD.
"Mga lapastangan! Tigilan nyo ang pagpapantasya sa future good Husband to me, and good Father to our Children!" Malanding turan pa ni Kevs. Sabay-sabay pa kaming napahagalpak sa sinabi nito.
"Parang dati, harina ang gusto kong masahin. Pero n'gayon parang gusto ko ako, naman ang masahin." sambit pa ni Luzminda sa kawalan.
"Hoy! Kayong marurupok! Lumayas kayo sa tabi ko. Ang haharot nyo!" Natatawa ko pang sambit. Parang ngayon palang magugulo yata ang daigdig ko pag lahat sila naging katrabaho ko sa isip-isip ko pa.
Natigil kami sa pagbibiruan ng isa-isa nang tawagin ang mga pangalan namin para pumasok sa loob. Pinakahuling tinawag ang pangalan ko.
"Goodluck!" Sambit pa nila sa sa akin. Inayos ko muna ang damit ko bago pumasok sa loob. Naabutan ko pang nakatalikod ang isang lalaki habang may kausap sa cellphone.
"Have a seat. Ms. Solomon," nakangiti pang sambit ng babae sa akin.
So dalawa pala ang mag-interview tanong ko pa sa isip ko. Nang biglang humarap ang lalaki nagkagulatan pa kaming dalawa. Napatayo pa ako dahil sa pagkabigla.
"Ikaw?" Halos sabay pa naming sambit.