Long distance friendship

1363 Words
“Good morning friendshipppp!” Nakasigaw na bati ni Janice, first day of school ngayon medyo kabado ako as college student mas malawak na ngayon ang magiging mundo namin ni Janice, sa iisang university lang ang papasukan namin. Pareho kaming nakakuha muli ng Scholarship sa JIMENEZ FOUNDATION. Kaya wala kaming masyadong magiging gastos sa pag aaral na labis namin pinagpapasalamat. Ilang buwan na din ang lumipas simula nang umalis si Kurt pero hindi naman naputol ang communication namin sa isa't isa. Palagi kaming nag chachat o kaya videocall kahit pa magkaiba kami ng oras. “Hoy !” untag sa akin ni Janice. Hindi ko namalayan nakaupo na pala ito sa bakanteng upuan sa tabi ko. “Ano ba? Bakit ka ba nanggugulat?” Naiinis na tanong ko dito. “Ay! Friendship, tulaley ka lang naman po d'yan, tignan mo nga yang eyebag mo mas mataba pa sayo, friendship baka pinuyat ka lang pero di ka jinowa mahirap yan." pang aasar pa nito sa akin. “Kamusta naman Janice, yong crush mo pero di ka crush?” Ganting asar ko sa kanya sabay tawa ko ng malakas. Namula ang mukha nito bigla. Alam kong naalala nito ang pagnanakaw ng halik ni Drake sa kanya at sinabihan s'ya nito na tigilan na s'ya ayaw daw nito sa babaeng maingay. “Tse! Wag mo na ngang ipaalala si Drake,” Naiinis na sambit nito. Sabay sandok ng Champorado sa bowl. "Hoy! Wala akong sinabi na Drake," sansala ko sa sinabi nito. Tinitigan ko lang si Janice sa ginagawa n'ya nang mapansin nito ang pagtitig ko agad itong nag angat ng tingin sabay ngiti. “Love you, friendship sherep talaga ng luto mo” pang uuto nya sa akin. Nagpatuloy kami sa pagkain nang biglang tumunog ang phone ko nang tignan ko ito isang chat galing kay Kurt agad ko naman itong binasa. Kurt: Good morning, there. Beautiful, it's your first day of school. Take it easy ok. Eat well and take care i miss you my future chef. Napangiti pa ako pagkatapos kong basahin ang chat ni Kurt, agad naman akong nag reply dito. Me: Good evening sa'yo, d'yan ikaw din goodluck sa first day of school mo bukas. Miss na din kita my future CEO. Hindi mapalis ang ngiti ko sa labi habang nag titipa ng mensahe para sa kanya feeling ko nakalutang ako ulap. “Ay iba! Din. Ngiting tagumpay tayo ano, friendship.” Nagulat pa ako nang magsalita si Janice na nasa tabi ko agad naman akong nagising sa aking day dreaming. “H–ha? Ano yon?” Tanong ko dito. “Wala, sabi ko pakipulot ng pantyliner mo. Nalaglag sa sobrang kilig mo, tsk! si Kurt ang nag chat 'no?” Usisa pa nya sa akin. Tango lang ang naging sagot ko dito. “Friendship alam mo tawag d'yan ?” “Ano Janice?” “Sene ell” Nakangising sagot nito sa akin. “Dami mong alam Janice mag move on lang ang hindi." balik kong biro dito. Sabay pa kaming nagtawanan dalawa, na sya namang pagdating ni Tatay. Lumapit ako dito upang magmano ganon din naman ang ginawa ni Janice. “Kaawaan kayo ng D'yos mga anak” “Tatay, ang aga nyo po yata na umuwi ngayon? ” Tanong ko sa kanya. “Sumama ang pakiramdam ko anak, sabi ng Nanay mo magpahinga muna ako dito sa bahay." “Wag na kaya akong pumasok muna ngayon sa school Tatay, para may kasama kayo dito.” Nag aalala kong suhestiyon dito. Habang tahimik namang nakikinig sa tabi si Janice. “Wag kang mag alala anak wala ito ipapahinga lang ito ni Tatay 'tsaka unang araw ng pasukan ngayon anak." “Sigurado ka po Tatay ?” “Oo anak, uuwi din ang Nanay mo mamaya, bilisan nyo na din baka mahuli pa kayo sa klase nyong dalawa. ” Wala akong nagawa kung hindi sundin ang gusto ni Tatay kahit pa nag aalala ako para sa kanya. Nang makarating kami ni Janice sa school naghiwalay na kami magkaiba kasi kami ng building. Nursing ang kinuha ni Janice. Samantalang Culinary arts naman ako. Bata pa lang kasi ako hilig ko na talaga ang pagluluto namana ko siguro kay Nanay. Habang naglalakad hindi ko maiwasan makadama ng nerbyos, ganitong ganito ang mga napapanuod ko sa tv. Mga estudyanteng may mga sasakyan, may mga sariling driver. Dior kaya mo yan! Sayang Kurt wala ka dito sana may kasabay din ako ngayon bulong ko pa sa sarili napabuntong hininga na lang ako at naglakad na papunta sa building ko. Nagmamasid masid muna ako sa paligid. Halos lahat bago sa aking paningin masasabi na swerte lang kami dahil may scholarship kami. Kung wala siguro malabo kaming makapag aral dito ni Janice. Naglalakad na ako papunta sa classroom ng may bumangga sa akin nalaglag tuloy ang bag ko. Kaagad ako na yumuko upang dampotin ito. “Sorry, ateng.” hinging paumanhin nito habang nakapilantik pa ang mga daliri. Lalaking lalaki ang bihis nito hindi mo aakalain na fan ito ng Ms. Universe. “ Ang Rusia ng beauty ko today paumanhin.” Malanding sambit pa nito bigla akong nag angat ng tingin tumayo kaming dalawa, tinignan ko sya sa paraan na nagtatanong ako gamit ang mata ko. “Yes, ateng!” kompirma nito sa ibig kong itanong. “My name is Kelly im 16yrs. old. from HINDI SAYO HINDI SA AKIN KENYA! ” Mala Ms.U pang pag papakilala nito na sa akin. “Hoy! Kelly sa gabi? Ano sa umaga?” Natatawa kong tanong dito. “Kevin, ateng.” parang diring diri pang bangitin ang totoo nitong pangalan. “Ikaw, anong name mo?” Dyosa ba? Ateng prayer reveal naman dyan para maging kasing ganda kita.” Maarte pang sabi nito. Natawa na lang ako sa sinabi n'ya madami na din nagsasabi sa akin na kapansin pansin ang aking ganda, maging ang korte ng aking katawan at taas ko ay para daw pang model kaya madalas akong ilaban sa mga Beauty Pageant ng school namin. “Dior Grace Solomon,” pagpapakilala ko dito. “Dior na lang”nakangiti kong sambit. “Ehhm! Kevin nga pala Ms. Beuatiful," Pinalaki pa nito ng boses n'ya upang maging tunog brusko. Sabay pa kaming nagkatawanan. “Anong course mo ateng?” tanong nya nya sa akin. “Culinary arts ikaw?" Ganting tanong ko. “Same here. So Let's go." Naging magaan ang unang araw ng pasukan may mga bagong friends akong nakilala.At isa na nga dito si Kevin. Pusong babae pero hindi legal sa pamilya n'ya kung ano talaga sya. Kaya patago lang ang pagiging binabae n'ya. Nang ipakilala ko si Janice, kay Kevin. Feeling ko wala na akong kapayaan sa dalawang 'yon. “Ateng sabay ka na kayo sa akin parating na kasi ang sundo ko,” Alok ni Kevin paglabas namin ng gate. “ Bakit Kevs, may car kayo?” Singit ni Janice. “Wala, sabi ko sabay na kayo sa sasakyan kong jeep ayon oh! Parating na.” Tatawa tawa pa nitong sambit. “Wag na may jeep din kami diba Janice?” Biro ko din sa kanya. Nagkatawan pa kami bago nag hiwalay. “Friendship, musta ang first day mo?” Tanong ni Janice. “Good, ikaw?” Ganting tanong ko dito. “Guess what?” Nagliliwanag pa ang mata nito nang humarap s'ya sakin. “What?" “Friendship, nakita ko si Drakeee!" impit na tili pa nito. Agad naman kaming pinagtinginan ng ibang pasahero sa jeep. “Pwede ba! Janice, kalmahan mo lang malala ka talaga.” Nakamulagat kong sita dito. “Bye. Janice,” paalam ko sa kaibigan nang makababa na ako sa jeep. Nang malapit na ako sa bahay namin nakita ko na madaming tao sa labas ng bahay. Binalot ako ng matinding kaba, hindi ko maintindihan parang may nangyari na hindi maganda. Mas lalo ko pang binilisan ang pagpalakad. “Dior! Ang Tatay, mo sinugod sa ospital!” Bungad sa akin ni Aling Minda. “S-si T-tatay po? S-saang ospital po?" Natataranta ko pang tanong. Kaagad ako na sumakay ng jeep para pumunta sa ospital. Habang nasa byahe umusal ako ng piping dalangin na sana maayos lang ang lagay ni Tatay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD