Nang makarating ako sa hospital kaagad akong nagtanong sa Nurse.
Nakita ko si Nanay sa labas ng Emergency Room.
“Nanay...”
Kaagad akong lumapit dito.
“Kamusta po si Tatay? Ano pong nangyari?” Sunod sunod ko pang tanong.
“Hindi ko din alam anak, basta pag uwi ko para tignan ang Tatay mo naabutan ko na lang s'ya nakahandusay na sa sahig at wala ng malay.” Umiiyak na wika nito.
Hinahagod ko ng likod ni Nanay habang wala pa rin tigil sa pag iyak nito.
“Wag ka nang umiyak Nay, may awa ang D'yos magiging ok si Tatay."
Maya maya pa lumabas ang Doctor, tumayo kami ni Nanay para salubungin ito.
“Kayo po ba ang kamag-anak ng Pasyente?” Tanong nito.
“Opo. Doctor, kami po. Ako po ang asawa," sagot ni Nanay.
“Misis, ligtas na po sa kapahamakan ang asawa n'yo. Mabuti na din po ang lagay ng pasyente."
Buhat sa sinabi ng Doctor nakahinga ako ng maluwag.
"Salamat po." Umiiyak pang sambit ni Nanay.
May mga pagsusuri kaming gagawin sa kanya. Para malaman po natin ang dahilan ng pagbilis at pagbagal ng t***k ng puso ng pasyente. Sa ngayon po muna, sa ICU muna s'ya para po maobserbahan namin s'ya. Bukas po pwede na s'yang ilipat sa kwarto." Mahabang paliwanag ng doctor sa amin. "Maiwan ko na po kayo." paalam nito.
Mas lalo pang naiyak si Nanay. Nang makaalis na ang doctor.
" Nay, tahan na po ipagdasal natin na walang makitang komplikasyon kay Tatay magtiwala lang po tayo." ani ko pa.
"Nakakagulat lang kasi anak. Maayos pa naman ang Tatay mo kanina." Malungkot na sambit pa ni Nanay.
Kasalukuyang nasa ICU pa si Tatay, nakabantay lang ako sa labas. Habang umalis si Nanay para asikasuhin ang kwarto na lilipatan ni Tatay paggising n'ya. Bukas na gagawin ang mga pagsusuri kay Tatay.
Nang bumalik si Nanay nagpaalam muli s'ya sa akin na uuwi muna sa bahay para kumuha ng mga gamit.
Tay... Mahinang tawag ko dito habang nakatingin ako sa labas.
"Dior..." Tawag sa akin ni Nanay nakabalik na pala ito. Hindi ko namalayan ang oras ang tagal ko na pala sa labas habang nakatingin kay Tatay.
"Nay, nakabalik na po pala kayo."
"Sige na Dior, umuwi ka na anak. Ako na ang bahala dito may pasok ka pa bukas." utos ni Nanay.
"Nay, dito na lang ako," ungot ko pa kay Nanay.
" Hindi pwede Dior, bumalik ka na lang bukas." ani pa ni Nanay.
Wala akong nagawa kaya umuwi na lang ako. Saka maaga naman matatapos ang klase ko bukas.
Nang matapos ang klase nagmamadali akong umalis.
"Kevs, una na ako. Pupunta pa kasi ako ng ospital ngayon." paalam ko dito.
"Sige ateng, ikamusta mo ako kay pudrakels mo. Ingats ka hindi ako makasama sa'yo may raket kasi ako n'gayon." wika pa nito.
Agad akong nag abang ng jeep papunta ng ospital. Nag-text si Nanay na nakalipat na ng kwarto si Tatay.
"Nay..."
"Bakit ang aga mo ata anak? " Tanong ni Nanay.
" Maaga po natapos ang klase ko ngayon Nay, si Tatay po?"
"Dior, nasa loob na ang Tatay mo. Para sa mga pagsusuri na gagawin sa kanya." pagbabalita pa ni Nanay sa akin.
Nag aantay lang kami ni Nanay sa labas. Maya maya pa lumabas na ang doctor.
"Misis.." tawag ng Doctor kay Nanay.
"Bakit po Doctor?" Tanong ni Nanay.
"Misis, may resulta na po sa mga pagsusuri na ginawa namin sa pasyente. Lumalabas na may isang uri ng kondisyon sa puso ang asawa nyo. Ito ang tinatawag na Cardiomegaly ang ibig po nitong sabihin enlarged heart mas malaki po ang puso ng tao na may ganitong kondisyon. Kompara sa normal na puso natin. Kaya naman nahihirapan mag-pump ng blood ang puso. Kung kaya pati ang pagtibok ng puso ay naapektuhan. Kung minsan po mabilis at kung minsan naman po ay mabagal. Makakaranas din ng pagkapos ng hininga ang tao na may ganitong kondisyon." paliwanag pa ng Doctor sa amin.
“Doctor, ano po ang dapat gawin sa sitwasyon ng asawa ko?” Naiiyak na tanong ni Nanay.
“Kinakailangan po natin s'yang lagyan ng Pacemaker isa po itong maliit na device na ilalagay sa dibdib ito po ang magkokontrol sa t***k ng puso ng pasyente. Tatapatin ko kayo Misis, malaking halaga ang kakailanganin n'yo dito. Kailangan din s'yang ilipat sa mas malaking hospital upang 'don isagawa ang implant nito.” mahabang paliwanag nito sa amin.
" Magkano po kaya Doctor ang kailangan na pera?" Tanong muli ni Nanay.
"Kalahating milyon po ang kailangan n'yo bukod pa po ang ibang expenses sa hospital."
Halos mahilo ako sa sinabi ng Doctor. Ang unang tanong sa isip ko. Saan kami kukuha ng ganong halaga.
Nang makaalis na ang Doctor naiwan kami ni Nanay. Walang gustong magsalita sa amin.
“Saan tayo kukuha ng ganon kalaking pera?” Tanong sa kawalan ni Nanay.
Ako man hindi ko alam kung saan kukuha ng ganon halaga.
Hinawakan ko ang kamay ni Nanay at pinisil ko 'yon.
"Nay, kaya natin ito." pampalakas loob ko pa sa kanya.
Umalis muna si Nanay para bumili ng gamot habang nagbabantay ako kay Tatay. Sabi pa ng Doctor kailangan malagyan si Tatay ng pacemaker sa lalong madaling panahon.
Iniisip ko pa din saan kami kukuha ng pera. Sabi pa ni Nanay malaki na daw nagagastos namin sa isang araw pa lang na pamamalagi dito sa hospital. Wala kaming kamag-anak na pwede na lapitan halos lahat kagaya lang din ng pamumuhay namin.
Wala kaming pwedeng lapitan, bukod kay Madam Adelaida. Nakausap na ni Nanay si Manang Ingrid ayon kay Manang umalis daw ng bansa si Madam Adelaida hindi pa alam kung kailan ang balik n'ya. Lalo na kaming nawalan ng pag asa. Bakit ngayon pa nangyari ito? Tanong ko sa sarili paano na kami ngayon. Nasa ganito akong isipin ng biglang tumunog ang phone ko. Si Kurt tumatawag.