Kakatapos lang namin mag usap ni kurt nasabi ko na din ang tungkol kay Tatay. Maging si Nanay nasabi na din n'ya kay Tatay ang tungkol sa kondisyon nito.
"Dior.. anak," Mahinang tawag ni Tatay sa akin.
"Bakit po Tatay? Gusto n'yo po ba ng tubig?" Tanong ko dito.
Umiling lang ito bilang sagot sa akin.
"Pasensya ka na Anak, kung pati ikaw na nadamay pa sa problema namin." Malungkot na sambit nito. Ginagap ko ang kamay ni Tatay at bahagya ko pang pinisil ito.
"Tatay, wag kang mag alala ang dapat n'yo po na gawin ay magpalakas." Nakangiti kong wika dito.
"Iniisip ko lang, kung saan tayo kukuha ng ganon kalaking halaga." wika pa n'ya.
"Kami na bahala Tatay wag n'yo nang isipin yon."
Hindi namin namalayan ang pagdating ni Nanay.
"Dior, umuwi ka na muna Anak. Ako na ang bahala dito. May pasok pa ka pa bukas." wika ni Nanay.
"P-pero Nay," protesta ko pa.
"Dior, sige na Anak. Makinig ka sa Nanay mo," singit ni Tatay sa usapan namin.
Wala akong nagawa kung hindi sundin ang utos ni Nanay. Paano ako makakapag-focus sa school kung iniisip ko ang kalagayan ni Tatay.
Muli na naman kinausap si Nanay ng Doctor kanina, kailangan na daw ni Tatay na malagyan ng pacemaker baka daw maulit ang nangyari kay Tatay, na mas delikado pa daw. Pero saan kami kukuha ng pera.
"Friendship, ayos ka lang ba?" Untag ni Janice sa akin. Habang nasa canteen kami.
"Iniisip ko kasi ang kalagayan ni Tatay. Sabi ng Doctor dapat daw maisagawa na ang operasyon kay Tatay. Kaso wala pa kaming hawak na pera." Malungkot ko pang sambit.
"Friendship, pasensya ka na wala akong maipautang sayo. Alam mo naman baon din kami, sa utang. Hindi ko pa nga natutubos ang kapitbahay ko na sinangla namin." Seryoso pang turan ni Janice. Hindi ko napigilan di matawa sa sinabi nito.
"Alam mo Janice, bwiset ka talaga!" Sambit ko pa.
"Hoy! Kevs, anong ambag mo?" Tanong ni Janice nang balingan nito si Kevs.
"Ako, ba? Baka ibenta ko na lang na lang ang Puri at Dangal ko. Para makalikom ng datung para sa operation plan ng fudrakels ni Dior,"
"Alam n'yo, kayong dalawa. Lumayas kayo sa harapan ko. Nandidilim ang paningin ko," banta ko pa sa kanilang dalawa. Sabay-sabay pa kami na nagtawanan.
Nang tawagan ako ni Nanay para sabihin na nahirapan daw huminga si Tatay kanina. Nagmadali ako na pumunta sa hospital.
"Nay, kamusta po ang lagay ni tatay?" Naabutan ko na umiiyak si Nanay sa labas ng emergency room.
"Wala pa anak. Hindi pa sila nalabas. D'yos ko! Dior, hindi ko kakayanin pag may nangyari sa Tatay, mo na hindi maganda," Umiiyak pa nitong sambit.
"Nay, wag kang mag-alala magdasal tayo may awa ang d'yos manalig tayo."
Ang hirap ng sitwasyon namin. Kahit ibenta pa namin ang bahay at lupa. Hindi aabotin ng kalahating milyon. Naaawa ako sa mga magulang ko nahihirapan. Lalo na kay Nanay. Pero wala akong magawa.
"Nay 'wag na ka nang umiyak makakahanap tayo ng paraan." Niyakap ko si Nanay.
Lord ikaw na po ang bahala piping dasal ko.
Nag antay pa kami ng ilang oras bago lumabas ang Doctor kaagad kaming lumapit ni Nanay.
"Doctor, kamusta po ang asawa ko?" Tanong ni Nanay dito.
"Misis tatapatin ko na kayo, kailangan na po na malagyan ng pacemaker ang asawa nyo. Sa lalong mas madaling panahon. Hindi po natin alam baka muli na naman maulit ang ganito. Mas delikado na po. Puntahan n'yo po ako sa opisina ko paghanda na po kayo. Maiwan ko na po kayo,"
Nang makaalis na ang Doctor naupo kami ni Nanay.
"Mahabaging langit." usal ni Nanay.
"Saan tayo kukuha nang ganong kalaking halaga? Ngayon pa lang nauubos na ang kaunting ipon ko na pera." sambit ni Nanay.
Wala akong magawa kundi magdasal wala akong maisip na pwede namin lapitan.
Nagsabi ako Kay Kurt tungkol sa lagay ni Tatay nangako s'yang tutungan n'ya kami. Pero simula pa nang huli namin usap wala na s'yang paramdam sa akin.
Kurt kailangan ka namin mahinang sambit ko.
Nanatili lang kami na walang imik ni Nanay.
Si Nanay ang bantay ni Tatay. Pinapauwi na n'ya ako sa bahay dahil may pasok pa daw ako kinabukasan. Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa loob ng chapel ng hospital. Lumuhod ako upang umusal ng panalangin. Palabas na ako ng chapel ng biglang tumawag si Nanay. Pinapabalik n'ya ako doon. Binundol ako ng matinding kaba. Sana walang masamang nangyari kay Tatay bulong ko sa sarili. Nagmadali akong naglakad pabalik kay Nanay sa loob.
"Nay! bakit po? Anong nangyari kay Tatay?" Humahangos ko pang tanong kay Nanay nang makabalik ako sa loob ng hospital. Naabutan ko sa labas ng I.C.U si Nanay.
"Dior! Dininig ng D'yos ang dalangin natin anak. May tutulong na sa Tatay mo para maisagawa ang Pacemaker implant n'ya," Masayang pagbabalita ni Nanay sa akin.
Nagulat ako sa sinabi nito. Parang panaginip ang lahat.
"Totoo ba yan Nay? May tutulong na kay Tatay?" Umiiyak na din ako sa labis na tuwa.
"Oo anak," Umiiyak na sagot pa nito.
"Nay..." sabay yakap ko dito para kaming nabunutan ng tinik sa dibdib dahil sa masayang balita na natanggap namin.
Ilang minuto pa kaming ganito bago ako kumulas ng yakap.
"Nay, paano po nangyari yon?"
"Pinatawag ako kanina ng Doctor Anak, binalita n'ya na may gusto nga daw tumulong sa tatay mo. Hindi ako makapaniwala nang una pero totoo talaga Dior. Sabi pa ng doctor pag medyo malakas na ang Tatay mo, ililipat s'ya sa hospital sa Maynila upang 'don gawin ang pagkakabit ng pacemaker sa kanya."
"Pero Nay, wala po bang sinabi. Kung sino ang tao na gustong tumulong kay Tatay?"
"Wala s'yang sinabi anak," sagot ni Nanay sa akin. Nakapagtataka lang na hindi nagpakilala ang tao na 'yon.
"Pero Nay, natatakot po ako. Paano po kung ako ang kapalit? Baka ipakasal n'ya ako sa anak n'ya o sa kanya. Nay... ayaw ko bata pa po ako madami pa akong pangarap sa buhay." sabi ko dito sabay yakap sa sarili.
Kaagad naman akong nakatikim ng kurot galing kay Nanay.
"Anong pinagsasabi mo? Ikaw, na bata ka talaga."
"Nay, ganyan kasi ang madalas sabihin ni Janice, sa akin. Ganyan daw po ang mga napapanuod n'ya sa kdrama." katwiran ko pa kay Nanay.
"Kayo talagang dalawa, ang dami n'yong alam," Napapailing na sambit ni Nanay.
"Wag na natin alamin Anak. Ipagdasal na lang natin ang tao na tutulong sa Tatay, mo na mas pagpalain pa lalo."
"Opo Nay,"
Kita ko sa mga mata ni Nanay ang labis na galak. Nakakatawa na din s'ya ngayon. Kung sino ka man tumulong sa amin salamat mahina kong sambit.