Nang magising si Tatay kaagad binalita ni Nanay ang tungkol sa taong tutulong para sa implant n'ya. Nagkaiyakan pa kaming tatlo dahil sa labis na galak nang malaman ni Tatay na may tutulong sa amin. Hanggang sa pagsakay ko ng Jeep nasa isip ko pa din sino kaya ang tao na tumulong sa amin. Pero sabi nga ni Nanay wag na namin alamin pa ang importante maisagawa na ang operasyon ni Tatay. Habang nasa byahe ako biglang tumunog ang phone ko excited pa ako na tignan iyon sa pag aakala na si Kurt ang nag chat.
Dismayado ako nang makita ko na galing pala kaya Janice ang chat muli kong binalik ang phone ko sa bag. Kanina ko pa kasi hinihintay ang chat ni Kurt. Hindi kasi s'ya nag-chat kaninang umaga na madalas naman nitong gawin. Naisip ko baka busy lang sa school. Pinagwalang bahala ko lang ito.
Baka busy lang Dior bulong ko sa sarili. Pagdating ko sa bahay naabutan ko pa si Janice sa labas ng bahay namin.
"Friendship..." tawag nito sa akin. Nang makalapit ako sa kanya.
Agad naman itong yumakap sa braso ko. "Janice, alam ko na yan, wag mo na akong daanin sa ganyan." Natatawa ko pang sambit maging ito ay natawa na din.
"Ehhh friendship, pasensya na talaga." Nakangisi pang sambit nito.
"Tara sa loob." yaya ko pa dito.
Nang makapasok kami kaagad naman pumunta si Janice sa kusina namin. Akala mo bahay n'ya kung makaasta.
"Hoy! Janice, anong hinahanap mo?" Tanong ko pa sa kanya.
"Plastic friendship," sagot nito.
"Hoy! Janice, ilang kilo ba ang hihiramin mo na bigas?"
"Limang kilo lang naman friendship. Ok na yon." Nakangiti pa n'yang saad.
Namilog pa ang mga mata ko sa tinuran nito. Akala ko naman konti lang.
"Janice, bakit kaya hindi pa sampung kilo na ang hiramin mo," sarkastiko na sambit ko pa.
"Friendship, talaga? Pwede ba? Pahingi na din nito," sabay dampot ng talong. "Ito din friendship," sabay kuha ng kamatis, sibuyas kalabasa at okra.
Napaawang pa ang labi ko sa ginawa nito ang walanghiya nag-grocery sa bahay namin.
"Hoy! Janice, anong akala mo sa bahay namin palengke?" Singhal ko pa sa kanya.
"Friendship, pasensya na talaga ayaw na kasi na magpautang ni Marisol. Wala pa din sahod si Nanay. Ako, naman walang raket. Nag aantay pa ako na may mamamatay ulit na iiyakan ko." mahabang paliwanag pa ni Janice sa akin. Natawa pa ako sa huli nitong sinabi. Sinabihan ko na si Janice na tigilan na ang mag-sideline bilang taga iyak sa mga patay. Kaso sabi nito madali lang ang trabaho 'don saka malaki ang bayad.
"Mabalik tayo friendship. Kamusta na pala si Tatay Fred ano nang balita?" Tanong nito.
"Janice! Dininig ng D'yos ang panalangin namin. May tutulong na kay Tatay, para sa operasyon n'ya." Masayang pagbabalita ko pa sa kanya.
"Wow! Talaga friendship. Salamat naman kung ganon. Pero sino naman yon friendship?"
"Hala! Friendship hindi kaya..." sabay yakap pa nito sa sarili.
"Ano? Janice?" Kunot noo ko pang tanong sa kanya.
"Baka pagkatapos ng operation ng Tatay mo. Ikaw ang kunin na kabayaran nila!" Nahihintatakutan pa nitong wika.
"A-aray." daing ni Janice ng kurutin ko s'ya sa braso.
" Tigilan mo ang kakapanuod ng kung ano Janice Tsk!"
"Oo na, friendship."
"Hindi nga namin alam Janice, basta ang sabi ni Nanay, kinausap lang s'ya ng doctor ni Tatay. At sinabi na may gusto nga daw tumulong sa amin. Masayang masaya ako Janice," Nakangiti ko pang sambit.
"Hayaan mo na friendship baka naawa s'ya sa inyo. Masaya ako para sa'yo friendship," saad pa nito.
"Friendship, gusto mo ba samahan kita dito?"
"Hindi na Janice, lumayas ka na." Tatawa tawa ko pang taboy dito.
Nang makaalis si Janice muli ko pa ulit tinignan ang phone ko. Nagbabakasali ako na baka may chat na si Kurt.
"Oh! Dior, mukha ka yatang nakipaglaro sa puyat." puna ni Kevs nang makarating ako sa school.
Hindi ako halos nakatulog kagabi kakahintay sa chat ni Kurt pero bigo ako. Hanggang ngayon umaga wala s'yang paramdam. Ayaw ko naman na una ako ang mag chachat sa kanya.
"May inaantay kasi ako na mag-chat kagabi." Inaantok ko pang sagot dito."
Buti na lang maaga matatapos ang klase ko ngayon.
"Sino? Si Kurt no?" Usisa pa nito sa akin.
Tumango naman ako bilang pagsang-ayon sa sinabi nito.
"Baka busy lang Dior. Baka mamaya mag-chat na din s'ya sa'yo." saad pa ni Kevs.
"Pero, Kevs, hindi naman s'ya ganito. Everyday naman nag chachat s'ya sa akin. Nag aalala lang ako para sa kanya." Malungkot ko pang saad.
"Wag ka nang ma sad Ateng baka madami lang ginagawa." pampalubag loob pa nito sa akin.
"Tara na! mahuhuli na tayo," hila sa akin ni Kevs papasok ng classroom.
Nakailang ulit pa akong nag check nang phone nagbabakasali na may chat na si Kurt.
Hanggang matapos ang klase at makauwi ako sa bahay walang Kurt na nagparamdam. Sa bahay ako nag deretso para kumuha ng ibang gamit na dadalhin ko. Sa hospital para kay Nanay. Sa makalawa na ooperahan si Tatay sa malaki at pribadong hospital pa gagawin ang operasyon nito. Gusto ko sanang sumama kay Nanay pero ayaw pumayag ni Tatay. May makakasama naman daw si Nanay ang kapatid ni Tatay na sa Maynila nakatira. Kaya maiwan na lang daw ako dito. Papunta na ako ng hospital ngayon kada minuto ko yata tinitignan ang phone ko. Pero wala pa din chat hanggang sa makarating ako ng hospital.
"Nay, Tay," tawag ko sa kanila.
"Nariyan ka na pala Dior. Ito na ba lahat ang pinapadala ko sayo?" Tanong pa ni Nanay sakin. Saka kinuha ang mga dala dala ko. "Opo Nay."
"Tatay, kamusta ang pakiramdaman n'yo?" Tanong ko ng balingan ko s'ya.
"Mabuti naman Anak. Aba! masamang damo yata 'to." biro pa nito. Bahagya pa akong natawa sa sinabi nito.
"Tatay, talaga. Excited na ba kayo sa operasyon nyo?" Pakunwa'y tanong ko pa dito.
"Kinakabahan lang Anak," sagot nito.
"Pero kayang kayang ni Tatay yan. Wag kang mag alala basta focus ka lang sa pag aaaral mo."
"Opo Tatay. Ako pa ba?" Pagyayabang ko pa dito.
Natawa pa s'ya sa sinabi ko.