Let Go

1700 Words
Naging successful ang implant ni Tatay. Nakauwi na din s'ya dito sa bahay para magpahinga madaming pinag bawal sa kanya. Bawal din sa kanya ang stress hindi na din s'ya mag t-trabaho sa hacienda. Sa dami ng nangyari nakalimutan ko bigla ang hindi pagpaparamdam ni Kurt. Pero n'gayon araw na 'to nagdesisyon ako na puntahan mamaya si Drake para magtanong about kay Kurt. "Kevs, samahan mo ako mamaya kay Janice," sabi ko pa sa kanya. "Sure! Ateng sasama ako sa OPLAN KURT." Natawa pa ako sa sinabi nito. Hanggang sa matapos ang huling subject namin pumunta na kami kay Janice. "Friendship!" Tawag ni Janice sa akin. "Janice, sigurado ka ba? Dito talaga nag aaral si Drake?" Tanong ko pa sa kanya. "Hay naku! Friendship, basta tungkol kay Drake, hindi ako nagkakamali. Wait ka muna d'yan malapit na 'yon." "Kevs!" Tawag ni Janice dito. "Yes, Ateng." Maarteng sagot nito. "May ipapaalala lang ako sayo. Pagnakita mo si Drake pumikit ka! Wag na wag mong pagpapantasyahan ang lalaking pipitas sa mga papaya ko! Naiintindihan mo!" Banta pa nito. Kaagad naman tumayo si Kevs at lumapit kay Janice. "Kahit kailan walang sa'yo Janice! Dahil akin sila bago mo pa sila inagaw! Dahil ang totoo naiinggit ka sa akin!" Madrama pa nitong litanya. Umakto pa itong sasampalin si Janice. " Kevs ang galing mo d'yan," Tuwang tuwa pang puri nito kay Kevs. Natawa na lang ako sa mga pinagsasabi ng mga ito. "Drake..!" Sigaw ni Janice nang makita si Drake. Kaagad naman s'yang naglakad papunta sa amin. "What?" Masungit pa nitong tanong kay Janice. "Hoy! Drake, wag mo akong ma what what d'yan!" Singal pa ni Janice dito. Natahimik naman bigla si Drake sa pagsusungit ni Janice. "May tatanong si friendship. Kaya ka namin pinuntahan. Wag assuming tsk." buska pa ni Janice dito. Sumingit na ako sa usapan baka mamaya may tulfohan na dito. Samantalang si Kevs nalunok na yata ang dila. Habang titig na titig kay Drake. "Hi, Drake. May tatanong lang sana ako sayo," sabi ko pa dito. "Ano ' yon Dior?" ganting tanong n'ya sa akin. "About sana kay Kurt, itatanong ko lang if may communication ba kayo? Hindi na kasi s'ya nag c-chat sa akin," Malungkot ko pang saad. " Two weeks ago pa ang huli namin chat ni Kurt, wala na din ang social media n'ya, nakita mo na ba Dior,?" Sambit pa n'ya. Nagulat naman ako sa sinabi nito. Kaagad ko naman tinignan ang phone ko. Halos maiyak pa ako lalo nang makita ko ang sinabi ni Drake. "D-drake, please. Pag may balita ka kay Kurt. Please, let me know. " Maiyak iyak ko pang sambit. Nang makaalis na si Drake naglakad na kami palabas. Nagdesisyon ako na pumunta sa mansion para magtanong kay Madam Adelaida. Bahala na gusto ko lang malaman kung ok lang ba si Kurt. "Friendship, sure ka ba? Ayaw mo ba na samahan ka namin sa mansion?" Tanong ni Janice sa akin. "Oo nga Ateng, samahan ka na namin," susog pa ni Kevs. "Sige na, umuwi na kayo, kaya ko na 'to." Nakangiti ko pang taboy sa dalawa. Pilit ko pang ngumingiti sa harap nila. Kahit totoo nasasaktan na ako ng sobra. Habang nasa byahe hinahawakan ko ang kwintas na bigay ni Kurt. Ang daming tanong sa isip ko sa mga oras na ito. Hindi ko namalayan nasa tapat na pala ako ng mansion ng mga Jimenez. "Dito na lang po!" Sigaw ko sa driver. Nang makababa inayos ko muna ang sarili ko. "Good afternoon, Manong Ben," bati ko sa gwardiya. Kaagad naman nitong binuksan ang gate ng makita ako. "Oh! Dior, napasyal ka ata? Tagal mo nang hindi pumunta dito." Nakangiti pang sambit nito. "Kaya nga po Manong Ben. Namiss ko po kayong lahat." Masayang wika ko pa. "Manong Ben, pasok po muna ako sa loob." Nakangiti kong paalam dito. "Sige, Dior. Ikamusta mo din ako sa Tatay mo huh." " Makakarating po."sagot ko pa dito. Matagal tagal na din nang huli akong nagpunta dito. Pero wala pa rin pinagbago ang lahat. Nang madako ang paningin ko sa garden napangiti pa ako. Parang kailan lang naglalaro pa kami ni Kurt sa bahaging iyon. Muli na naman akong nalungkot nang maalala ko s'ya. Nagtuloy tuloy ako sa kusina. Naabutan ko pa sina Manang Ingrid, Ate Lyn at Ate Jo. "Hello madlang daberkads!" Magiliw kong bati sa kanila. Nagulat naman sila. "Dior!" Sigaw ni Ate Jo. Nagyakapan kaming apat. "Dior, bakit hindi mo na ako dinadalaw dito?" Nagtatampong tanong ni Manang Ingrid. " Manang Ingrid talaga." Nakangiti kong sambit habang mas niyakap pa ito. "Masyado lang pong busy sa school. Hayaan n'yo po pag may time ako, dadalawin po kita dito Manang." "Dior, kamusta na ang Tatay mo?" Tanong ni Ate Lyn. "Mabuti naman po s'ya, nagpapalakas na po." sagot ko kay ate Lyn. "Ano nga pala ang sadya mo dito? At napasyal ka Dior?" Tanong naman ni ate Jo. Hindi ako kaagad nakasagot sa tanong nito. Natahimik ako bigla hindi ko alam kung dapat ko pa bang ituloy ang sadya ko sa mansion. "Dior?" Untag sa akin ni Manang Ingrid. "P-po?" Ano po kasi...po M-Manang Ingrid," nauutal ko pang sagot dito. "M-may itatanong lang po ako kay Madam Adelaida," nahihiya ko pang saad. "May problema ba Dior?" Malumanay na tanong ni Manang Ingrid. Habang nakatingin lang sa amin si ate Jo at Lyn. Nakatingin lang ako kay Manang para naman nabasa n'ya ang nasa isip ko. Hinawakan n'ya ang kamay ko. "Sige na, puntahan mo na si Madam Adelaida," taboy pa sa akin ni Manang. "Sige po, puntahan ko lang po si Madam," Tumango naman sila sa akin. Naglakad na ako papasok sa loob ng bahay bawat sulok na madaanan ko si Kurt ang naaalala ko. Unti unti na naman akong nilamon ng lungkot. Madami ako na gusto sa kanya na ikwento mga nangyari sa school saka gusto ko din sabihin sa kanya na mabuti na ang kalagayan ni Tatay. Kurt please bumalik ka na naiiyak ko pang bulong sa sarili. Nakita ko si Madam Adelaida na nakaupo. Ngumiti naman s'ya nang makita n'ya ako. "Good afternoon po." bati ko dito. "Good afternoon, hija. Napasyal ka?" Nakangiti pa n'yang tanong sa akin. Para akong nanlamig bigla. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang ituloy ang sadya ko dito. " Madam Adelaida," lakas loob kong sambit. " Gusto ko lang po itanong..." hindi ko na naituloy ang dapat kong sabihin. Nag unahan nang pumatak ang mga luha ko. Kita ko sa mukha ni Madam ang pag aalala. Agad kong pinupusan ang mga luha ko. " Madam, si Kurt po kasi wala na po akong balita sa kanya. Gusto ko lang pong malaman kong maayos lang po ba s'ya?" Muli na naman bumagsak ang traydor kong luha. "Wag ka nang umiyak hija, sige ka mabawasan ang ganda mo n'yan" Nakangiti n'ya pang biro sa akin. Natawa pa ako sa sinabi nito. Habang pinupunasan ko ang luha sa aking mukha. "Hija," tawag nito sa akin kaya naman napatingin ako dito. " Pwede ba akong humingi ng pabor sa'yo hija?" Seryoso pa nitong tanong. "A-ano po yon?" Naguguluhan ko pang tanong sa sinabi nito. "Hija, pwede bang hayaan mo muna si Kurt, na mag focus sa buhay n'ya sa L.A? Hayaan mo muna s'yang mag spent ng time sa Daddy n'ya, wag kang mag alala masaya si Kurt 'don. Madami na din s'yang kaibigan" saad pa nito. Hindi ako makagalaw sa mga sinabi ni Madam. Ganon na ba ako kaabala sa buhay n'ya? Tanong ko pa sa sarili. Wala akong mahagilap na salita na pwede kong sabihin. Blanko ang utak ko sa mga oras na ito. "P-po? Ganon po ba? S-sige po naiintindihan ko po kayo Madam," ngumiti pa ako para lang mapagtakpan ang sakit na nararamdaman ko sa mga oras na ito. "M-madam, s-salamat po sa oras m-mauuna na po ako," pinipilit ko na wag nang umiyak sa harap nito. Pero hindi ko kaya sabay pang nag unahan pumatak ang mga luha ko. Habang naglalakad palabas muli kong sinulyapan ang kabuuan ng kabahayan. Mga alala namin sa bahay na ito. Nang makalabas ako ng gate dito ko binuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko. Napaupo ako pakiramdam ko hindi ko kayang tumayo. K-kurt b-bakit? Nangako ka sa akin d-diba? B-bakit ganito? Tanong ko pa sa sarili. Habang naglalakad ako unti unting bumagsak ang ulan. Wala na akong pakielam kung mabasa ako. Kung pwede lang burahin na din ng ulan ang sakit na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Patuloy ako sa paglalakad. Naghalo na ang luha at ulan sa aking mukha. Simula n'gayon Kurt buburahin na kita sa buhay ko. Para sa akin isa ka na lang masaya at masakit naalaala. Umiiyak ko pang sambit. Nasa tapat na ako ng bahay namin hindi ko alam kung kakatok ba ako. Iniisip ko baka magtaka sila sa ayos ko. Bawal ma-stress si Tatay kaya hanggat maaari iniiwasan namin na mag alala s'ya. Biglang bumukas ang pinto. Si Nanay. "D'yos ko! Dior, anong ginawa mo at naligo ka sa ulan? Pumasok ka dito sa loob." gulat na sambit pa nito. "Nay..." Umiiyak ko pang tawag dito. "S-si T-tatay po?" "Nasa kwarto natutulog. Hala! Pumasok ka na at maligo." Nagsusuklay ako ng pumasok si Nanay sa kwarto. "Dior..." Agad naman akong napalingon dito. Lumapit si Nanay sa akin at kinuha ang suklay sa kamay ko. Sinuklayan n'ya ako. "Anak, kahit di mo sabihin alam ko ang pinagdadaanan mo. Nanay mo ako kaya wala kang maitatago sa akin." saad pa nito. Dahil sa sinabi nito napaiyak na naman ako. "N-Nay, si Kurt po ayaw na n'ya sa akin." Umiiyak ko pang sumbong dito. "A-ayaw n'ya na po sa akin." patuloy pa din ako sa pag iyak. "Ssshh tahan na Anak," sambit ni Nanay habang hinihimas ang likod ko. "N-nay ang sakit po dito." sabay turo ko sa dibdib. "Anak, palagi mong iisipin may mga tao na dadaan sa buhay natin para magbigay aral sa atin sa masaya o masakit na paraan pa. Sa bawat tao na umaalis sa buhay natin may papalit." Nakangiti pang turan ni Nanay. Napayakap na ako ng tuluyan kay Nanay. Siguro nga dumating lang sa buhay ko si Kurt dahil may aral s'yang iiwan sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD