Abala ako sa pag-aayos ng mga damit ko na dadalhin ko bukas. Para sa pag alis ko papunta ng Singapore. I had an opportunity to intern sa isang kilalang hotel doon.
Tatlong buwan ang itatagal ko din doon. Excited na ako, bukas na ang araw ng flight ko. Kinakabahan din ako first time ko na mawawalay kina Nanay. Pero para sa pangarap ko Go lang! Ang bilis nang panahon ilang taon na din magmula nang maoperahan si Tatay. Ako graduate na din ng 4 year course. Bachelor of arts in Culinary arts and management.. Ang sarap sa feeling na nagawa ko makapagtapos sa kabila na ang daming nangyari na masasakit. Pero nanatili kaming matatag. Ilang taon na din na wala akong naging balita pa kay Kurt simula nang araw na pumunta ako sa mansion. Wala na akong alam sa kanya. Saka para sa akin isa na lang s'yang pangako na napako. Oo masakit na maiwan ako sa ere. Pero sabi nga ni Janice sa masakit na paraan don tayo may mapupulot na aral. Ang hirap bago ko nasabi sa sarili ko na kaya ko na. Hindi naging madali sa akin na masabing naka move on ako. Puso at tiwala ang itinaya ko sa taong nangako pero ganon siguro talaga ang buhay. Baka may ibang nakalaan.
"Anak..." tawag ni Nanay sa akin. Bigla naman naputol ang pag mumuni muni ko.
Hindi ko namalayan nasa tabi ko na pala si Nanay.
"B-bakit po Nay?" Hindi naman nagsalita si Nanay hinawakan n'ya lang ang mukha ko.
"Anak, masaya ako sa mga naabot mo. Sobrang proud na proud si Nanay sayo. Ang galing ng Anak ko," Nakangiti pang turan ni Nanay.
"Para po sa inyo. Ang lahat ng ito iaahon ko kayo sa hirap." sagot ko pa dito.
"Anak, kamusta na ito?" Sabay turo sa dibdib ko.
"Lanzones pa din Nay," Natatawa ko pang sagot. Hinampas naman ako sa braso ni Nanay.
"Loko ka! talagang bata ka." Tatawa tawa pang wika ni Nanay.
"Nay, ok lang po ako, matagal na po yon. Nakangiti kong sagot dito
"Anak, lahat ng nangyayari sa buhay natin may dahilan lagi mong tatandaan yan." Nakangiti pang sambit ni Nanay.
"Opo Nay," sagot ko pa dito habang patuloy ako sa pagtitiklop ng damit.
"Ito na ba lahat ng dadalhin mo bukas?" Tanong pa ni Nanay sabay turo sa mga gamit ko sa ibabaw ng kama.
"Opo Nay,"
"Anak, mag iingat ka 'don." Malungkot pa nitong sambit.
"Sigurado ka ba? Ayaw mong ihatid ka namin ng Tatay mo?" Tanong pa ni Nanay.
"Opo Nay, ihahatid naman po ako ni Janice at Kevs. Wag mo kayong masyadong mag-alala sa akin. Malaki na po Nay,"
"Malaki na nga pero tignan mo ito." sabay dampot sa hello kitty panty ko.
"Ganito pa din ng panty," Natatawa pang saad nito.
"Nay, naman eh." Nakasimangot ko pang reklamo dito.
Sabay pa kaming natawa.
"Mamimiss ko po kayo ni Tatay. Pero saglit lang naman po akong mawawala. Mabilis naman po ang araw kayang kaya ko yon. Nanay, para po sa inyo ni Tatay ito.' Nakangiti ko pang sambit.
"Sige na, tapusin mo na yan lalabas na ako," at tumayo na si Nanay para lumabas.
Habang nag aayos ako ng gamit biglang nahulog ang maliit na box napatigil ako sa ginagawa at pinulot ko iyon. Matagal nang panahon simula nang itinago ko ang bagay na nakakapag paalala kay Kurt. Sign na ba ito na dapat na kitang itapon? Tanong ko pa habang tinitignan ko iyon. Muli ko na lang binalik yon sa box nito. At nagpatuloy sa pag aayos ng gamit ko. Nang makatapos akong mag-ayos bumaba ako para magpahangin sa labas. Ang ganda ng kalangitan punong-puno ng mga bituin malamig na din ang simoy ng hangin. Naupo ako sa upuan na gawa sa kawayan at tumingin sa kalangitan. Naramdaman ko na lang na may umupo sa tabi ko agad akong napalingon. Si Tatay Pala iyon.
"Tatay, kayo pala. Bakit di pa po kayo natutulog? "Gabi na po." Nakangiti ko pang tanong dito.
"Anak, kamusta ka na? Alam ko sa mahabang panahon may bigat d'yan sa puso mo." tanong pa ni Tatay sa akin. Hindi agad ako nakasagot sa tanong ni Tatay ngumiti lang ako dito.
"Tatay, mabuti na po ang lagay ng puso ko, wag po kayong mag alala. Masaya na po ako lalo na po n'gayon natupad ko na po ang pangarap ko," sabi ko pa dito.
"Ang laki na talaga ng prinsesa ni Tatay. Baka mamaya may kaagaw na ako sa Anak ko," Natatawa pang turan ni Tatay.
"Tatay, naman eh. Wala nga pong nagkakagusto sa akin," sumbong ko pa dito.
"Aba! Baka mga bulag sila. Napakaganda ng Anak ko na ito. Matalino at mabait pa." proud pang sabi ni Tatay.
Humilig ako sa balikat ni Tatay habang nakatingin kaming dalawa sa kalangitan.
"Anak, palagi mong tatandaan kapag nadapa ka wag mong hayaan na hindi ka makabangon. At kung nasugatan ka sa pagkakadapa mo malaya kang lumapit sa mga tao na alam mo na handa kang gamutin." sinsero pang wika ni Tatay.
"Anak, kumpleto na ba ang mga gamit mo? Mga papeles mo nasa bag na ba lahat? Tignan mo muna." Natataranta pang tanong ni Nanay.
Ngayon na ang araw ng flight ko. Kahit medyo kinakabahan hindi ko pinapahalata kina Nanay para hindi sila mag- alala sa akin.
"Millet, kumalma ka. Mas natataranta ka pa sa Anak mo," Nakangiti pang puna ni Tatay.
Irapan naman ito ni Nanay. Natatawa na lang ako habang pinagmamasdan ko sila.
"Nay, kalma. Kumpleto na po ang gamit ko. Na check ko na din po ang papers ko,"
"Tara na! Nasa labas na ang sasakyan na maghahatid sa'yo Anak." sambit naman ni Tatay.
"Friendship!" Sigaw ng kaibigan kong boses FIFI.
Tapos na si Janice ng Nursing. Nag hahanda na lang s'ya para sa board exam n'ya.
" Hoy! Janice, nakasigaw miss mo ako?"
"Ateng!" Tawag naman ni Kevs.
Next week naman ang flight ni Kevs para sa internship n'ya sa Dubai.
"Wag n'yo na kaya akong hinatid." sabi ko pa sa mga ito.
Natawa pa silang dalawa sa sinabi ko.
Yumakap muna ako kay Nanay at Tatay.
Narinig pa namin na humihikbi si Nanay Kaya naman sabay pa kaming natawa ni Tatay.
"Millet, saglit lang mawawala ang anak mo, aba! Ang iyak mo naman parang mag aasawa na si Dior," biro pa ni Tatay.
"Tigilan mo ako Fred!" Napipikon pang sambit ni Nanay.
"Nay, Tay, awat na po." saway ko pa sa mga ito.
"Basta Dior, mag-iingat ka Anak, tawagan mo si Nanay palagi." Maiyak iyak pang sabi ni Nanay.
"Opo, palagi po akong tatawag. Wag po kayang mag-aaway ni Tatay," paalala ko pa sa mga ito.
"Wag mo kaming alalahanin Anak, ako na ang bahala sa Nanay mo. Baka pag - uwi mo may kapatid ka na," sabay kindat kay Nanay.
Nagkatawanan pa kami sa biro ni Tatay habang namula naman ang mukha ni Nanay sa hiya. Kinurot pa nito sa tagiliran si Tatay.
"Umayos ka nga Fred! Ang tatanda na natin." Pinandilat pa nito si Tatay.
"Pudrakels, matigas pa po ba?" Tanong pa ni Kevs.
"Ang alin Kevs?" Natatawa pang tanong ni Janice.
"Ang tuhod," Tawang tawa pang bulalas ni Kevs.
"Kayo, talagang mga bata kayo," napapailing pang sambit ni Nanay.
"Tara na! Janice at Kevs, puro kayo kalokohan!" tawag ko pa sa mga ito.
"Nay, Tatay, para sa pangarap. Laban!"
Habang nasa byahe puro na lang paalala si Janice.
"Friendship, ingat ka 'don huh! Wag kang makikipag usap sa stranger! Ganyang ganyan ang mga napapanuod! Nakakatakot!"
" Ano ba! Janice tigilan mo nga kakapanuod ng horror!" singhal ko pa sa kanya.
"Kaya nga Janice! Saka wag kang matakot sa pinapanuod mo na mga ghost. Mas matakot ka sa mga nang ghost!"
Bigla naman akong natahimik sa sinabi ni Kevs. Napansin n'ya na natigilan ako sa huli n'yang sinambit.
"Ano ka ba Kevs? Bakit naman pinaalala mo pa kay friendship?" sita pa ni Janice kay Kevs.
"Ay! sorry po."
"Ano ba kayong dalawa! Ok lang ako,"
"Ateng, kaya siguro tayo iniiwan kasi hindi tayo sumasama." Nakakaloko pang saad ni Kevs.
Dahil sa sinabi nito hindi namin napigilan na hindi matawa ni Janice.
"Ikaw! Ang iiwan namin sa daan pag hindi ka pa tumigil!" Natatawa ko pang banta dito.
Nang makarating kami sa airport sumama pa sa loob si Janice at Kevs.
"Ateng, ingat ka huh!" paalala pa ni Kevs sakin. Niyakap pa ako nito.
Napansin ko naman na tahimik si Janice sa gilid.
"Hoy! Janice ano yan?" Puna ko pa sa kanya.
"Friendship, I will miss you, first time natin na maghiwalay."
Halata sa boses nito na naiiyak s'ya. Kaya naman lumapit ako para yakapin s'ya.
"Ano ka ba! Tatlong buwan lang naman ako 'don. Ang drama mo, akala mo habang buhay mo na akong hindi makikita." buska ko pa kay Janice.
Mas lalo pa itong umiyak kaya naman mas niyakap ko pa ito lalo.
"F-friendship, hindi naman kasi 'yon ang dahilan," umiiyak pa n'ya pang sagot sa akin.
"Eh, ano Janice?" Singit naman ni Kevs sa usapan namin.
"F-friendship ang paa ko niyapakan mo, masakit kaka murdered lang sa kuko ko kahapon," anas pa n'ya. Kaagad naman akong napatingin sa paa n'ya oo nga nayapakan ko nga s'ya. Nagkatawanan pa kaming tatlo. Habang papasok na ako sa loob para mag check in. Kinakabahan na naman ako. First time ko din sasakay sa eroplano. Pero kailangan kong labanan.
Para sa pangarap Dior Laban Japan! pampalakas loob ko pa. Ano kayang buhay ang naghihintay sa akin sa Singapore? Bulong ko pa. Hanggang sa makasakay ako sa loob ng eroplano mas lalo akong natakot. Pakiramdam ko nanginginig ang mga kamay ko. Kaya pumikit na lang ako. Nang may maramdaman ako na humawak sa kamay ko. Napamulat ako upang tignan kung sino 'yon. Ganon na lang ang pagkagulat ko nang makita ko Kung sino ang nakahawak sa kamay ko.