"This is it," bulong ko sa sarili ng makarating kami sa hotel. Ang ganda talaga dito. Mabilisang tour lang ang ginawa ni Ms. Mad sa kusina. Pinakilala n'ya ako sa ibang mga Chef sa loob. Si Ms. Mad ang may pinakamataas na rango sa kitchen. May mga Pinoy Chef din sa hotel. At may iba pa din mga intern na katulad ko. Nang matapos ang tour inabot sa akin ni Ms. Mad ang uniform ko.
"Magbihis ka na Dior," sabay turo nito sa toilet. "Sige po, Ms. Mad," dali dali naman akong naglakad patungo ng toilet para magbihis."
May nakasabay pa akong intern sa loob ng toilet.
"Hi," bati n'ya sa akin paglabas ko ng cubicle.
"Hello," ganting bati ko.
"Maribel, nga pala." pagpapakilala nito sakin.
"Dior," nakangiti kong sagot sa kanya.
"Hoy! Girl, anong dasal ang ginawa mo kay Ms. Mad? At good mood today."
"Huh? Anong ibig mong sabihin?" Nalilito ko pang tanong.
"Kasi, mukha s'yang good mood ngayon. Alam mo ba sa dalawang buwan ko na dito. Hindi ko pa nakita na nakangiti s'ya. Pero girl, beast yan si Ms. Mad, pag nasa kitchen. Kaya dapat matatag ang loob mo. Ito pa girl, alam mo ba lahat ng naging assistant ni Ms. Mad, ginawa nyang kapatid ni Princes Sarah," natatawang litanya pa nito.
" Huh? Ganon ba? Sige susundin ko, ang payo mo Maribel," pagsang-ayon ko pa sa sinabi n'ya.
"Tara na!" Yaya ko pa sa kanya. Nagpatiuna pa akong lumabas toilet. Pagbalik namin. Abala na sa buong kusina.
"Come here! Dior you will be my assistant for today," sambit pa Ms. Mad. Nagkatinginan pa kami ni Maribel. At ngumisi pa ito sa akin.
"Yes, Chef,"
"Team we can do this! Back to work! Malakas na command ni Ms. Mad.
"Dior. I need 5 kg of Potatoes, balatan mo without using peeler, understand?"
"P-po Chef?"
"Come on! Dior, don't tell me, Potato hindi mo alam?" Singal pa nito sa akin.
"A-alam po. S-sige po Chef," nauutal ko pang sagot. Naglakad na ako para kumuha ng Patatas.
Hindi naman ako kapatid ni Sarah. Bulong ko pa sa sarili. Buong araw yata puro sigaw ang inabot ko kay Ms. Mad. Gusto ko nang sumuko agad kahit first day ko pa lang. Ibang-iba si Ms. Mad, pag nasa kitchen nakakatakot s'ya.
"Dior! Faster!" sigaw ni Ms Mad.
"Yes Chef," halos maglaglagan lahat ng dala kong patatas. Sa pagmamadali ko na pumunta sa kanya. Hindi ko na rin mabilang ilang hiwa sa daliri meron ako.
"Put here," utos nito.
"Dior, 2 kg of Carrots. Julienne cut." panibagong utos n'ya.
"Yes Chef, " sagot ko pa. Kahit halos puro band-aid na ang mga daliri ko, sa daming sugat. Dahil sa sunod-sunod n'yang utos. Nagkatinginan pa kami ni Maribel. Sumenyas pa ito ng fighting. Ngumiti naman ako sa kanya. Halos buong kusina nakilos walang patid ang mga orders sa loob. Sobrang pagod gusto ko nang umiyak pero laban lang.
"Move!" Nagulat pa ako nang muling sumigaw si Ms. Mad. Nagmadali akong kumuha ng carrots. Habang naghihiwa ako nakita ko na tinawag si Ms. Mad, ng waiter kaya lumabas ito ng kitchen. Nakahinga naman ako ng maluwag nang saglit na wala nang nasigaw. Maya- maya pa bumalik na ito nakangiti pa s'ya.
"Dior! Carrots!" sigaw na naman nito.
"Yes Chef," sagot ko pa dito. Lunch break namin sabay pa kaming pumunta ng cafeteria ni Maribel. "Kamusta ang pagiging wolverine? Masaya ba?" Natatawa pa nitong tanong ng magawi ang tingin n'ya sa mga daliri ko.
Pinalo ko pa ito sa balikat bago ako sumimangot. "Ikaw talaga! Puro ka kalokohan masakit na nga eh." reklamo ko pa.
"Kaya mo yan girl, ako nga natiis ko. Mabait naman si Chef, saka madami kang matutunan sa kanya," Pagkatapos ng break namin. Bumalik na kami sa kitchen. Busy pa rin ang mga tao dito. "Dior..." tawag ni Ms. Mad.
"Yes Chef?" Tinuro nito ang lababo.
"Hugasan mo yan." utos n'ya pa. Nang mapatingin ako sa lababo. Para akong hihimatayin sa dami nang hugasin. Hindi ko alam ang uunahin ko.
Dior kaya mo yan para sa pangarap pangpalakas loob ko pa. Para akong binugbog ng sampung katao nang matapos kong hugasan lahat. Nahuli ko naman nakatingin si Ms Mad, sa akin ngumiti pa ako ng alanganin dito. Kaliwat' kanan ang utos n'ya sa akin. Kung alam ko lang na ganito ang internship na tinatawag. Sana pala naghukay na lang ako at namuhay bilang isang Patatas bulong ko pa. Nang matapos ang trabaho sa kitchen isa isa nang pumunta sa kanya kanyang locker ang mga tao sa kusina.
"Dior tara na!" Tawag ni Maribel, sa akin. Nagpunta na kami sa locker para makapagbihis. Pagdating namin naabutan namin si Ms. Mad.
"Dior, how are you?" Nag aalala pa nitong tanong. Habang hinawakan pa ang mga kamay ko.
"Okay lang po Che- i mean Ms. Mad, konting hiwa lang po ito,"
"Hoy! Anong konting hiwa Dior, halos maging anemic ka na nga, sa daming dugo ng mga yan kanina," sabat pa ni Maribel sa usapan namin. Pinandilatan ko pa s'ya ng mata.
"Pag uwi natin sa bahay gagamutin natin," nakangiti pang sambit ni Ms. Mad.
"Maribel, may lakad ka ba?" Tanong ni Ms. Mad nang balingan nya ito.
"Wala naman Ms. Mad, why? May ayuda ba?" Nakangisi pa nitong tanong.
"Halika! Isasama kita, may ipapakilala ako sa'yo,"
"Ikaw, Dior, gusto mo bang sumama sa dinner outside?" Tanong n'ya pa sa akin.
"Ms. Mad, pwede po bang next time na lang, gusto ko pong magpahinga muna." tanggi ko pa. "Okay Dior, si Maribel, na lang ang isasama ko. Tara na!"
"Maribel, daanan kita later," pahabol pa nito.
"Yes Ms. Mad, sana yummy ang ayuda mo," tumawa pa ito.
Nang makarating kami sa bahay agad kinuha ni Ms. mad ang first aid kit para gamutin ang mga daliri ko. Magkaiba talaga ang Ms. Mad na nasa kitchen at Ms. Mad, na nasa bahay.
"Dior I will not feel sorry para sa'yo at sa iba pang naging assistant ko, sa kusina. Kung bakit ganoon ako, dahil yan ang totoong mundo sa loob ng kitchen, "
"Naiintindihan ko po." nakangiti ko pang sagot.
Nang matapos n'yang gamutin ang sugat ko. Umalis na rin ito para sa dinner kasama daw ang dating intern sa hotel. Habang nakahiga naisipan kong tawagan si Janice. "Hello, Janice, kamusta sina Nanay? Ah ok lang ako dito." Matapos ang ilang minuto na pag uusap binababa ko na ang tawag. Mabilis akong nakatulog dahil sa pagod marahil. Nagising ako umaga na naabutan ko pa sa kusina si Ms. Mad.
"Good morning, Ms.Mad,"
"Good morning, gising ka na pala sige na maligo ka na. Nang makapag almusal na tayo," Tumango lang ako dito at naglakad na ako papuntang toilet.
"Good morning, Dior," bati ni Maribel, nang makarating kami sa hotel.
"Good morning. Kamusta ang ayuda mo kagabi?" Biro ko pa sa kanya.
"Naku! Girl small world talaga. S'ya lang naman ang nakabangga ko dito kahapon. And take note hindi man lang nag sorry!" Iritable pang saad nito.
Natawa pa ako sa sinabi n'ya.
"Hayaan mo na, baka nagmamadali lang."
"Tara na!" yaya ko pa dito.
Pagpasok ng kitchen back to normal na naman si Ms. Mad sigaw dito utos dito.
"Dior!" Sigaw ni Ms. Mad.
"Yes, Chef?"
"Taste it," sabay lapit ng kutsara sa bibig ko.
"Oh my Chef! Nakalimutan ko ang pangalan ko," Biro ko pa sa kanya.
Nagkatawanan pa kaming dalawa. Ang bilis lumipas ng araw huling linggo ko na dito sa Singapore. Malapit na akong umuwi ng Pilipinas. Si Maribel natapos na n'ya ang internship n'ya dito.
Masaya ako kasi matatapos na ako pero malungkot din ma-mimiss ko si Ms. Mad, kahit palagi s'yang galit sa kusina.
"Chef, thank you," nakangiti kong sambit.
"For what?"
"Sa experience na itinuro mo sa akin, hindi ko ito makakalimutan lahat,"
"You're welcome, Dior,"
"Oh! Back to work." masungit na sigaw na naman nito. Napailing na lang ako. Back to masungit again bulong ko pa sa isip ko.
"Dior sure ka ba? Ayaw mo na samahan kitang gumala?" Tanong pa nito. Nagpaalam ako sa kanya na gagala ako ngayon. Last day ko na ngayon sa Singapore, bukas na ang flight ko pabalik ng Pilipinas.
"Okay lang ako, Ms. Mad, kabisado ko na ang train, hindi na ako maliligaw." natatawa ko pang sambit.
"Sige, tawagan mo ako, pag may problema."
Tumango lang ako sa kanya.
"Bye, Ms. Mad,"
"Wait.. Dior," sabay abot nito ng chocolate sa akin.
"I, know pupunta ka sa coffee shop,"
Natawa pa ako, alam nito na hindi ako nakakainom ng kape ng walang chocolate na kinakain.
Una kong pupuntahan ang coffee shop nila dito na Hello kitty inspired.
Pagdating ko hindi wala pa halos customer. Kaya naman nakapili ako ng pwesto. Kaagad akong umupo saka ko tinawag ang waiter.
"Yes, ma'am? What's your order?" Tanong nito.
"Cappuccino and coffee cake, thank you,"
"Right away ma'am,"
Habang naghihintay ako ng order. Kinuha ko ang phone ko at nag-scroll ako ng mga pictures.
"Here's your order ma'am,"
"Thank you,"
Kinuha ko ang chocolate sa bag ko. At sinimulan ko nang kainin ang order ko.
Nang makapagbayad umalis na ako ng coffee shop. Sa park naman ang sunod kong pupuntahan naglakad na ako palabas. Umupo ako sa isang bakanteng upuan dito habang pinapanuod ko ang mga bata na naglalaro. Nagpalipas lang ako dito saglit saka nagdesisyon umuwi na rin ng bahay. Naglakad na ako papunta sa train station. Nang dumating ang train pumasok na ako sa loob. Bago tuluyan nagsarado ang pintuan ng train. Napatingin pa ako sa labas nagulat ako. Isang lalaki na nagpapaling linga sa paligid na para bang may hinanap. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Kurt 'yon.