Love at first sight

1010 Words
"Miss..." tawag ko pa dito pero hindi n'ya ako nilingon man lang. Nagmadali akong lumabas para hanapin s'ya. Pero hindi ko na sya nakita pa. Sayang hindi ko man lang naitanong ang pangalan n'ya. Bakit kasi ang torpe mo Hayden. Katabi mo na hindi mo pa tinanong kanina. Paninisi ko pa sa sarili. Nang makita ko s'ya kanina sa tabi ko nagulat pa ako. Hindi ako pwedeng magkamali. S'ya 'yong babaeng mataray na muntik ko nang masagasaan ang mga kambing n'ya. Kahit anong paliwanag ko ayaw n'yang pakinggan. Kagagaling ko lang sa restaurant na pinapatayo namin ni Kurt. Hindi ko pa kabisado ang daan sa lugar na 'yon. Hindi ko maiwasan hindi mapatingin sa kanya kanina Mukha s'yang kabado at hindi mapakali sa upuan nito. Kaya naman hinawakan ko ang kamay n'ya. Natawa pa ako sa naging reaction nito. Nang alukin ko sya ng chocolate. Natuwa ako dahil tinanggap naman n'ya ito. Nang mapansin ko na nakatulog na ito mas natitigan ko ang mukha n'ya. Mukha s'yang angel na bumaba sa lupa. Kaya naman kahit bawal kinuhanan ko s'ya ng picture ng palihim. Habang naghihintay ako ng grab naisipan kong tawagan si Kurt. "Hello bro, yes bro. The place is nice. I think bro, 3-4 months tapos na s'ya," balita ko pa sa kanya. "Bro the girl na sinasabi ko sa'yo. Nakatabi ko s'ya sa eroplano, narito din s'ya sa Singapore," natutuwa ko pang kwento dito. Pinagtatawanan pa ako nito. "Okay bye." binaba ko na ang tawag . Nagkakilala kami ni Kurt sa LA. Same school but not same course. And also ahead ako ng one year sa kanya back then. He told me na Culinary talaga ang gusto n'yang course. But unfortunately ayaw ng Daddy n'ya. Lahat ng notes ko noon hinihiram n'ya. Pati nga mga short courses sa Culinary pinapasukan nito. Halos lahat ng bagay magkasundo kami ni Kurt. Para ko na s'yang little brother since wala akong kapatid. Nang mapatingin ako sa phone ko. Muli kong tinignan ang litrato ni Ms. Taray. Napangiti pa ako, ano kayang pangalan mo? May boyfriend ka na ba? Tanong ko pa sa litrato n'ya. Sana magkita pa tayo usal ko. I just came here sa Singapore for some business. May mga kakausapin akong suppliers ng restaurant namin. I've been here na rin a year ago dito ako nag internship sa isang kilala hotel. Kaya naman naisip ko na dito ako mag-check in sa hotel na ito. I will surprise Ms. Mad, for sure matutuwa s'ya. Si Ms. Mad ang nagiging nanay ko dito noon. She's a beast in the kitchen pero maalaga at mabait. Pag off work napaka-professional n'ya. That's why i like her. Pagdating sa hotel agad akong pumasok sa room ko. Sa toilet ako nag deretso para makaligo. Hanggang sa hotel hindi maalis sa isip ko si Ms. Taray in-love na yata ako natatawa ko pang sambit. Damn! Hayden ngayon ka lang yata tumawa mag-isa sita ko pa sa sarili. Habang nakatanaw ako sa labas. Saan ka kaya rito? Hayden malaki ang Singapore ipapaalala ko lang sa'yo. Kausap ko pa sa sarili. Sa susunod na makita kita. Hindi na ako papayag na hindi ka makilala pa. Hindi ko na papalagpasin pa ang pagkakataon na 'yon. Kahit anong mangyari pa. Natigil ang pagmumuni muni ko nang tumunog ang cellphone ko. Agad kong dinampot ito. "Yes Kurt? Nasa hotel na ako. Bro, In-love na yata ako," kumpisal ko pa dito. Pinagtawanan pa n'ya ako sa kabilang linya. "Yes bro, San Jose Nueva Ecija. Puro ka Kasi ungol 'nong sinabi ko sayo about sa place," Buska ko pa sa kanya. "Sige bro," nang maibaba ko ang tawag nagulat pa ako sa naging reaction nito nang sabihin ko ang lugar napailing na lang ako sa inasal nito. Kinabukasan late na akong nagising dala siguro ng pagod. Kaagad akong naligo at bumaba ng hotel para pumunta sa restaurant. "Table for how many sir?" "One please, thank you," Nang makaupo ako agad akong tumingin sa menu na pwede kong kainin. Pero isa lang ang gusto kong orderin dito. Ang Scalloped Potato na specialty ni Ms. Mad. Habang hinihintay ko ang order ko nakaisip pa ako ng kalokohan. "Sir, here's your order." sambit ng waiter sabay lapag nang pagkain sa mesa. "Thank you," agad ko naman kinain ito. Maya-maya tinawag ko ang waiter. "Excuse me. I want to talk, someone who cooked this," sabay turo ko sa pagkain. "Y-yes sir I will call her," kinakabahan pang sagot ng waiter. "Yes, tell her to come here," mahinang sambit ko pa para hindi gumawa ng ingay at maging agaw atensyon sa ibang tao sa restaurant. Nang makaalis ang waiter natatawa pa ako. Maya -maya pa, nakita ko na palapit na sila dito. Tumalikod ako. "Yes sir. I'm Chef Mad. You want to talk to me? What's the matter sir?" "I don't like, the Scalloped Potato," sambit ko pa habang nakatalikod ako. "But. I love it," sabi ko pa, sabay harap dito. Nagulat pa ito nang makita ako nito. "Hayden?" Naninigurado pa nitong tanong. "Yes Ms. Mad," nakangiti ko pang sagot. "Loko ka! What are you doing here?" "Some business, Ms. Mads. Na- miss ko ang sigaw mo," tatawa tawa ko pang sabi. Nagkatawanan pa kaming dalawa. "Wow! Bigtime." biro pa nito. "Ms. Mad, let's have a dinner tonight?" imbita ko pa sa kanya. "Sure ikaw pa, libre mo ang Nanay mo huh!" Nakangisi pa itong sambit. "Yes, Ms. Mad, same place?" "Okay, so see you tonight, may isasama ako, back to work na ako. Wag mo nang uulitin 'yon huh! Pinakaba mo pa akong bata ka." Nang matapos ang maiksi naming kwentuhan. Tinapos ko na din ang pagkain ko. May pupuntahan pa ako n'gayon araw. Nang matapos ang ilang meetings ko. Kaagad akong bumalik sa hotel para makapagbihis para sa dinner later. Nasa restaurant na ako hinihintay si Ms. Mad. Wala pang limang minuto nakita ko na s'ya sa di kalayuan. Kinawayan ko pa ito. May kasama nga itong babae. Sino kaya 'yon tanong ko pa. Nang makalapit sila nagulat pa ako nang makita ko ang kasama nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD