Tadhana

1054 Words
Tok Tok Tok "Come in," "Sir, someone looking for you," pagbibigay alam ni Dale sa akin. Agad naman akong nag angat ng tingin. "Who?" Nakakunot noo ko pang tanong. Wala naman akong inaasahan na bisita. Nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa si Abuela. Mabilis akong tumayo at naglakad papunta dito. "Abuela," masaya kong sambit. Niyakap ko pa s'ya ng mahigpit. "I, miss you Abuela," umingos lang s'ya sa akin. Alam ko naman na nagtatampo s'ya sa akin. "Miss mo si Abuela, pero hindi mo ako dinadalaw." may himig pang pagtatampo ang pagkakasabi n'ya. Mas niyakap ko pa ito lalo. "Abuela, mas lalo kang bumata! Anong secret mo?" Anas ko pa. "Ikaw, na bata ka wag mo na akong bolahin pa! Ang dami mo nang utang sa akin. Kung hindi pa ako lumipad patungo dito hindi kita makikita. Kinalimutan mo na talaga ako!" naiinis pa nitong lintanya. "Sorry, Abuela, masyado lang pong busy." pagdadahilan ko pa dito. "Saan ka busy? Sa mga babae! Naku Kurt! Tigilan mo ako," nakalukipkip pang turan ni Abuela sa akin. Natawa pa ako sa sinabi n'ya. "Ayaw mo 'non Abuela marami ang magiging apo n'yo," biro ko pa dito. Kaagad naman akong pinalo sa braso. "Loko kang bata ka!" "Sorry na Abuela, uuwi rin po ako," "Kelan Kurt? Matagal nang panahon 'yon hijo, bakit hindi mo subukan harapin? Walang mawawala sa'yo," pangungumbinsi pa n'ya sa akin. Natahimik ako sa sinabi ni Abuela tama s'ya. Pero hanggang ngayon wala pa akong lakas ng loob. Paano ko haharapin si Dior? Kung magkita kami ng hindi sinasadya. Dapat ko pa bang sabihin sa kanya? "Kurt!" Tawag ni Abuela. "Nakikinig ka ba?" "Y-yes, Abuela," "Pag isipan mo apo, saka matanda na si Abuela baka mas mauna pang si Abuelo ang makita ko kesa sa pag uwi mo," "S'ya uuwi na ako sa bahay na lang tayo magkita. Umuwi ka huh!" Utos pa n'ya. "Yes, Abuela. I'll go home later." Hinalikan ko pa sa noo si Abuela saka ko hinatid sa elevator. Pagbalik ko sa opisina ko umupo ako habang iniisip ko ang sinabi ni Abuela. Tama s'ya matagal nang panahon 'yon pero bakit hanggang ngayon hindi ko pa kayang harapin. Alam ko sa naging desisyon ko noon naging maayos ang lahat. Maliban sa tungkol sa amin ni Dior. Mabilis lumipas ang oras. Kaya naman inayos ko na ang gamit ko para lumabas na ng opisina. Sa bahay ni Dad ako uuwi para mag dinner kasama si Abuela. Naglakad na ako papunta ng parking area nang may mapansin ako na parang may sumusunod sa akin. Nagkibit balikat lang ako baka guni guni ko lang sambit ko pa sa sarili. Mabilis akong nakarating sa bahay ni Dad. Nasa pinto pa lang naamoy ko na agad ang pagkain. For sure si Abuela ang nagluluto. Kaya sa kusina ako tumuloy. "Wow! I miss Adobo," sabay bukas ng takip ng kawali. " Kaya nga umuwi ka na ng Pinas apo, alam ko na miss mo na ang Champorado na luto ni Millet," nakangiti pa n'yang sabi. Napangiti naman ako ng maalala ko ang Champorado na favourite namin ni Dior. "Kamusta ang hacienda Abuela?" "Mabuti naman apo, madami ng mga pagbabago. Wala na din ang mga dating tauhan natin," malungkot pang sambit ni Abuela. "Bakit? Abuela, nasaan na sila?" Tanong ko pa habang nasa iba ang atensyon baka mahalata ni Abuela na gusto ko lang itanong ang about sa family ni Dior. "Mula nang maoperahan si Fred, hindi na s'ya pinayagan pa ng Doctor nito na magtrabaho pa. Si Nanay Millet mo hindi na din s'ya ang kusinera ng hacienda," Tumango tango lang ako sa kwento ni Abuela. "Si Dior, hindi mo ba kamustahin? Kurt?" Tanong pa ni Abuela habang nakatingin sa mga mata ko. "Hijo, bakit mo sinabi sa akin na iyon ang sabihin ko kay Dior, kapag nagtanong s'ya tungkol sa'yo? May hindi ba ako alam?" Deretsong tanong ni Abuela. Dito ako nasuko ni Abuela. Dapat ko na bang sabihin pa sa kanya ang bagay na iyon? Tumingin muna ako sa kanya. "Sige na, Kurt, sabihin mo kay Abuela," Bumuntong hininga muna ako bago magsalita. "Abuela, si Dad ang may gusto-" hindi ko na natapos ang dapat kong sasabihin biglang dumating si Dad. "Mom! What are you doing? I smell something strange." reklamo pa ni Daddy. Nagkatinginan pa kami ni Abuela. Habang napapailing na lang s'ya sa sinabi ni Dad. "Board members, want you to prove that you are worthy to take over my position as the CEO of the company." saad pa ni Dad habang kumakain kami. Nakikinig lang ako sa sinasabi n'ya. Dahil sa totoo lang wala naman talaga akong plano na pumalit sa kanya. "Bawasan mo ang pambabae Kurt! Hindi sila makakatulong sa'yo!" Singhal pa ni Dad. Mas pinili ko na lang wag sumagot dito. Minsan na nga lang makapasyal si Abuela mag aaway pa kami ni Dad. "Hindi ka ba matutulog dito?" tanong ni Abuela sa akin. Nang magpaalam ako dito. "Abuela, wala ang mga gamit ko dito, " nakangiti ko pang sagot dito. "Tsk! Kurt Jimenez! Apat na buwan mula ngayon birthday ni Abuela mo. Umuwi ka!" Nagagalit pang sambit ni Abuela. "I, will try Abuela," malambing ko pang sabi. Tinalikuran na ako ni Abuela napapailing na lang ako sa inasal nito. Nang makarating ako sa condo. Binababa ko lang ang mga gamit ko. Sa toilet ako nagderetso para maligo. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang sinabi ni Abuela. Harapin ko na kaya ang takot ko. Mahinang sambit ko pa. After kong makapag shower naisipan kong tawagan si Hayden hindi ko na klaro ang place na sinabi n'ya sa akin. About sa restaurant na tinayo namin sa Pinas. Hinanap ko agad ang phone ko at nag dial. Ilang segundo ang lumipas sinagot naman nito ang tawag ko. "Hello bro, what's up? Gago inlove ka! Who's the lucky girl? Tanong ko pa dito. Bro I wil ask something about sa restaurant anong progress? Tumahimik ako habang pinapakinggan ko ang sinasabi nito. Tumatango lang ako. "What? Are you kidding me? No way bro! San Jose N-nueva E-ecija? Matapos ang pag uusap namin ni Hayden hindi ako makapaniwala na sa lugar pa na iniiwasan ko na mapadpad ang magiging restaurant namin. Oh boy ! Palatak ko pa. Wala na yata akong kawala. Tadhana na talaga ang gumagawa ng paraan upang magkita kami ni Dior.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD