"Ikaw?" Gulat ko pang tanong nang mamukhaan ko ang nakahawak sa kamay ko. Agad ko naman binawi ang kamay ko dito.
"Bakit mo ako hinahawakan?" Nakataas pang kilay na tanong ko.
"Oh! Miss relax. Namumutla ka kasi. First mo bang sumakay ng airplane?" Nakangiti pang tanong nito.
"Yes! Pero okay lang ako," sagot ko pa dito.
"Sorry, nga pala sa nangyari. Hindi ko sinasadya first time ko kasi sa lugar nyo, kaya hindi ko kabisado ang daan." hinging paumanhin nito.
"Next time ayusin mo, ang pagmamaneho! Paano kung napatay mo ang mga kambing ko!" Pagsusungit ko pa dito. Bigla ko na naman naalala na muntik nang masagasaan ang mga kambing ko. Dahil sa hambog na driver na ito.
"Yes. I will." nakangiti pang sagot nito.
Tumango lang ako at umayos ng pagkakaupo. Hindi pa rin nawawala ang takot ko lalo na nang nasa himpapawid na kami. Napansin yata nang katabi ko na natatakot ako.
"Miss are you okay?" Tanong n'ya pa sa akin.
"Y-Yes." tipid kong sagot dito.
"Here," sabay abot nito sa akin ng chocolate.
Napatingin ako dito. Paano n'ya nalaman na chocolate ang nakakapagpa-relax sa akin. Tanong ko pa sa sarili.
"Paano mo nalaman?" Manghang tanong ko pa sa kanya.
"What do you mean?" Natatawa n'ya pang tanong sa akin.
"About sa chocolate? Stalker ka?"
Natawa pa s'ya sa sinabi ko.
"Anong nakakatawa?" Naiirita ko pang tanong.
"Nothing, I'm not stalker. My friends told me, may kilala s'ya, kapag kinakabahan kumakain ng chocolate. And i, thought na baka effective rin sa'yo." sambit pa nito.
Nag aalangan pa ako kung tatanggapin ko ba ito. Sabi kasi ni Janice ang mga sindikato daw bibigyan ka ng pagkain tapos nilalagyan daw ng pampatulog o kaya daw gayuma. Pero nananiig ang tawag ng tyan ko. Kaya naman tinanggap ko pa rin ito.
"Thank you," kimi kong sambit.
Ngumiti naman s'ya sa akin. Infairness huh! Gwapo din naman bulong ko sa isip.
"Miss, feel better?" Nakangiti n'ya pang tanong sa akin. Matapos kong ubusin ang chocolate na binigay n'ya.
Tumango lang ako sa kanya. At binalik ang atensyon sa labas ng bintana. Naalala ko ang bilin ni Janice wag makipag usap sa stranger. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako. Nagising ako sa mahinang tapik sa balikat ko. Dahan dahan pa akong nagmulat ng mata.
"Miss, wake up."
"Y-yes, sorry nakatulog pala ako," sagot ko sa kanya habang naghihikab pa ako.
Pagtingin ko sa labas nasa runway na. Welcome Dior sa Singapore sambit ko sa sarili.
Kinuha ko na ang gamit ko at naglakad pababa ng eroplano ng mapansin ko na sumusunod sa akin ang katabi ko sa upuan kanina.
"Sinusundan mo ba ako?" Tanong ko dito ng balingan ko s'ya.
"Nope, same tayo ng number ng baggage carousel." nakangisi pa n'yang sagot sa akin.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi na ito pinansin pa. Nang makuha ko ang baggage ko naglakad na ako palabas. "Miss... wait." Narinig ko pang tawag nito sa akin.
Nagpalinga linga ako sa paligid para hanapin ang sundo ko. Sa bahay n'ya rin ako tutuloy habang narito ako sa Singapore.
Nang makita ko ang isang banner na may pangalan ko kaagad kong pinuntahan 'yon. Nang makalapit ako isang babae ang naghihintay sa akin. Ngumiti pa s'ya sa akin ng ubod ng tamis. Halos hindi sila nagkakalayo ng edad ni Nanay.
"Ms. Solomon?" Tanong nito sa akin.
"Yes, Ma'am,"
"My name is Madget," nakangiting pakilala pa nito.
Sabay lahad ng kamay at tinanggap ko naman 'yon.
"Pleased to meet you, Ms. Madget,"
"Finally! How are you Dior?" magiliw n'ya pang tanong sa akin.
"I'm good ma'am," nahihiya ko pang sagot.
"You can call me Mad, kasi ganyan daw ako palagi." biro pa nito. Natawa naman ako sa sinabi n'ya.
"Let's go!" yaya pa nito sa akin. Sumunod naman ako sa kanya. Hanggang sa makarating kami sa sasakyan n'ya.
"Sa bahay ko ikaw, mag stay lahat ng kababayan ko na nag intern sa hotel, nag aalok ako ng free accommodation sa bahay ko. Kesa umupa pa kayo, masyadong mahal dito." baling n'ya pa sa akin. Ang bait naman n'ya sa isip ko.
"Salamat po Ma'am Mad," napatingin naman sya sa akin. Sabay tawa.
"Just call me, Mad," saad pa nito.
"Naku! Nakakahiya po, pwede po bang kahit Ms. Mad na lang?" Tanong ko pa dito.
"Sure." sambit pa nito.
"How's your flight?"
"Mabuti naman po. Medyo kinakabahan lang."
"That's fine. Wag kang masyadong kabahan I enjoy mo ang pag stay mo dito." saad pa n'ya.
"Ms. Mad, matagal na po ba kayo rito? Narito din po ba ang family n'yo?" Tanong ko pa sa kanya.
Bigla naman itong natahimik ng bangitin ko ang salitang family.
"I'm living here alone." sagot pa nito habang nasa pagmamaheno ang atensyon.
Tumango tango lang ako. Nang ibaling ko ang atensyon sa labas. Namangha ako sa ganda at linis ng Singapore.
"Wow!" bulalas ko pa dala ng labis na pagkamangha. Napatingin naman si Ms. Mad sa akin.
"Don't worry, pag off mo ipapasyal kita dito," nakangiti n'ya pang saad.
"Thank you Ms. Mad,"
Nang makarating kami sa bahay n'ya. Isa itong condo unit nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng bahay maganda at malinis ito. May dalawa itong kwarto at isang toilet.
"Take a seat. Feel at home Dior, may gusto ka bang inumin? Water, juice, or coffee?" Tanong pa nito sa akin.
"Water na lang po." Nahihiya ko pang sagot.
"Here," sabay abot nito sa akin ng tubig.
"Thank you po."
"Dior, sayo ang kwarto sa right. Pwede mong ilagay ang mga damit mo at iba mong gamit sa cabinet. Kung may kailangan ka, wag kang mahihiyang magsabi sa akin." alok pa n'ya pa sa akin.
"Ms. Mad gusto ko sanang tumawag sa parents ko, kaso wala po akong internet." Nahihiya ko pang sabi sa kanya.
"I have an extra simcard, wait kukuhanin ko lang sa room." paalam n'ya at naglakad na sa room nito.
"Here, may WiFi ako dito. Pwede kang gumamit." alok n'ya pa sa akin.
"Ms. Mad, thank you po. Ang bait n'yo po." puri ko pa sa kanya.
Natawa pa s'ya sa sinabi ko. Kanina ko pa inisip parang nakita ko na s'ya before. Parang familiar s'ya sa akin.