Rabi Lumilipas ang panahon na walang Adric nagpapakita sa akin o di kaya naghahanap man lang in his behalf. Nakabili na ako ng phone gaya ng sabi niya pero di ko naman siya makausap, wala akong phone number nya. Sini-search namin ang pangalan niya sa internet walang lumalabas na information, kahit picture niya. Kaya duda ang mga kasamahan ko kung anong klaseng tao sya, kasi kung mayaman daw dapat nasa tabloid na, kaliwa’t kanan ang balita. Ganun daw ang mga mayaman, maraming nakasunod na paparazzi, impossibleng walang ni isang makalusot na information o di kaya picture man lang. At kung basihan ang biography nabasa namin last time di rin namin ma-confirm na siya yun. May haka haka na baka member siya ng mafia kaya confidential ang information. Pilit ko nalang binaniwala ang sitwasyon at

