Rabi Masaya ang lahat ng nakauwi kami ng matiwasay. Pinagkaguluhan kami ng mga kasamahan ko sa trabaho ng pumasok, excited sa chika. Sina Ate Janice at Kuya Marvie ang nauna kaya sila ang bida sa kwentuhan. Yun nga mga Day, malaki ang kinita namin dun, sobrang bongga ang event pero walang wala ang kita namin kay Rabi. Hay nako, di kayo maniniwala sa chika namin, nako sobrang masha-shock kayo. Saad ni Kuya Marvie na isang make up artist namin. Yun ang mga narinig ko pagdating sa parlor, maaga pa kaya wala pang mga customer pumapasok. Bakit, magkano ba kinita ni baby girl dun? Interesadong tanong ng mga kasamahan ko na ngayon ay nakikiumpong sa kanila ni Ate Janice at Kuya Marvie. Hindi lang magkano Day, kundi SINO?? Saad pa ni Kuya sa naka-exaggerated na expression at nakangiti. Huh?

