My All Binalitaan ni Gerard ang magulang sa pagbubuntis ni Shayla. Masayang masaya ang mga ito dahil madadagdagan na raw sila sa pamilya lalo na't nag-iisang anak lang siya. His parents were even hoping they would have twins again, but this time, they were hoping for two male babies. "Don't worry, Dad. If we'll have girls this time, we can always try again." Sagot niya sa daddy niya. Halos mabilaukan naman si Shayla dahil kumakain sila noon ni Gerard sa kusina ng marinig nito ang sinabi niya. Kumakain din noon ang mga Pontes boys at si Rainbow kasama nila. Naghanda kasi si Shayla ng tuna pesto pasta na may mango strips, cantaloupes na may vanilla ice cream with caramel syrup, at pinya. Hinimas niya sa likod ang asawa na nabilaukan at binigyan ng tubig para mainom. Umirap sa kanya

