Green-Eyed Galing sila ni Rainbow sa doctor. Na-confirm niya na two months pregnant nga siya katulad ng kanyang suspetsa. Excited si Rainbow para sa kanya. Ibinalita pa nga nito sa mga kaibigan ang good news at excited din for her. Siya rin naman ay excited. For sure matutuwa din Gerard pag nalaman buntis siya. Buntis ulit siya. May kaba siyang naramdaman.Napaisip siya dahil wala pa ngang isang taon ang kambal niya ay buntis na naman siya. Hindi sa ayaw niya ng blessing. Siyempre, anak niya itong dinadala niya kaya masaya siya. Pero naiisip niya na mas napapatagal ang plano niyang pagtatrabaho para masuportahan ang kanyang mommy dahil hindi pa ito lubusang magaling at nagpapa-rehab pa ito. Ayaw naman niyang iasa kay Gerard o sa uncle niya ang pagtustos sa mga pangangailangan ng kanyang i

