Cellphone "Are you hungry, honey?" tanong ni Gerard nang maalalang hindi pa sila nagtatanghalian. Kaagad niyang naisip si Shayla at ang pagbubuntis nito. Nabasa pa naman niya sa internet research niya na madaling magutom ang mga buntis dahil sa sinapupunan nito. Fudge! 1:30 pm na pala! Naisip niya na maaring nagugutom na si Shayla ngunit hindi lamang ito nagsasalita o kumikibo. Alam niyang hindi madaing ang mapapangasawa niya pag dating sa mga pangangailangan nito. Kung hindi nga lang siguro nito kailangan gumalaw ay hindi ito kikibo. Magmimistula lang itong isang magandang wallflower. Tumango lang si Shayla at nagtetext sa mga kaibigan. Ipinaalam nito na panay ang padala ng text message mga kabarkada nito at nagtatatanong kung parating na sila. "Excited ang mga kaibigan mo. Love

