I'm Falling... In A Rush Gerard and Shayla reached Sentosa Heights na hindi man lang siya kinikibo ni Shayla, kaya sinubukan niya itong lambingin. "Hon," sambit niya at marahang hinawakan sa braso si Shayla upang iharap ito sa kanya. Ayaw niya yung ganitong pakiramdam na hindi siya kinikibo ni Shayla. Kahit wala pa nga silang isang buwan na nagsasama ay sanay na siya na nakikipagkulitan o harutan dito. "Honey..." malambing niyang pakiusap habang pinapaharap ito sa kanya. "Ano?" mahina at malumanay na sagot ni Shayla na iniiwas ang tingin sa kanya. He unbuckled his seatbelt and moved closer to Shayla. "Sorry na," paglambing niya na may kasamang pagsusumamo. "Okay na," mahina namang tugon ni Shayla, ngunit hindi pa rin ito tumitingin sa kanya. "Hon," pakiusap niya. "Hindi tayo lalab

