Northern Star Tagaytay, Three years after Darating ang mga barkada at malalapit nilang kamag-anak ngayon. Ito kasi ang araw na tinuturing nilang anniversary nila. Mayroon silang lunch celebration kasama ang mga malalapit na kaibigan at kamag-anakan sa malaking gazebo na pinagawa ni Gerard as part of the renovation ng dating rest house, pero ngayon ay official na nilang bahay. Nagpa-cater sila kay Jackie kaya si Malik naman ay panay ang tambay. Sinilip niya sa may terrace ang malaking gazebo dahil narinig niya ang pinatutugtog ni Malik na Brazilian music. Naroon na si Jackie at Malik at naghahanda para sa lunch celebration. Tuwing December to January ay tradisyon na ng Pontes family ang magpasko at bagong taon sa Pilipinas dahil mas masaya daw ang pasko dito kaya narito ang mga ito par

