Home Dubai Palihim na kinilig ang mga Filipino flight stewardess nang sumakay na sina Gerard at ang mga Pontes boys sa eroplano para sa connecting flight going to Manila. Alam niya iyon dahil napansin niya ang mga flight stewardess na kinikilig at napalingon siya sa mga tinitingnan nito sa bandang hagdan ng eroplano. Paakyat pa lang noon ang limang lalaki. Pinauna kasi siya ng mga ito kasama ang mga bata, si Rainbow, ang mga yaya ng kambal, sina Ambassador Pontes, ang kanyang mommy, at sina Leah at Ambet. "Girl, si Gerard Ponce yun! Anak ni Pres. Ponce!" Kinikilig na sabi ng isa sa mga stewardess. "Taken na nga pala si Gerard Ponce..." may bahagyang lungkot sa isa sa mga stewardess. "Kasama ba niya ang wife niya?" "Ok lang yan! We're just admiring lang naman. It's not like may gagawin

