Chapter 13
"Do you want the darker shades or, the lighter shades?" Samantha asked.
"I like darker shades."
"Right, mas bagay nga naman sayo kasi maputi ka."
"Not that, lighter colors are also nice, mas nasanay lang ako sa mga ganyang kulay." I said as Samantha grab some jackets of color maroon and a darker shade of green.
"These are also nice naman, since we are camping mas bagay nga naman ang mga ganitong kulay." She said as she hands me the jackets. "Okay ka na ba diyan sa mga napili mong shorts?"
"Yes, these are enough."
"Alright, samahan mo muna akong bumili sa kabilang tindahan."
Walang mall sa San Pedro, pero meron namang mga gusaling nagtitinda ng mga RTW. Tho hindi branded ang mga damit, hindi rin naman papahuli sa quality. Binayaran muna namin ang mga napili bago lumipat sa kabilang tindahan.
Namili siya ng karagdagang shorts at mga spaghetti strap tops. Maputi rin naman si Samantha, hindi lang kasing puti ko. And I did noticed, she likes light colors. Marami naman akong dalang tops kaya hindi na ako bumili.
"Which one?" She asked ng hindi siya maka pili sa dalawang kulay ng damit.
"I like the baby pink on you."
"Talaga? How about this lavander?"
"Okay lang rin naman."
Nagdadalawang isip pa rin siya between pink and that lavander.
"You know Sam, you can both buy it. Magagamit mo rin naman."
Natawa siya bago nagsalita. "Oo nga noh? Why haven't I think of that earlier?"
Natawa na rin ako sa kanya. After niyang mabayaran ang mga napiling damit, dumiretso na kami sa susunod na pupuntahan. We headed to the nearest snack house to meet Dorothy. Dito na kami mag lulunch. Kami kasi ang naka assign sa pagbili ng groceries for the camping, dadalhin ng mga lalaki, and the rest of the girls are assigned to cook. And since it's Thursday, hindi marami ang nga namimili kaya hindi mahirap pumili.
Sam and I talked about her life here at San Pedro. How's it like to be in a family of politicians, her dream on becoming a lawyer. Stuff's that San Pedro offers and some places we could visit soon.
She also asked about my life, where I came from, about the things I liked. Talked about the allergy I have, and some other stuffs. Tipid akong nag shashare sa kanya, na guiguilty nga ako kasi ang dami niyang sinasabi habang ako tipid na tipid sa e kwekwento. I don't want to recall some things kaya I leave some details that would lead me on thinking about them.
"Sorry natagalan ako. A bit hectic sa trabaho." Dorothy. "Order na tayo?"
Although snack house ang pinuntahan namin, nag oofer naman sila ng lunch kaya yun na lang ang napag desisyonang orderin. Ng na satisfy sa lunch, dumiretso na kami sa bilihan ng mga groceries. Hapun na ng matapos kami dahil ayaw maghiwahiwalay sa pamimili. Ang nangyari, sabay kaming tatlo sa tinatahak na daan sa grocery isle kaya mas natagalan.
Nag presenta akong mag bayad ng pinamili namin, since wala pa naman akong ambag sa grupo, ito lang ang naisip kong paraan.
"Sge na, wala kasi talaga akong maisip na dadalhin, ito na lang." Sabi ko sabay tingin sa mga pina punch na mga items. " Let me pay for these."
Sabay silang bumuntong hininga.
"Alrighty, just this once. Hati na tayo sa susunod." Dorothy said.
Ngumiti ako bago kumuha ng cash. Si Samantha na ang nagdala ng mga groceries, kukunin na lang daw sa kanila bukas kapag aalis na. Hinatid muna nila ako sa bahay. Since hapun na naman, hindi na ako pumunta g ECl. Nilabhan ko na lang ang nga pinamiling damit.
"Ay Miss! Bakit po kayo ang gumagawa niyan? Ako na po."
Akmang kukunin ni manang Lory ang mga damit sa kamay ko ng iniwas ko.
"Hindi na po manang, marunong naman po akong maglaba. Tsaka patapos na po."
E sasampay nalang kasi ang mga ito, tsaka hindi na naman ako nasanay na iba ang gumagawa ng mga kaya kung gawin. Dati, oo, nung kasama pa namin si Daddy. Iba na ngayon.
"Have you prepared everything you'll need for the camping?" Mom aked during the dinner that night.
Wala si Gray kasi nasa Campo, bukas sila mag a-out sa Campo kaya sa hapun pa ang alis namin.
"Hindi pa po. Plan on fixing it after dinner."
"No shorts during night. Maraming lamok kapag gabi Gwen."
"Yes mom, thanks for informing me that."
"Im happy you're becoming close to them. Especially after ng aksidenting nangyare." She said.
"They're not bad Mom, masaya silang kasama. Tsaka nakapag usap na rin po kami ni Dorothy noong nakaraan."
"Magkasama na sila ni Gray nuong mga bata pa sila, sabay silang lumaki, kaya alam ko kung masasama o hindi ang mga iyon. Kaya masaya akong nakikita mo ang nakikita ko sa kanila Gweneth." Tito Arman said.
Hindi ko rin eniexpect na makakasabay ako sakanila. Ako kasi yung tipong kapag ayaw sakin, hindi na ako nagpupumilit. I distanced myself. I removed myself in the crowd of people who doesn't see me as a person.
That night, I prepared for the things I'll be needing at the camping. I never thought it's this exciting. Hindi ko rin naman naranasan ang mga ganitong bagay kaya hindi ko alam na masaya palang mag impake ng mga gamit, not just clothes, but also other things.
I communicated with Claire and George that night. We talked about some random things, about works, friends, families. I shared things that happened here at San Pedro. I left the part about the allergy thing kasi alam kong mag-aalala sila. And that's how my night ended.
"Let us know if you need anything okay? Aalis na kami. Susunduin ka ba rito? You can use the other car kung wapang susundo sayo."
"Susunduin po ako ni Gray mom, no need to worry." I kissed her cheeks bago sila umalis.
Dumating si Gray ng mga alas 2 ng hapun. Nagligpit lang siya saglit saka kami umalis papunta sa kanila Samantha. Duon kasi mag titipon tipon para isang grupo lang ang pag-alis.
"Wala pa sina Blaze, hintayin muna natin, parating na raw sila." Dorothy said.
We waited for him for a couple of minutes bago tuluyang umalis papuntang Camp Site. Lumipat ako kina Samantha habang nandoon ang mga gamit ko sa sasakyan ni Gray. John and James are with him kaya naisioan ko na ring lumipat kina Samantha. Kasama namin si Dorothy. Ang ibang lalaki naki siksik kay Felix habang ang ibang babae nanduon kina Andy at Agatha.
Nakarating kami sa Camp Site bago lumubog ang araw. We prepared everything we will be needing. The boys did our tents while we cooked for something to eat during dinner.
I was trying to lit the charcoal para sa inihaw. Ang hirap niya in fairness, tatawagin ko na sana si Gray para nagpatulong when Felix spoke.
"Let me."
I step aside para magkaroon siya ng space. He did it easily, walang kahirap hirap. I was about to say thank you when he spoke again.
"Tulungan na kita."
Hindi naman mahirap sa tingin ko ang pag-iihaw, but because I really don't want to have this awkward conversation with him, hinayaan ko na para matahimik kaming dalawa.
There is something in his stance that makes me uneasy. I don't know what. It somehow makes me be cautious of my actions, and my responses whenever he's around.
(Feelings by Lauv)