Chapter Six

2167 Words
Scarlett's PoV Naalimpungatan ako dahil sa sunod sunod na pagkatok sa pinto ko. Inis akong bumangon para pagbuksan kung sino man iyong kumakatok. Binuksan ko na yun at tumambad naman sa harap ko ang nakasimangot na si ate Tianna. "Bakit?" humihikab pang sabi ko. Umirap naman sya at parang inis na inis na akala mo sinira ko yung araw nya. Psh. "Bakit ba ang tagal tagal mong buksan! Kanina pa ako kumakatok eh," Naghuhurumintadong sabi nya. Pinagkunutan ko naman sya ng noo atsaka umirap. 'Nakakainis!' "Kakagising ko lang, okay?" mataray na sabi ko sa kanya. "Whatever. May pupuntahan daw tayo sabi ni dad, wear your formal dress," sabi nya. Nagulat man ay hindi na ako nagtanong dahil sasagutin nya lang ako ng pabalang. "Okay," hindi ko na sya hinintay pang magsalita, sinarado ko na ang pinto pagkatapos sabihin yun. Narinig ko pa syang bumuntong hininga bago naglakad papaalis. 'Saan kaya kami pupunta?' Sabado ngayon at wala kaming pasok. Mali ako nang inakalang makakapagpahinga ako ng buong araw. Psh. Pumili pa ako ng maisusuot bago maligo. Agad na akong nagbihis ng matapos ako sa pagligo. Hindi ko mapigilang humanga sa aking itsura, napatingin naman ako sa isinuot ko ngayon na nakapagdagdag ng ganda sa akin. Psh. Ang hirap maging maganda! Lahat ng damit bumabagay sa akin. Bestidang kulay caramel, puting sandals na five inches ang taas at puting sling bag na may kulay caramel na ribbon sa gilid nito. Naglagay naman ako ng kulay caramel na headband sa aking ulo. Nahirapan pa akong pumili kanina dahil sa dami ng magaganda kong damit, pero ang naka agaw ng atensyon ko ay itong simpleng bestidang kulay caramel. Naglagay din ako ng hikaw at kwintas. 'Formal daw eh' Lumabas na ako at pumunta sa kinaroroonan ng mga kapatid ko. Namangha naman ako ng makita ko sila, ang simpleng mga damit nila ay napakalakas ng dating sa akin. 'Magkakapatid nga talaga kami' "Oh, hey Linn!" bati sa akin ni kuya Ash. "Yeah hi, hmm nice coat kuya!" puri ko sa kanya. Tinignan nya naman yung suot nya saka ako nginitian. "Hmm, Its Gucci," pagyayabang nya at kunwaring pinapag pag pa yung coat nya, natawa naman kaming pareho dahil dun. Napatingin naman sya sa suot ka, kitang kita ko naman ang pagka mangha sa mga mata nya nung suyurin ng tingin ang suot ko. "Nice dress, Linn!" papuri nya rin sa akin. "Psh. Its Louis Vitton" pagmamayabang ko rin. Tumawa naman kami atsaka binalingan ng tingin si ate Tianna. Prente naman itong nakaupo at nakapandikwatro. Ilang saglit pa ay tumayo na ito at humarap sa salamin an parang sinusuri ang kanyang suot. Hindi ko mapigilang humanga sa suot niya. Bestidang kulay sky blue ay bumagay talaga sa kanya. "Its Channel," nagulat ako nang biglang magsalita si ate Tianna at nakatingin na ito sa amin ni kuya Ash. "Nice!" papuri naman sa kanya ni kuya Ash at saka nagpaikot ikot kay ate Tianna. "I know," mataray na ani ni ate Tianna, nagyayabang. Nabaling ang tingin ko sa hagdan ng makitang pababa na doon sila mommy and daddy. Hindi ko rin mapigilang humanga sa suot nila at lalo na sa itsura nila. Napangiti ako ng makitang papalapit na sila sa aming magkakapatid. Yumakap sa akin si mommy atsaka ako hinawakan sa pisngi. "Wow! you're so beautiful darling," si mommy na sobrang lawak na ng ngiti habang pinagmamasdan ako. "Thanks mom," sabi ko sa kanya atsaka sya niyakap. Lumapit naman sya sa mga kapatid ko kaya naiwan si dad na nakatayo sa harap ko. Nagbaba na lang ako ng tingin upang hindi masalubong ang mga titig ni daddy. "Wag mo akong ipapahiya mamaya, lahat ng mga kanegosyo ko ay nandoon," mahinang bulong sa akin ni dad bago nya ako lagpasan at batiin ang mga kapatid ko. "So, lets go? Nakakahiya sa mga nandoon kung tayo pa ang mahuhuli," yaya ni dad sa amin atsaka kami pare parehong tumango. "Yeah, we better go," sang ayon naman ni kuya Ash saka pinagbuksan ng pinto sila mom and dad. Sumakay na kami sa iisang kotse at pumunta na kung saan ba kami dapat pupunta. Hanggang ngayon ay wala akong ideya kung saan kami pupunta. Tumigil na ang sasakyan at inalalayan na kami nung mga guard namin lumabas. Namangha ako ng makita sa harap ko ang napakalaki at malawak na reataurant. 'Ito na siguro yun' Agad na may lumapit na waiter sa amin atsaka nag bow upang magbigay galang. Bumulong naman si dad dun sa waiter atsaka kami iginaya sa private room nung restaurant. Namangha ako sa ganda nang loob ng private room. Well marami na akong napuntahan na restaurant sa ibat ibang lugar sa pilipinas at sa ibat ibang bansa. Pero parang ngayon ko lang nakita tong restaurant na to, nakakamangha ang ganda nito sa labas at sa loob. Sana lang ay masarap ang pagkain. Nakita ko naman na ang mga ibang taong nakaupo sa mahabang lamesa, siguro ay sila ang mga kanegosyo ni dad. Tumayo silang lahat ng makita kami, sinenyasan naman sila ni dad para umupo na. Nagpakilala naman kami isa isa sa kanila bago rin kami umupo. Napansin ko ang ilang silyang bakante pa hanggang ngayon. "Mayroon pa ba tayong hinihintay?" tanong sa kanila ni dad. "Wala pa ang mga Colton," aniya naman nung isa. Napatango naman si daddy. 'Colton?' Nagtataka akong tumingin dun sa lalaki ng banggitin nya yun. Pamilyar sa akin ang pangalang Colton pero nakakainis dahil hindi ko maalala kung saan ko ba narinig ang Colton. Ilang saglit pa nung lumapit yung guard sa announcer at bumulong dito. Napatango tango naman ito matapos ang bulungan nila nung guard. "Andyan na po ang mga Colton," pahayag naman nung announcer nang makapunta ito sa gitna. Napalingon ako ng unti unting bumukas ang pinto. Hindi ko mapamilyaran ang dalawang lalaking naglalakad ngayon papalapit sa amin pero ang nasa gitna at nangunguna na ngayon ay aking napamilayaran. Hindi ko maitago ang paghanga sa mga mata ko ng makita ng malapitan ang itsura nya. Napakalakas ng dating nya sa simpleng kasuotan nya. White long neck na pinatungan ng itim at mahabang coat, naka slacks ito at itim na sapatos, nakasuot din sya ng salamin na nakapagdadag ng kagwapuhan nya. Maging ang katabi nya ay malakas din ang dating gayoy parang kaedad nya lang sila dad. Napansin ko naman ang lalaki sa gilid nila, may edad na rin ito at nakasalamin na. Nagulat ako ng magtama ang mata namin ni Luxian. Ang kulay abong mata nito ay parang unti unti ako nilulunod. "Dahan dahan, baka matunaw," bulong ni kuya ash. Nagitla naman ako sa sinabi nya saka sya inis na nilingon, tatawa tawa lang ang loko. Naitikom ko ang bibig ko na kanina ay bahagyang naka awang. "Good evening," nakangiting bati nung lalaking mukhang kaedad nila daddy. Tumayo at bumati naman isa isa sa kanila ang mga nandito atsaka nagsiupo. "Oh, by the way this is my son," pagpapakilala nya kay Luxian. Ngayon alam ko na, kaya pala maypagkakahawig ang mga ito. "Luxian Emperror Colton. Pleasure to meet you ladies and gentlemen" aniya nya. Agad na nagtama ang paningin namain pagkatapos nyang sabihin yun. Ako na nag unang umiwas dun. "Nice to meet you young Colton," nakangiting bati naman sa kanya nung isang lalaki at nakipagkanayan. Bumati rin ang iba sa kanya ng may ngiti at paghanga. "And this is Chairman's secretary," pagpapakilala naman nung daddy ni Luxian dun sa may edad nang lalaki. "Marcus Guevera," nakangiting pakilala naman nya. Umupo na sila at nakakainis dahil katapat ko pa si Luxian. Psh. Nilatag na rin nung mga waiter sa lamesa ang mga pagkain at sa tingin ko pa lang ay masasarap na ito. Nagsimula na kaming kumain nang magsimula na rin silang magusap tungkol sa business. Nakakabagot ang mga pinaguusapan nila. Sa aming tatlong magkakapatid ay si kuya Ash lang ang interesado sa mga pinaguusapan nila. Alam kong nababagot na rin katulad ko si ate Tianna na ngayon ay tahimik lang na kumakain. "Maganda ang ideya na dito tayo magusap usap tungkol sa negosyo," nakangiting aniya ni daddy na sumubo pagkatapos humiwa ng karne ng steak sa plato nya. Nagsipag sang-ayon naman sa kanya lahat nung mga nandun. "It was my son's idea," nakangiting sabi naman nung daddy ni Luxian na ang tinutukoy ay sya. "Hmm, mukhang namana mo ang katalinuhan ng iyong ama?"nakangiting ani ni daddy na nakatingin na ngayon kay Luxian. "Yeah," tipid at blankong reaksyon lang ang isinagot nito. "Nasaan ng pala ang inyong chairman?" tanong na naman ni dad. "He's busy," sabat naman nung secretary nila. Tatango tango naman ang mga nandun kasama na rin kami. "Parehas palang busy ang mga chairman natin" nakangiting sabi ni dad at nagtuloy na naman sila sa pinaguusapan kanina. Hindi ko maiwasang mapatitig kay Luxian tuwing nagsasalita sya, minsan naman ay bahagya ko syang susulyapan pero agad ding iiwas ng tingin tuwing makikitang nakatingin din sya sa akin. "Nabalitaan ko na magkaklase pala ang mga anak natin Alexander," nagulat ako ng biglang sabihin yun ni daddy at mapatingin sa akin. "Oh? Sino sa mga anak mo?" tanong naman nung daddy ni Luxian si Mr Alexander daw eh. "Si Scarlett, ang bunso kong anak,"si daddy. Tumayo naman ako at yumuko ng bahagya upang magbigay galang. "Scarlett Aislinn Wareyhn, nice too meet you sir," pagpapakilala ko sa sarili. "Nice to meet you too, beautiful young lady," nakangiting bati naman nito sa akin. Ngumiti na muna ako bago umupo. "Mukhang alam ko na kung bakit minsan ay wala sa sarili ang anak ko," nakangising sabi pa nya na tumingin pa sa anak nya na ngayon ay masama na ang tingin sa kanya. "Tsk," singhal naman ni Luxian sa ama dahilan para matawa ito at ang iba pang nakarinig nun. Wala sa sarili akong napayuko dahil sa kahihiyan, hindi man ako ang sinabihan ay parang ako ang naapektuhan. "Kamusta ang anak ko sa skwelahan iho?" nagulat ako sa biglaang pagtatanong ni daddy kay Luxian "She's good, matalino sya..... Pero mas matalino ako" nakangising aniya nya habang nakatingin sa akin. Napamaang ako sa isinagot nya, napakayabang. "Mabuti naman kung ganon...... Akala ko ay puro kalokohan lang ang ginagawa nya," seryosong sabi ni dad habang nakatingin sa kinakain. Narinig ko pa syang sawayin ni mommy. Napabuntong hininga na lang ako at bahagyang yumuko. Naramdaman ko naman ang mga mata sa akin kaya hindi ko maiwasang manliit sa sarili ko. Naramdaman ko namang hinawakan ni kuya Ash ang kamay ko at bahagya akong sinilip atsaka ngumiti, ngumiti rin ako sa kanya atsaka nag angat ng tingin pero ang tingin agad ni Luxuan ang sumalubong sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang pinapahiwatig ng mga mata nya pero nakikita ko dito ang pag aalala. Narinig ko naman ang pagtikhim nung daddy ni Luxian atsaka nagkwento tungkol sa negosyo, halatang iniiba ang usapan. Hapon na nung matapos ang paguusap nila kasabay ang pagkain namin, isa isa na silang nagpaalam. Nauna na akong lumabas dahil hindi ko kayang tignan sa mga mata ng mga tao dito, hindi ko maipaliwanag ang hiyang nararamdaman ko, na parang hindi ako nababagay sa loob kasama ang mga perpektong tao. Malalim akong napabuntong hininga at naipikit ang mga mata ko ng tuluyan ng makalabas pero nagulat ako ng pagmulat ko ay mukha na ni Luxian ang tumambad sa harap ko. "Are you okay?" naga-alalang tanong nya sa akin. Pangalawang beses ko nang makitang naga-alala ang mga mata ni Luxian at parang mas gumaganda sa pakiramdam kung ako ang dahilan ng kanyang pagaalala. Nagulat ako sa sariling naisip. 'Ano ba tong iniisip ko! Erase! Erase! Erase!' "What are you staring at? You supposed to answer my question," blankong tugon nya. Napalitan ng inis ang kaninay maganda nang imahe nya sa akin. "Im okay, Psh. Bakit ba?" nakataas ang kilay at mataray na sagot ko sa kanya. "Tsk," mahinang singhal nya atsaka nag iwas ng tingin. Nakita kong papalapit na ang pamilya ko sa amin kasama ang daddy at secretary nila Luxian. Awtomatiko akong napayuko nang masalubong ang tingin ni daddy. "Nalibang ka naman sa pghihintay?" mapanuksong bulong ni Mr. Alexander sa anak nya. Narinig ko naman yun dahil nasa gilid ko lang sila "What?! Tsk. Stop it, this is a warning," pagbabanta ni luxian sa sariling ama. Tatawa tawa naman itong nagpaalam sa pamilya ko at iiling iling lang syang sinundan ng tingin nang secretary nila habang si Luxian naman ay nakakunot na talaga ang noo at animoy nainis na talaga sa kanyang ama. May kung ano sa akin na naiingit..... naiingit dahil sa samahan nila ng daddy nya na sana ay ganun din ako sa sarili kong ama. "Pakikamusta na lang kami sa inyong Chairman, secretary Marcus," nakangiting habilin ni daddy sa secretary ng mga Colton. "Ganun din sa inyo, Mr. Wareyhn," nakangiting tugon din secretary Marcus. Sumakay na kami sa kotse namin at pinaandar na yun papauwi sa bahay. Hanggang sa makauwi sa bahay ay wala akong kibo. Nagtungo na lamang ako sa kwarto ko, naligo na muna ako bago humiga sa kama at sandaling nagmunimuni bago makatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD