Chase Magnus PoV
"Hey mga tsong," bati ko sa kanilang apat.
"Oh saan ka pumunta lolo Chase, wag kang gala ng gala, aba mahirap na baka sumakit yang tuhod mo!" nakangising sabi ni Harris.
"Hahaha."
"Pfft. Tss."
"Oo nga tsong, baka magka rayuma pa ako kagaya mo," gatong ko naman sa pag aasar nya sa akin.
"Ulul," asar na sabi ni Harris.
At sa huli ako ang nanalo. Tsk, tsk wala talagang tatalo sa kagwapuhan ng isang Chase Magnus! Wahahahaha–––––––––
Nagulat ako nung biglang may bumato sa gwapo kong mukha.
"Ano ba mga tsong! Alam kong gwapo ako pero, 'wag nyo namang puntiryahin ang perpekto kung mukha ko," sabi habang hinihimas ang ulo.
"Tsh. I've been calling you three times!" sabi ni Lux na prenteng naka upo sa office.
"Pasensya na pareng Lux, iniisip ko kasi kung sinong pwedeng makatalo sa kagwapuhan ko," nakangising sabi ko. Nagtawanan naman ang mga gunggong maliban lang kay Lux na parang asar na asar na saming apat.
"Hahahahaha," Harris.
"Namputsa! Nag day dream na naman ang loko!" Kier.
"Gising tol, baka mabangungot ka hahaha!" Damon.
"Palibhasa kasi mas gwapo ako sa inyo," ako.
Awtomatiko akong napatigil nang makita si Lux na pinaglalaruan yung kutsilyo sa kamay nya. Pati ang mga gunggong natigil sa pagtawa ng mapansin yun.
"Mukhang bagong hasa yan pareng lux ah," natataeng sabi ko ng bigla syang tumingin sa akin.
"I want to use this knife by killing you four assholes," matatalim na tingin ang ibinigay nya sa amin.
"But before that, I want you four to keep an eye with Greta and find out her true agenda with Scarlett," nagulat kaming apat sa sinabi ni Lux.
"Her new name is Fyenelophe Haycinth," dugtong nya pa.
"Okay,"
"Easy pitsy,"
"Areglado pareng Lux."
"Ano nga palang gagawin mo Lux?" tanong naman ni Damon.
"Remember Scarlett? My mission is to keep her safety and to keep an eye on her stupid things also. Tss," si Lux.
"Sino ba si Scarlett?" tanong naman nung tatlo. Ay ako nga lang pala nakakakilala sa kanya.
"Yung tumingin sa akin nang masama dun sa canteen," sabat ko.
"Ah yun pala," nakangising sabi ni Kier. Aba lokong to baka gusto nyang mamatay ng maaga.
"Hay nako tsong wag mong pag tri-tripan yun, tignan lang natin kung hindi ka tumaob dahil sa sungit nun," natatawang sabi ko. Mukhang hindi naman tinalaban ang loko, mas mukhang naging interesado pa sya kay Scarlett.
"Totoo?" interesadong tanong nya na naman.
"Oo, hahaha lalo na yung bestfriend nya mukhang bubuga ng apoy kapag ginalit mo."
Natigil lang kami sa tawanan nung biglang bumukas yung pinto iniluwa niyo ang secretary ni dean.
"G-Good Afternoon," nakangiting bati nito sa amin.
Nagbow pa ito sa harap ni Lux para magbigay galang. Hanep talaga tong si Lux, ibang klase! Matanda pa yumuyuko sa kanya.
"What do you need?" napakamot nalang ako sa ulo ng sabihin yun ni Lux. Wala man lang mababakas na paggalang sa sinabi nya sa secretary.
'Gwapo ako, pero hanep mga tsong marunong akong gumalang no!'
"M-mr. Colton, pinapatawag po kayo ng Dean," sabi nung secretary na halatang kinakabahan.
"Paktay Guidance office! Naku! Naku! Bawas sa kagwapuhan yan pareng Lux," panga-asar ni Harris.
"Shut up Harris," pagbabanta ni Lux sa lokong Harris. Tumawa naman yung dalawa at tuwang tuwang asarin si Harris.
Ako nalang ata matino dito men! Sabagay gwapo kasi ako kaya natural lang yun.
"Okay, I will be there," Lux.
"Thank you Mr Colton," si secretary bago umalis.
"Wag nyong kakalimutan yung mga sinabi ko, and if you have already usefull information, dont forget to submit it to me as soon as possible," Lux bago umalis ng sarili nyang opisina.
'Ano naman kaya kinalaman ni Greta Chiara Braiden kay Scarlett?'
Lumabas na rin kaming apat at nagkanya kanya na nang gagawin.
Hindi ko mapigilang mamangha dito sa school na to. Maaamoy ang pagiging mayaman sa school na to.
–––––Flashback–––––––
Kanina pa namin hinihintay na magsalita si Lux pero busy lang ito sa pagpupunas ng baril.
"Saan ba tayo mga tsong," tanong ni Kier na halata namang kanina pa kating kati na magtanong.
"To my School," seryosong sagot naman ni Lux.
'Ngek? Eh sa US kami nag aral mula gradeschool.'
"I have my own school," dugtong nya pa.
"What?!" Damon.
"Ayos!" Harris.
"May mga chika babes ba dun?" Kier.
"Iba talaga si pareng Lux!" Ako.
"Cut that bullshit Kier, we're going there for a mission and not for a stupid things," si Lux na nagpupunas na naman ng baril. Punasan ko nga rin mamaya yung katana ko.
Alam nyo na gwapo ang tsong nyo kaya dapat maganda at malinis ang sandata ko, dagdag angas lang mga tsong!
Palihim naman kaming natawa dahil sa pangbabara ni Lux kay Kier.
"Maganda ba yung school mo Lux?" tanong ni Damon.
"Matagal na akong hindi nakakadalaw dun kaya hindi ko pa nakikita kung ano ang mga pagbabago," sagot naman ni Lux.
Nagulat kami dahil sa sinabi ni Lux na may sarili syang school. Well hindi naman na bago sa amin yun. Kaming apat ay may sarili ng business, hindi lang dito sa pilipinas kundi sa ibat ibang bansa.
'Hep! Di ako mayabang pero gwapo ako at nagsasabi ng totoo.'
Ako may sarili ako restaurants, class A restaurants. Si Harris Walker naman ay may sariling Five Star Hotels. Si Kier Avery naman ay may sariling islands. Si Damon Steve Grange naman ay may sariling malls. Si Luxian Emperror Colton bukod sa school meron syang sariling Airlines and Hospitals.
At Lahat ng nabanggit ko ay meron din sa ibat ibang bansa. Hindi yan pagmamayari ng mga magulang namin, sariling sikap yan mga tsong.
Hindi ko namalayan na nandito na kami sa harap ng school at hindi ko mapigilang mamangha sa laki nito. Hindi ko alam na merong school na ganto dito. Parang malapit nya nang maungusan yung mga ibang school sa US.
Napatingin ako sa paligid ng hindi makita si Lux.
Saan naman pumunta yun?
"Tangnang Kier to, nakikipaglandian na naman ang tsong nyo," natatawang bulong ko kila Harris at Damon. Natawa naman silang dalawa atsaka naglakad. Sumunod na rin ako at iniwan na namin si Kier na busyng makipaglandian. Habang naglalakad ay panay ang tingin sa akin nung mga babae sa pathway, dinig ko pa ang pigil na kilig ng mga ito.
"Lintik! Hirap talagang maging gwapo!" sabi ko.
"Ulul! ako ang tinitignan nung mga yun eh," si Damon.
"Tangna! Mas gwapo pa ako sa inyo!" sabat naman ni Harris.
"Nananaginip na naman kayo, alam naman nating mas gwapo ako sa inyo kaya pasensya na hanggang panaginip na lang kayo!" nakangising sabi ko atasaka nagpaumunang maglakad at saka inilabas ang shades ko at isinuot yun dahilan para dumami ang mga kinikilig.
"Gago!" Harris at Damon.
Tatawa tawa ako naglakad hanggang sa tumigil kami sa isang office. Ito ata yung Guidance Office nila.
Pumasok na kami at saka umupo sa sofa malapit sa office table ng Dean.
Hinihingal naman na dumating si Kier at saka umupo sa katabi kong sofa.
"Kingina! Hinahabol ako ng mga babes sa labas," napangiwi naman ako sa sinabi ni Damon.
Nakita ko namang umupo si Lux sa swivel chair na pagmamayari ng Dean.
'Ngek! Kelan pa dumating to? Lumulubog lumulitaw ang tsong nyo hahahaha!'
Bigla namang may pumasok na babae
na nasa Mids thirty. Nagulat naman ito ng madatnan nya kami sa loob.
"Where's Dean?" tanong sa kanya ni Lux na prenteng nakaupo sa swivel chair.
"Sino ba sila?" nakataas ang kilay na tanong naman nung babae.
Anak ng! Baka gusto mong mapalayas dito!
"You guess," nakangising sabi naman ni Lux.
"Inuulit ko po sino pa kayo?" yung babae.
"Hmm..... I guess your the secretary of Dean right? So its your turn to guess Who Am I," si Lux.
"Paano mo–––––––" natigilan yung secretary sa dapat nyang sabihin nung biglang nanlaki yung mata nya at gulat na napatingin kay Lux na nakangisi lang sa kanya.
"I-Ikaw po ba si Mr Colton?" halos
hindi makatingin yung secretary kay Lux nung tanungin nya yun.
"Yeah. Im glad you find it out, but if you didn't, im sorry but you're fired," blangko lang ang reaksyon ni Lux ng sabihin nya yun. Nanghinayang ang loko dahil hindi nya pwedeng patalsikin yung babae dahil nahulaan nito kung sino sya.
"I-Im so sorry Mr Colton," secretary.
"Call Dean before I can Fire you both," maawtoridad na utos ni Lux kay secretary.
Dali dali namang sinunod nung secretary yung ipinaguutos ni Lux.
"Im sorry sir pero nasa gym po pala ang Dean may meeting po sila ng mga studyante,"nakatungong sabi paliwanag nung secretary.
"Paktay," Harris.
"Masama pinaghihintay yan Miss," Kier.
"I can smell two people being fired," Damon.
"Ang gwapo ko," Ako.
Napatingin naman sa akin yung tatlong gunggong.
"Anong konek?" tanong nilang tatlo.
"Aba kailangan bang may violent reaction din ako, gwapo ako mga tsong yun lang ang masasabi ko," napangiwi naman silang tatlo dahil sa sinabi ko.
Sinubukan ulit nung secretary na tawagan si Dean at ang kutob ko ay sumagot naman ito dahil biglang nagliwanag yung mukha nung secretary.
"Yes Dean....... Andito po si Mr Colton........ Yes Dean sasabihin ko po..... Okay po," secretary.
"Ahm M-Mr Colton p-parating na po ang Dean."
"Good. You can leave," si Lux at saka dumampot ng libro at nagbasa.
"Y-Yes Sir," umalis na rin yung secretary at naiwan kami dito.
Napatingin ako sa tatlo na kung ano ano ng kinakalikot sa mga gamit nung Dean. Lumapit na lang ako sa kanila at ginaya ang mga ginagawa nila.
Ilang saglit pa nung dumating si Dean. Pinagpapawisan at parang nininerbyos ang itsura nito ng makita si Lux.
'Pfft. Para syang natatae! Hahahaha!'
"M-Mr Colton," bati nung Dean at bahagyang nag Bow sa kanya.
"What took you so long?" tanong ni Lux.
"I was on the gym, I met students there for some important announcements," paliwanag ni Dean.
"I see....... By the way, were staying here," diretsong sabi ni Lux.
Nagulat naman kaming lahat sa sinabi ni Lux.
'What magaaral kami dito?'
Nagtataka ko namang tinignan yung tatlo pero nagkibit balikat lang sila.
"Ngayon rin kami maguumpisa," si Lux.
"What?!" kaming apat.
–––––––––End of Flashback–––––––—––
At yun na nga ang kwento mga tsong!
Nagpatuloy na ako sa paglalakad kaya nagumpisa na naman ang mga tilian.
"Who is he?"
"OMG hes my new crush na!"
"He's so Handsome."
"No he's so damn hot!"
"I want to know he's name!"
Yaan lang naman ang mga bulungan na naririnig ko. Kinawayan ko naman sila at kinikindatan.
Natigil ako sa ginagawa ko nung madumbo ako nang isang babae dahilan para mahulog lahat ng gamit nya. Tinulungan ko naman yung babae sa pagpulot ng mga gamit nya at bahagya kong sinisilip yung mukha nya na nahaharangan nung mga buhok nya.
Nang mapulot na namin lahat yung mga gamit nya saka sya dali daling naglakad ulit. Hindi ko namalayang nakahawak na ako sa braso nung babae dahilan para mapahinto sya at dahan dahang humarap sa akin. Agad ko namang inalis ang pagkakahawak ko sa kanya nung tinan nya yun.
"I-Im sorry," eh? Bat nauutal ako?
"Its ok," sagot nya naman. Hindi ko mapigilang mapatitig sa mala anghel nya mukha. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko at hindi ko maipaliwanag kung bakit.
'Tangna anong nangyayari sa akin?'
"Uhm......I-I'm ...." hindi ko maituloy yung sasabihin ko dahil sa sobrang kaba.
"Your?" natatawang sabi nya dahilan para mas lalo ako mapatitig sa kanya.
"I'm ... I-I'm Chase Magnus," pakilala ko at inilahad ang kamay ko sa harap nya.
'Sana magpakilala rin sya.'
"I'm Sarrah Lee. Nice to meet you!" nakangiting pakilala nya bago tanggapin ang kamay ko. Nang sandaling yun ay parang ayoko nang tanggalin ang kamay nya na naklapat sa kamay ko.
's**t ang gwapo ko namang ma inlove!'
Magsasalita na sana ako nang tumalikod na sya at magsimulang maglakad.
"Luh? 'Bat tulala ka dyan?" nabaling yung tingin ko dun sa babaeng nagtatanong. Nagulat ako nung makita na yung mukha nung babae.
'Sya pala yung bestfriend ni Scarlett.'
"Oh ginagawa mo dito?" tanong ko naman sa kanya.
"I'm Alice Sophie Amberden," pakilala nya pero sa iba nakatingin, tumitingin sya sa likod ko at titingin na naman sa gilid ko.
"I'm Chase––––––" naputol yung sasabihin ko ng bigla nya akong pinigilan.
"Oo na kilala na kita," masungit na sabi nya at patuloy pa ring tumitingin sa paligid.
'Sino bang hinahanap nito?'
"Saan nga pala yung iba mong kasama?" tanong nya. Napaisip naman ako kung bakit nya hinahanap yung mga gunngong na yun.
"Ah yung––––" naputol na naman yung sasabihin ko nung biglang sumulpot si Damon sa gilid ko.
"Oh tsong anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Damon na nakatingin na kay Alice at si Alice naman ay nakatingin na rin sa kanya.
'Ahm... Anong nangayayari?'
"Ay tol ito nga pala si––––" Ako.
Bakit palagi na lang pinuputol yung sinasabi ko. Sayang kagwapuhan ko nyan tsong!
"A-Alice. Alice Sophie Amberden," pagpapakilala ni Alice na hindi makatingin nang diretso kay Damon.
'Hmm I smell something fishy.'
Mukhang magiging matchmaker ako ah! Ang gwapo ko namang matchmaker.
"Damon Steve Grange," pagpapakilala ni Damon at saka inilahad ang kamay kay Alice na ngayon ay namumula na at hindi na talaga makatingin ng diretso kay Damon.
"Makaalis na nga dito," bulong ko at saka umalis na.
'Sarrah Lee.'