Scarlett's PoV
"Ms. Wareyhn!!" nagulat ako at napatayo sa lakas ng sigaw ni sir William, one and only sir terror. Psh.
"S-sorry sir," nakayukong sabi ko. Nagbabakasakaling wag nya na akong sesermonan sa pamamagitan ng paghingi ng tawad.
Pero imbes napaupuin ako, abat di nagpatalo ang tsong nyo. Hayst. Pagnagkaroon ng meeting ng mga parents isusumbong ko sya kay mommy hmp!
"Saan na naman ba naglagalag iyang utak mo?! Aba buong campus ata ay inikot nya! Jusko!" nakakunot ang kilay at nanlilisik na sabi nya.
Narinig ko naman ang ilang tawanan nung mga kaklase, ko nakita ko naman si Luxian na nakangisi at nakatingin na sa akin. Napapikit ako dahil sa hiya, hindi ko deserve mapahiya no. Masyado akong maganda para dun hmp!
"Oo nga sir eh, kanina ko pa pinapauwi ayaw talaga. Hayaan nyo sir sa susunod pagsasabihan ko," umarte ako ng inosente ng sabihin ko yun, kitang kita ko naman ang panglilisik ng mga mata nya. I smirked.
'Psh. Kala mo ha!'
"Umupo ka na ngalang at manahimik dyan! Isusumbong kita sa mga magulang mo," nagulat ako sa biglang sinabi ni sir na ngayon ay nakangisi na habang nagliligpit ng gamit dahil time naman na.
'Im doomed.'
"Pero s-sir––––" pag angal ko dahil sa sinabi nya, pero agad nya yung pinutol.
"Hep! Wala ng pero pero, humanda ka sa akin Scarlett," pagbabanta ulit ni sir. Huhuhu lagot na talaga. "At kayo humanda din kayo dahil magpapa long quiz ako bukas! Ha! Akala nyo ba hindi ko makikita ang mga pagkwekwentuhan nyo at kung ano ano pa na hindi naman konektado sa subject ko!" sigaw nya na naman nya at saka kami masamang tinignan isa isa bago umalis at padabog na isinara ang pinto.
Napaupo na lang ako sa panlulumo. Naramdaman ko naman si Alice na tumayo na at tumingin sa akin.
"Nako Scarlett! Ginalit mo si petrang kabayo! Nako! Nako!" panenermon ni Alice sa akin. Inis ko naman syang tinignan pero hindi ko pa rin maiwasang manlumo sa sinabi ni sir.
"Hindi ka nakakatulong Alice," inis na sabi ko sa kanya. Nagpameywang lang sya sa harap ko at tinaasan ako ng kilay.
"Eh ano bang maitutulong ko?! Tsk. Hali ka na nga at baka yung utak mo ay nasa cafeteria na!" sabi nya. Nakasimangot ko lang syang tinignan at saka tumayo at nauna nang lumabas ng room. Narinig ko pa syang sumigaw pero hindi ko yun pinansin at nagtuloy tuloy lang sa paglalakad.
Nasalubong ko naman ang mga grupo ng mga lalaki at parang tangang kumakaway at paulit ulit na bumabati sa akin, hindi ko naman sila pinansin at nagtuloy tuloy lang sa paglalakad.
"Ay bad mood?"
"Oo nga, sungit eh."
"Hahaha pangit mo kasi tol."
"Gago! di hamak na mas gwapo ako sayo!"
"Sayang ganda sana sungit naman."
Inis ko naman silang nilingon dahilan para dali dali silang magsipagalisan. Ang daming bubuyog sa pathway. Psh.
Magtutuloy na sana ako sa paglalakad nang makita ang pamilyar na pigura na nakasandal sa poste, nakasuksok ang magkabilang kamay sa bulsa nya at blangko na naman ang reaksyon nya. Ganun na ganun yung itsura nya kahapon. Hayst.
—–––––Flashback–––––––
Napagdesisyunan kong lumabas muna at magjogging. Medyo maaga pa pero nung magising ako ay hindi na ako nakatulog pa. Kinuha ko muna yung cellphone at earphones ko sa lamesa bago lumabas ng bahay.
'Linggo ngayon kaya makakapagrelax ako! Yey!'
Buti na lang ay naisipan kung kumuha ng jacket bago lumabas yun nga lang ay hindi ko napaghandaan ang pangbaba kong suot dahil nakashort lang ako.
Nagumpisa na akong magjogging pero awtomatiko ring napatigil ng may maaninag na pigura na nakatayo at nakasandal sa poste, naka jacket ito ng gray, itim na pantalon at puting sapatos. Nakatagilid ito sa akin at sa ibang direksyon nakatingin kaya hindi nya ako makita.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nung biglang pumasok sa isip ko ang isang taong posibleng nakasandal sa poste ngayon.
Medyo lumapit pa ako at saka inaninang kung sino man yun dahil medyo pamilyar sya sa akin. Nagulat ako ng magtama ang mga mata namin, sya nga tama nga. Tama hinala ko.
'Ano kayang ginagawa ng isang to dito?'
Nagiwas na ako ng tingin at saka ipinagpatuloy ang pag jojogging. Malapit na akong makalagpas sa kanya nung mapatingin ulit ako sa direksyon nya na ngayon ay hindi na inaalis ang tingin sa akin, agad akong nagiwas ng tingin at ibinaling sa daan pero huli na dahil natalisod na ako at mapasubsob sa daan dahil sa malaking batong nakaharang doon. At nakakainis dahil sa mismong harap nya pa ako natalisod, ramdam ko naman ang mga titig nya.
"Pfft," narinig ko ang pigil na tawa nya. Napapikit na lang ako sa kahihiyan na sana ay lamunin na lang ako ng lupa sa mga oras na iyon.
Napaupo naman ako at tinignan ang tuhod kong may galos na ngayon. Nag angat ako ng tingin nang makitang nakaharap na sya sa akin at nakalahad ang mga kamay sa harap ko.
"Pfft, Hindi ka ba tatayo dyan," sabi nya kasabay ang pagpipigil na matawa. Inis ko lang syang tinignan at saka dali daling tumayo ng hindi inaabot ang mga kamay nya pero huli na nung mapatapilok ako at handa na namang matumba. Psh.
Pero nagulat ako nang mabilis nya nahuli ang bewang ka para hindi ako tuluyang mahulog. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sobrang lapit ng mukha nya sa akin at halos magkadikit na ang mga katawan namin.
"Lampa," walang reaksyong sabi nya habang ako ay titig na titig lang at bahagyang kumunot ang mga kilay.
Mabilis pa sa sigundong humiwalay ako at hindi makatingin ng diretso sa kanya. Tinalikuran ko na sya, maglalakad na sana ako at ipagpapatuloy ang pagjojogging ng magsalita na naman sya.
"Ingat ka baka madapa ka, na naman," sabi nya at batid kong nakangisi sya nang sabihin nya yun. Inis ko naman syang nilingon.
"Excuse me?!" mataray na sabi ko sa kanya, napapailing lang syang umiwas ng tingin at saka ngumiti na bahagyang ikinagulat ko.
Napalunok ako ng pagmasdan syang nakangit at iiling iling. Hindi ko alam pero may parte sa akin na gustong panoorin sya at titigan ng malapitan kung paano sya ngumiti.
'Uy, Scarlett umayos ka!'
Napalingon sya sa akin at unti unting nawala ang mga ngiti nya sa labi ng makitang titig na titig ako sa kanya, na maski ang sarili ko ay hindi namalayang ginagawa ko yun. Napatikhim pa sya at saka inayos ang pagkakasandal sa poste at bumalik na naman ang blangko nyang reaksyon.
Tumalikod na ako at saka inis na sinipa sipa ang mga maliliit na batong nadadaanan ko. Hobby ko na ata ang ganito tuwing naiinis.
"Tss. Cute," dinig ko pang sabi nya.
–––––––End of flashback––––––––
Mabilis akong naglakad at bahagyang nakatagilid ang katawan para hindi nya ako mapansin. Kung di lang ako nagugutom hindi ko na sana kailangang dumaan pa dito para makapunta ng cafeteria. Masyadong maraming tao kung dadaan ako sa ibang direksyon.
Nakakainis na Luxian, sinira nya yung araw ko. Sya lang naman ang dahilan kaya palutang lutang yung utak ko kanina. Aish!
"Oh, kanina ka pa dyan?" rinig kong tanong nung lalaki sa gilid ko. Bahagya akong sumilip sa kinaroroonan ni Luxian pero may kasama na ito, si Chase. Kaya pala pamilyar yung boses.
"Yeah," tipid na sagot ni Luxian sa kanya. Buti naman at hindi nya pa rin ako nakikita.
"Hey Scarlett! Gusto mo bang sumabay sa–––– " pinutol ko na yung sasabihin ni Chase. At masama syang tinignan.
Napansin tuloy ako ni Luxian dahil sa pagtawag ni Chase sa akin.
'Hay bakit ba ang malas ko!'
"Hmp! Tse!" inis na sabi ko kay Chase at saka dali daling maglakad papunta sa cafeteria.
____________
Alice PoV
Tatawa tawa akong lumabas nung room nung makitang nainis si Scarlett.
'Hahahaha! Hmm bakit nga ba lutang ang isang yun?'
Bababa na sana ako nung building namin nung mahagip nang mata ko si ateng nerd. Nakita ko syang may kausap sa cellphone at bahagyang ngingisi ngisi. Bahagya akong kinilabutan nang makita yun.
'Grabe, huhuhu ang creepy talaga nang isang to.'
Umalis na ako at saka pumunta sa kinaroroonan ni Scarlett. Kumunot naman yung noo ko nang para syang tangang naglalakad na parang may tinataguan.
'Eh?'
Nakita ko si Luxian na nakasandal sa poste at yung isa nya pang kasama, bago lang sa paningin ko yun ah. Hmm infairness may itsura si kuya.
"Hey Scarlett! Gusto mo bang sumabay sa––––" Naputol yung sasabihin nung lalaki nung bahagya syang lingunin ng masama ni Scarlett.
"Hmp! Tse!" mataray na sigaw ni Scarlett dun sa lalaki.
'Ay, nangyari dun. Kilala nya kaya yung lalaki?'
Dali dali naman syang naglakad kaya tumakbo na ako para maabutan sya.
"Uy! Scarlett teka lang bakit ba ang bilis bilis mong maglakad?!" sigaw ko kay Scarlett kaya tumigil sya sa paglalakad at lumingon sya sa akin.
"Bilisan mo nga Alice!" naiiritang sabi nya. Nang makalapit na ako ay hindi pa sya nagsisimulang maglakad, napatingin naman ako sa tinitignan nya at nakita kong nakatingin sya kay Luxian na kasalukuyang naglalakad na ngayon kasama yung lalaking sinigawan ni Scarlett kanina.
Napangisi naman ako at lumingon kay Scarlett na hindi na maalis ang tingin sa tinitignan. Sinundot sundot ko naman yung tagiliran nya at saka nanunuksong tumingin kay Scarlett at kay Luxian.
"Uy anong meron sa inyo ni Luxian? Ha Scarlett?" mahinang bulong ko dahilan para maagaw ko yung atensyon nya at saka walang ano anuy binatukan nya ako.
"What?! Psh. Magsama kayo ni Chase, pareho kayong maloko," inis na sabi nya at tuluyan na akong tinalikuran.
"Scarlett! Hintayin––––" naputol yung sasabihin ko nung may lalaking humarang sa dadaanan ko. Yung lalaking kasama ni Luxian.
"Chase Magnus baby, pleasure to meet you––––" pinutol ko na din yung sasabihin nya. Yan quits na kami.
"Tse! Wala akong pake sayo!" sigaw ko sa kanya at saka tumakbo sa cafeteria.
"Ano bang problema sa dalawang yun?! Sila lang nagsungit sa gwapong katulad ko!" dinig ko pang sabi nung Chase, pero hindi ko na sya pinansin at nagtungo na sa cafeteria.
'Chase Magnus, hmm gwapo sana kaso mahangin eh.'
––––––
Scarlett's PoV
Andito na kami ngayon ni Alice sa Cafeteria, nakaupo at kasalukuyang kumakain. Sirang sira na ang araw ko! Nakakainis!
Kanina ay nagugutom ako pero ngayon ay parang wala na akong gana. Nakapangalumbaba lang ako habang nilalaro ang mga pagkain ko sa lamesa.
'Aish! Nakakabwisit!'
Inis kong ginulo ang mga buhok ko at padabog na inilayo sa akin ang pagkain ko. Tinignan ko si Alice na ngayon ay nakangiwi habang tinitignan yung itsura ko, huli na nung malaman kong lahat ng tao sa cafeteria ay nakatingin na sa akin. Dali dali kong inayos ang buhok ko pati ang pagkakaupo ko ay pasimple kong inayos at saka tumingin sa mga tao dito sa cafeteria na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa akin.
Tinaasan ko naman sila ng kilay at saka binigyan ng —what-are-you-looking-at-look kaya dali dali silang nagiwas ng tingin at nagpatuloy sa kanya kanyang ginagawa.
"Scarlett, kilala mo ba yung kasama ni Luxian kanina. Yung Chase daw?" mahinang bulong sa akin ni Alice.
Napatingin naman ako sa kanya dahil sa biglaan nyang pagtatanong.
'Chase? Ah yung gunggong na yun!'
"Oo. bakit," sagot ko sa kanya.
"Saan mo sya nakilala?" tanong nanaman nya.
"Doon sa school, hinahanap ko kasi yung susi ng kotse ko. Yun yung araw na na ospital si tito. Kamusta na pala si tito?" tanong ko naman.
"Ayun okay naman na sya, hanggang ngayon eh nakaconfine pa. Bukas na sya makakalabas ng hospital," masayang sabi nya ngunit may bahid ng lungkot. Hindi ko masisisi si Alice kung nalulungkot sya, ngayon lang kasi may nangyaring masama kay tito.
Hindi na ako nagtanong kay Alice kung anong nangyare kay tito, alam kong mas lalo lang syang malulungkot.
"Bakit mo nga pala tinatanong tungkol kay Chase?" nanunuksong tanong ko kasabay ng pagsundot ko ng tagiliran nya.
"W-wala lang, Tsk. Masama ba?!" sigaw nya sa akin. Kitang kita ko naman ang pamumula ng pisngi nya.
'Psh. Iba na to. Mmm interesting.'
"Okay sabi mo eh," nakangisi at nanunukso pa ring sabi ko.
"Tumigil ka Scarlett! Babatukan talaga kita!" banta nya. Natawa na lang ako at saka itinaas ang parehong mga kamay. Huhuhuhu mahirap na baka mabatukan talaga ako ng isang to.
"Hey Scarlett! Hey Alice!" nagulat ako ng makitang nakatayo na sa harap namin si Mike sa harap namin, kasama si Nerd.
'What is she doing here?!'
"Hey Mike, h-hey uh?" bati naman ni Alice sa kanila.
"Fyena. Fyenelophe Haycinth," pakilala nung nerd. Ibang iba yung aura nya tuwing kasama nya si mike, painosente.
"What is she doing here?" tanong ko naman. Napatingin naman ako kay Nerd na hanggang ngayon ay inosente pa rin ang aura nya.
"Uhm look Scarlett, hindi naman sya–––––"
"Yeah, I know. Im just asking," pagputol ko sa sasabihin ni Mike pero nananatiling nakatingin pa rin ako kay Fyena. Hinihintay ko kung ngingisi ba sya, pero hindi.
Nakita ko maman kung paanong pinaghila ni Mike si Fyena ng upuan. Hindi ko mapigilang mapangiti ng mapait, though ginagawa din naman sa akin ni Mike yan pero iba ang mga tingin nya sa babaeng to. Well maganda naman sya at parang anghel yung mukha nya, hindi na ako magtataka kung ginagamit nya yan para maawa sa kanya ang mga tao.
"Anong gusto mong kainin," tanong ni mike sa kanya.
"Mag o-order kaba? Samahan na lang kita," napakunot yung noo ko nung marinig ko yung boses nyang may halong lambing kapag kausap nya si Mike.
Napangisi ako at saka nagiwas ng tingin. Sakto namang nahagip nung mata ko si Luxian na nakatingin na rin sa akin, katabi nya si Chase na puro pagpapacute sa mga babae ang inatupag. Panay naman ang bulungan ng mga babae sa gilid nila, merong kinikilig habang nakatingin sa kanila at meron namanng pinagpapantasyahan ang kagwapuhan daw nila. Well I admit, gwapo nga talaga sila. May lumapit pa sa kanilang tatlo kaya mas lalong naghiyawan ang mga naroon sa canteen.
'Eh? Sino naman ang tatlong yun.'
"Mukhang sikat na ang mga loko, tsk. Kilala mo ba yung tatlong kakadating lang?" nagulat ako sa tinanong ni Alice, tinitignan nya din pala yung mga yun.
"Hindi eh, si Chase lang kilala kong kasama ni Luxian," sagot ko.
Nabaling ang atensyon namin ni Alice nung dumating na sila Mike at Fyena.
Magsisimula na sana kaming kumain nung bigla nya natabig yung juice nya dahilan para matapon sa pagkain ko at matalsikan pati ang damit ko.
'This b***h! She's getting on my nerve.'
Padabog akong tumayo at masamang tumingin kay Fyena.
"Oh my gosh!"
"Oh no magaaway na naman ba sila?"
"Yeah I guess."
"Hala kawawa naman si ateng nerd kung papatulan sya ni Scarlett."
"Wake up girls, nauna si ateng nerd. Bagay lang sa kanyang kung ano yung gagawin ni Scarlett."
"Eh kawawa si ateng nerd."
"Shut up girl kay Scarlett ako."
Napangisi ako sa mga bulong bulungan. Gustong gusto ko gantihan si Fyena pero andito si Mike.
"Wooo world war three na ba?!" narinig ko namang tanong ni Chase.
Inis ko naman syang nilingon na ikinagulat nya.
"Ay, si Scarlett pala to! Hehehe hi Scarlett! Peace," sabi nya pa. Nakatalikod kasi kami sa kanila kaya siguro hindi nya napansin na ako yun.
Napatingin naman ako kay Luxian na nakapangalumbaba at diretso ang tingin sa akin. Iniwas ko na yung tingin ko at humarap ulit kay Fyena.
Bumuntong hininga na lang ako at saka kinuha yung gamit ko.
"Im sorry Scarlett di ko sinasadya," nakatungong sabi nya. Alam kong nagpapakitang tao lang ang isang to.
"Its ok, magpapalit na lang ako ng damit at saka busog naman na ako," naikuyom ko ang kamao ko ng magsimula syang ngumisi dahil sa sinabi ko.
Hindi ko na sya hinitay pang sumagot at inaya ko na si Alice na lumabas ng Cafeteria. Lumingon pa ako sa kanya at ngumisi ng makitang nakangisi rin sya.
'May araw ka rin sa akin Nerd.'