CHAPTER 4:

1188 Words
VLADIMIR's POV: As the CEO of Montessor Construction Corporation, preparing for potential investor meetings was both exhilarating and nerve wracking. Pakiramdam ko palaging akong may dalang malaking responsibilidad. Dahil sa mata ng malupit kong ama na isang chairman ng kompanya, walang lugar ang pagkakamali. Dapat lahat perpekto. "You've impressed us Mr. Vladimir Montessor," komento ng isa sa mga potential investor. "We see great potential in your business Vladimir." "Thank you," nakangiti kong sagot. "We're passionate about what we do and excited about the possibilities ahead." Nakipagkamay ako sa mga investors at sandaling nakipag-usap bago sila umalis. I loosened my necktie and unbuttoned the top two buttons of my long-sleeved polo shirt. Sa wakas natapos din ang meeting. Sigurado akong matutuwa ang chairman dahil naging matagumpay ang pakikipag-usap sa mga potential investor. I checked my watch and nodded. Sakto lang na natapos ang oras ng meeting at makakaabot pa ako sa dinner. Kinuha ko ang phone ko and I dialed Pierce phone number. "Hey Peirce, how is she?" "She's fine. Nasa penthouse siya ngayon." "Okay. Thanks." Binaba ko ang tawag. I still have about an hour until dinner. So before heading to the restaurant, dumaan muna ako sa isang flower shop para bumili ng bulaklak. Gusto kong bigyan ng bulaklak ang pinaka espesyal na babae sa buhay ko. Among all the flowers, I chose the tulips because it was her favorite. Isang linggo na ako dito sa Legaspi City pero ngayon pa lang ako makakapunta sa kanya. It was a hectic week for me. Sunod sunod ang meetings, urgent emails and appointments. "How are you? I badly missed you." Even though my heart was heavy with sorrow, I forced myself not to cry. Palagi niya kasi akong pinagtatawanan kapag umiiyak ako noon. She always teased me about being a cry baby. Binaba ko ang dala kong basket of tulips at pinatong sa puntod niya. "I'm sorry Athena. Sorry dahil wala ako n'ong kailangan mo ng tulong. Sorry kung hindi ako nakapunta sa huling araw mo." Hindi ko man sabihin lahat, alam kong naiintindihan ako ni Athena. She's fully aware how ruthless our father can be. Nasa ibang bansa ako noon nag-aaral nang mabalitaan kong may sakit si Athena. Ilang ulit akong nagmakaawa kay papa kung pwede ko bang puntahan si Athena pero binigyan niya ako ng kondisyon. Sabi niya papayagan niya akong puntahan si Athena kapag nag top ako sa klase. Ginawa ko ang gusto niya. I put a lot of effort to excel in my studies. I dedicated countless hours for the exam. Lahat nang gusto niya ginawa ko pero hindi niya ako pinagbigyan na bisitahin si Athena kahit isang beses lang. Sabi niya maghahanap siya ng pinakamagaling na Doctor para kay Athena at siya ang magbabayad sa lahat ng gastos, pero hindi dapat ako umuwi ng Pilipinas. At muli, sinunod ko ang gusto niya dahil umaasa akong gagaling si Athena sa doctor na mahahanap niya. Through his power and connections, he managed to secure the services of the most skilled and famous doctor around. Kahit paano gumaan ang pakiramdam ko nang mabalitaan kong unti unting umaayos na ang kalagayan ni Athena. Then one time, I received a call from Athena. "Vladimir, please take care of Samantha and Jasmine." Hindi ko akalain na 'yon na pala ang huling pag-uusap namin ni Athena. Dahil sa sumunod na araw nabalitaan ko nalang na wala na si Athena. I was devastated and lost that time. Sabi ng doctor, si Athena na mismo ang sumuko dahil pagod na pagod na siya sakit na nararamdaman niya. Gustong gusto ko umuwi nang malaman kong wala na si Athena. Pero si papa palihim niya na palang kinuha ang passport ko at dinala niya ito sa Pilipinas. Nagwala ako. Binasag ko lahat ng mga gamit sa condo ko. Hindi anak ang turing niya sa'min kundi isang investment. He's always expect something back in return. Ibibigay niya lahat ng materyal na bagay pero dapat lahat ng gusto niya masusunod bilang kapalit. Sinabi ko sa kanya na kikitilin ko ang sarili kong buhay dahil sawang sawa na ako sa pagiging malupit niya sa'min. Then all of a sudden, I found myself in my room. Nakagapos ang magkabila kong kamay at paa. At sa oras na nagwawala ako, the nurse administered a tranquilizer injection to destabilize me. SAMANTHA'S POV: "Are you nervous?" tanong sa'kin ni Pierce habang nakatuon ang atensyon niya sa pagmamaneho. "Hindi ah. Bakit naman ako kakabahan?" pagsisinungaling ko at tumawa ng peke. Papunta na kami ngayon sa restaurant. Sabi ni Pierce naghihintay na daw si Tito Vladimir. Ang totoo hindi ko rin alam kung bakit kinakabahan ako. Siguro hindi lang ako sanay na pumunta sa mamahaling restaurant. At tyaka hindi rin ako komportable sa suot ko ngayon. Nakasuot ako ng heels at sobrang sexy na damit. Sabi ng mga babae na nag-ayos kanina sakin, ang tawag sa suot ko ay red silk ruched slit dress. Hanggang tuhod ang haba nito at backless sa likuran. "Halatang kinakabahan ka," ani ni Pierce habang nakasulyap sa'kin sa rear view mirror. "'Wag kang kabahan, hindi naman nangangain ng tao si Vladimir." Umirap lang ako sa sinabi ni Pierce. Pinagtatanggol niya talaga ang amo niya. Sinabi sa'kin ng mga babae kanina sa penthouse na nakakatakot daw si Tito Vladimir. Hindi ko alam kung ano ang punto sa sinabi nilang nakakatakot. Nakakatakot 'yong ugali o nakakatakot ang itsura. Siguro both. Hindi ko alam kung ano na itsura niya dahil mahigit sampung taon na kaming hindi nagkita. Nakalimutan ko na rin ang itsura niya. Siguro ang pangit niya. "Samantha, let's go?" Nabalik ako sa huwisyo nang magsalita si Pierce. Hindi ko napansin na nandito na pala kami at pinagbuksan niya na ako ng pinto. Lumabas na ako at muntikan pa akong matumba dahil hindi ako sanay sa heels. Pinauna ko sa paglalakad si Pierce habang sumusunod naman ako sa kanya sa likuran. Nakapasok na kami sa loob ng restaurant at hindi ko maiwasan luminga linga sa paligid. Ang ganda sa loob at sobrang sosyal. 'Yong mga nandito halatang mayayaman. Napansin ko rin sa isang table 'yong pamilya ni congressman. Siguro madalas sila kumain dito. Habang naglalakad, natanaw ko ang pamilyar na pigura ng lalaki hindi kalayuan. Mag-isa siyang nakaupo at busy sa kanyang cellphone. Tinitigan kong mabuti 'yong lalaki at napalunok ako ng laway nang mapagtanto kong siya nga 'yong lalaking customer namin ni Coreen. 'Yong lalaking may black ATM card at maugat ang kamay sabi pa ni Coreen. Napansin kong lumingon sa gawi ko 'yong lalaki kaya umiwas agad ako ng tingin. Baka sabihin niyang crush ko siya dahil palihim ko siyang pinagmamasdan. "Aray!" bulyaw ko nang bumangga ako sa likod ni Pierce. Hindi ko napansin na huminto siya sa paglalakad kaya bumangga tuloy ako. Pagtingin ko, halos malaglag ang panga ko nang mapansin kong nasa harap kami ng lalaking may black ATM card. Ilang ulit pa akong napakurap kasi baka namamalikmata lang ako. "Samantha, siya ang tito Vladimir mo." Pakiramdam ko may kung anong tinik na bumara sa lalamunan ko dahil sa sinabi ni Pierce. Tama ba ang rinig ko? 'Yong lalaking may black ATM card ay si Tito Vladimir pala?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD