CHAPTER 5:

1421 Words
VLADIMIR's POV: I sat alone at the table in the dimly lit restaurant, the only illumination is coming from the faint glow of the overhead pendant lights. Nakatanggap ako ng message kay Pierce na papunta na sila dito ni Samantha sa restaurant. Habang naghihintay sa kanila, I find ways to keep busy with my cellphone in the meantime. Hindi ko na maalala kung anong taon huli kaming nagkita ni Samantha. Due to the nature of my work madalas out of town ako at abroad for extended days. Ngayon lang ulit ako nakabalik dito sa Legaspi City. As far as I remember, huling punta ko dito seven years old pa lamang si Samantha and now she's about to celebrate her 18th birthday. Ang bilis nga naman ng panahon. Pakiramdam ko nanunuyo ang lalamunan ko dahil siguro sa naging meeting ko sa mga potential investors. I signaled the waiter for a glass of water. "Could I get a glass of water, please?" "Yes sir, right away," the waiter replied with a polite nod before he hurried away to fulfill my request. Ilang sandali lang bumalik ang waiter na may dalang baso ng malamig na tubig. Maingat niyang itong nilagay sa mesa sa harap ko. "Thank you." "May kailangan pa po ba kayo sir?" he inquired politely. ""No, I'm fine for now. I'm actually waiting for someone." I replied. "Okay sir. Just let me know if you need anything else," nakangiti niyang paalala saka siya umalis. Wala pang sampung minuto nang makita ko si Pierce na papasok. Even from a distance his serious demeanor was clear. Kinuha ko ang baso para uminom. Napansin ko ang pamilyar na babae sa likuran ni Pierce at halos masamid ako sa iniinom kung tubig nang tuluyan ko siyang makilala. I couldn't help but be mesmerized as she walked into the room, her presence commanding attention effortlessly. She was damn stunning in her backless red silk dress. Nakalugay ang mahaba niyang buhok. Her almond-shaped eyes looked innocent yet mysterious. Agad kong umiwas ng tingin nang mapansin kong sumulyap siya sa gawi ko. Nagpanggap akong busy sa cellphone ko at nagkunwaring hindi ko siya nakita at hindi apektado sa presensya niya. Through my peripheral vision, I saw her and Pierce, huminto sila sa tapat ko. "Vladimir we're here," narinig kong anunsyo ni Peirce. Inangat ko ang tingin ko at pakiramdam ko muntikan na akong mahulog sa upuan nang mapansin ko ang titig niya. Goodness! how can she be this beautiful? "Samantha, siya ang tito Vladimir mo," ani ni Pierce dahilan para magsalubong ang kilay ni Samantha. "Ano? Tito ko siya?" Her eyes widened in surprised. It's cute how she still reacts the same way when Pierce introduces me as her Tito Vladimir, just like she did 10 years ago when she was seven years old nang ipakilala rin ako ni Athena sa kanya. "Yes, I am your Tito Vladimir." My voice was kind of husky because of the long hours spent in the meeting. Tumayo ako and I motioned my hand for a handshake. "Tss!" Umirap siya at hindi tinanggap ang kamay ko. Pakiramdam ko nagpanting ang tainga ko. Sa buong buhay ko, ngayon pa lang ako nainsulto. Bilang CEO, nasanay ako maging dominante at nasususod lahat ng gusto ko. Tila isang matinding sampal sa aking dignidad at kumpiyansa ang ginawa niyang pag-irap at pagtanggi sa pakikipagkamay ko. Narinig ko namang nagpipigil ng tawa si Pierce kaya mariin ko siyang tinitigan bilang pagbabanta. Tiim bagang kong binawi ang kamay ko dahil hindi tinanggap ni Samantha ang pakikipagkamay ko. Saan kaya niya minana ang pagiging attitude niya. Hindi naman ganyan ang ugali ng mama Athena niya. Lumapit ako kay Pierce at bumulong sa kanya. "What happened? Galit ba siya sa'kin?" tanong ko kay Pierce, umaasang may makuha akong matinong sagot. "Ewan. Sa palagay mo?" natatawang bulong ni Pierce sa'kin. Sabi ko na nga ba wala akong aasahang matinong sagot kay Pierce. "Okay let's eat. You must be starving by now." Kahit na naiinis ay ngumiti pa rin ako. Trying to be gentleman, hinila ko ang upuan para maupuan ni Samantha. Pero nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang umupo si Samantha sa kabilang upuan at hindi sa upuan na hinila ko para sa kanya. Sa pangalawang beses nag-igting ulit ang panga ko. Talagang inuubos ng batang ito ang pasensya ko. Si Pierce nakita kong nagpipigil ulit ng tawa. Talagang natutuwa siya na may humahamon sa pasensya ko. Bukod sa nagbago ang itsura ni Samantha, 'yong ugali rin nagbago. N'ong bata siya nakakatuwa pa, ngayon nakakainis na. Ako nalang 'yong umupo sa upuan na inalok ko kay Samantha. Despite being frustrated, I take a deep breath and try to convince myself to be more patient. Dapat lawakan ko nalang ang pang-unawa ko dahil ganito talaga ang ugali kapag teenager. "Maiwan ko muna kayo," ani ni Pierce at agad na hinila ni Samantha ang laylayan ng coat ni Pierce para pigilan. "Saan ka pupunta? Akala ko ba sabay kang kakain sa'min?" takang tanong ni Samantha kay Pierce. Ako naman hindi maiwasan na magsalubong ang kilay. Kailan pa sila naging close? Bakit ang bait niya kay Pierce at sa'kin ang taray niya. "Samantha may gagawin pa ako." "Ano? Pero sino ang maghahatid sa'kin mamaya?" Samantha's eyes were fixed on Pierce, waiting for his response. Nilingon ako ni Pierce. I could see the hesitation in his expression. Dapat kasi ako ang maghahatid kay Samantha dahil gusto kong kumustahin si Jasmine at ang Lola niya. Pero halatang iniiwasan ako ni Samantha at ayaw niyang ako ang maghatid sa kanya. I nodded subtly, giving message Pierce to agree with Samantha's request. Mukhang nakuha ni Pierce ang signal ko kaya marahan siyang tumango. "Pagkatapos niyong kumain. Babalikan kita mamaya para mahatid kita sa bahay niyo." "Sige sabi mo 'yan ha, babalikan mo ako mamaya." Napalitan ng ngiti ang pag-aalala ni Samantha saka niya binitiwan ang coat ni Pierce. Before making his exit, Peirce bowed before us as gesture of his respect. Napansin ko naman ang matalim na titig ni Samantha sa'kin. Kulang nalang saksakin niya ako. "Alright, let's make our selections and order." With a slight wave of my hand, I signaled to the waiter that we were ready to order. Lumapit sa mesa namin ang binatang waiter na nagbigay ng tubig sa'kin kanina. May dala siyang panulat at papel. "Are you ready to order sir, ma'am?" the waiter asked with a warm smile. "Yes we're ready. I'll have the steak, medium-rare, with a side of roasted vegetables." SAMANTHA'S POV: "How about you ma'am? May napili ka na po bang order?" tanong ng waiter sa'kin pagkatapos niyang makuha ang order ni Vladimir. Ayaw ko siyang tawaging tito ngayon. Naiinis ako sa kanya. Nagbasa ako sa menu dahil naghihintay na sa'kin ang waiter. Halos malula ako sa presyo ng mga pagkain. "Chicken parmesan ang order ko," nakangiti kong sagot sa waiter para hindi niya mahalata na kinakabahan ako. First time ko 'to sa isang mamahaling restaurant kaya di ko alam paano mag-order ng sosyal. Sa totoo lang hindi ko rin alam kung ano ang chicken parmesan na order ko. Ang kilala ko lang naman eh fried chicken at chicken adobo. At tyaka chicken parmesan lang ang hindi mahirap bigkasin. Gusto ko pa naman subukan 'yong Poulet de Provencal pero di ko alam paano basahin kaya wag nalang baka mapahiya lang ako. "And what would you like to drink with your meal?" "I'll have a glass of Chardonnay, please," sagot ni Vladimir. Ako naman nagsalubong ang kilay dahil may ganon palang chardonnay drinks. "Ikaw po maam? What can I get for you to drink this evening?" Napakagat ako sa labi. Ang hirap naman pala kumain sa mamahaling restaurant. "I'll have the same with his drinks," confident na sagot ko sa waiter. Pagkatapos kunin ng waiter ang order namin, umalis na siya para maihanda agad ang pagkain. "Are you sure about the drinks you ordered?" nagtatakang tanong ni Tito Vladimir sa'kin. "Anong akala mo sa'kin bata? Syempre alam ko." Tinaasan ko siya ng kilay. Habang naghihintay ng order namin, inabala ko nalang muna ang sarili ko sa paggamit ng cellphone para hindi ako kausapin ni Tito Vladimir. Ayaw ko muna siyang kausap sa ngayon. Makalipas ang ilang minuto dumating na rin ang pagkain. Dahan dahan na inilapag ng waiter ang pagkain sa mesa. Nauuhaw na ako kaya agad kong tinikman ang chardonnay drinks. Nanlaki ang mga mata ko nang malasahan ito ng dila ko. Akala ko isang uri ng juice ang chardonnay, wine pala ito. Pero masarap naman 'yong lasa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD