Chapter 47 ~ GAIL'S POV "TINGIN ko naman totoong mahal ka niya." Si Lance, nandito kami ngayon sa labas. Sa three days namin dito sa Tanauan siya ang lagi kong kasama, pupunta siya dito sa amin every morning then sa hapon babalik siya sa beach house niya. In that time, naging close na rin kami. "Talaga? Totoo ba 'yan o dahil ayaw mo lang akong masaktan?" Yun kasi ang plano namin, he'll do everything para ma-realize ni Alden na mahal niya talaga ako kaya nasa tabi ko siya palagi tapos sasabihin niya sa akin kung anong tingin niya sa totoong nararamdaman ni Alden. Sabi kasi niya alam ng lalaki kung ano'ng totoong nararamdaman ng kapwa nila lalaki. "Hindi. Totoo yung sinabi ko, it was based on what he's doing or how he react everytime na magkasama tayo and obviously nagseselos siya. Kaya d

