Chapter 46 ~ ALDEN'S POV ALAM kong may narinig si Gail dahil sa mga kinikilos niya at alam kong narinig nya ako kagabi. Nag-flashback sa akin lahat ng nangyari kagabi. Mama Calling... "Hello, Ma?" bungad ko sa tawag na iyon. "Hello, anak. Alam mo naman yung problema ko di ba?" sabi agad niya. "Yeah! I know." Sabi ko. Alam ko naman talaga, lagi na lang niyang pinapaalala sa akin yun. "Masyado na akong nagigipit kailangan na namin ng tulong mo." "Kaya nga ginagawa ko 'to di ba?" Totoo naman, ginagawa ko ang lahat para sa kaniya. Kulang na lang ibenta ko ang sarili ko para sa mga magulang ko. "Akala ko ba mahal mo ko, mahal mo kami? Bakit parang inuuna mo pa ang iba kaysa sa amin?" Umandar na naman ang pagiging childish niya. Hay! I don't know what to do anymore. "Don't mention it. I

