Chapter 03 ~ GAIL'S POV
PAGTAPOS ng klase namin, pumunta na kami sa bahay nila Janela. Tahimik lang siya habang na sa daan kami. Sakay kami ng sasakayan niya, yung sasakyan ko babalikan ko na lang mamaya.
"Uy, Janela, galit ka ba sa akin?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya dahil hindi niya ako kinikibo kanina pa.
"Hindi naman, nagtatampo lang kasi naman ang tagal na nating magkaibigan hanggang ngayon may nililihim ka pa rin pala sa akin," tugon naman niya. Yun ang pinaka-ayaw niya yung pinaglilihiman siya pero ibang usapan na kasi talaga yung tungkol sa kasal namin, eh. Hindi ko naman alam na makakahalata siya kaagad.
"Hindi naman sa gusto ko talagang maglihim sa'yo, ikukwento ko naman lahat sa'yo mamaya eh," sabi ko naman.
"Siguraduhin mo lang ha, naku! 'Di talaga kita papansinin pag may kulang sa kwento mo," banta ulit niya. Ano pa nga bang magagawa ko?
"Oo nga, lahat. Promise." Pagdating namin sa bahay nila tumuloy agad kami sa kwarto niya at nagpadala na lang siya ng makakain namin. Nagbihis lang siya at dumating na rin yung meryenda namin, umupo kami sa kama niya. Ganun na kami ka-close dahil highschool palang kami siya na ang lagi kong kasama kaya kilalang-kilala na niya ako. Walang-wala akong maitatago sa kaniya kahit ang pagkakagusto ko kay Charles since highschool, s'ya lang rin ang nakakaalam no'n.
"Oh ngayon, simulan mo na," seryosong sabi niya sa'kin.
"Eh kasi..." Huminga muna ako ng malalim. "Kaya two weeks akong nawala dahil sa unexpected wedding ko." This is it na talaga.
"WHAT?! BAKIT? PAANO? WALA KA NAMANG BOYFRIEND AH!" sunod-sunod na tanong niya at siyempre gulat na gulat siya. At ano pa nga bang kakaiba dun? Kahit sino naman talaga magugulat, eh.
"Eh kasi ganito yun, gusto ni Mama na magpakasal ako sa taong gusto niya para sa akin, kahit na ayaw na ayaw ko sa taong 'yon." Tumingin ako sa kaniya tahimik lang siya kaya tinuloy ko na lang yung kwento. "Nang una ay ayaw ko pumayag kasi ayoko talaga sa taong 'yon, pero napapayag niya ako dahil sa kalagayan ng Mama ko. May cancer sya, Janela, di pa lang alam ni Mama na alam ko na pero soon ipapaalam ko rin sa kaniya na alam ko na ang kalagayan nya," seryosong sabi ko.
"Sino yung lalaki?" tanong naman niya, di talaga ako makakaligtas. Napatingin ako sa kaniya, di ko alam kung sasabihin ko ba o hindi. "You told me nawala kang ililihim kahit isa," paalala niya sa'kin.
"Okay, okay, siya si Alden John De Leon, yung bago nating Prof." NO CHOICE!
"What?! Bakit nagawa mong itago sa akin 'yon, Gail? And, paano kayo nagkakilala?"
"Eh, kasi ang usapan naman namin maghihiwalay kami pagwala na si Mama. Kaya para sa akin wala ng dapat makaalam ng bagay na yun, Janela. Sabay kaming lumaki, ahead lang siya sa akin ng apat na taon," kuwento ko naman sa kaniya.
"Eh, bakit kailangan mo pang makipaghiwalay? Na sa'yo na pakakawalan mo pa. Tanga ka talaga!" singhal naman niya sa akin.
"Janela, hindi ko mahal si Alden at lalong ayokong makasama s'ya habang buhay, hindi siya yung lalaking pinangarap kong makasama," paliwanag ko naman sa kaniya.
"Siguro nga di mo pa siya mahal pero imposible namang hindi mo siya mahalin. Alam ko matagal-tagal din ang pagsasamahan ninyo saka bakit ba parang galit na galit ka sa kaniya ha? Hindi naman siguro niya kasalanan kung bakit siya yung gusto ng Mama mo para sa'yo. Gwapo naman siya, matalino at for sure mayaman. Di ko rin naman masisisi ang Mama mo kung bakit ka niya gustong ipakasal sa taong hindi mo naman mahal bukod sa sushunga-shunga ka, eh. Ikaw rin ang nag-iisang magmamana ng lahat ng ari-ariang maiiwan niya. Ikaw ang nag-iisang tagapagmana at sa laki ng maiiwan sa iyo malamang maraming tao ang gugustuhing makuha ka kaya gusto lang siguro niya makasiguradong na sa mabuting kamay ka."
"Mabuting kamay nga ba? Kung alam mo lang kung gaano ako nasaktan ng taong 'yon nang mga bata pa lang kami," malungkot na sabi ko dahil hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako. Maybe OA ako pero he's my first heartbreak.
"Bakit nga ba? Ano bang nagawa niya sayo?" Kinuwento ko sa kaniya ang lahat. Lahat-lahat ng pinagmulan ng galit ko kay Alden.
FLASHBACK
FIRST YEAR highschool ako noon, at fourth year na siya, malapit na yung Valentines Day at that time uso sa Campus namin yung letter giving at Prom everytime na sasapit yung araw na yun. Wala naman akong idea kung sino yung pagbibigyan ko, although that time palang, alam ko na si Alden yung ultimate crush ko at hindi lang ako nag-iisa dahil ultimate crush din naman siya ng halos lahat ng students sa school. Lahat inaabangan kung sino yung pagbibigyan niya ng letter pero ever since, simula nung first year pa lang siya wala pa daw siyang binibigyan kahit isa. Yun lang naman ang balita sa buong school kaya nalaman ko.
Natural na sa kaniya ang mabigyan ng mga letters, pero wala naman daw siyang binabasa dun kahit isa. "Annika, sino bibigyan mo ng letter?" Narinig kong tanong ni Alou kay Annika, first year pa lang kami pero marami na agad ang nagkagusto sa kanya, lalo na sa mga higher level, mukha kasing siyang manika. "Si Kuya Alden." Parang kinikiling pa na sabi nya, well I wish her goodluck, kilalang-kilala ko na kasi si Alden dati pa, Yeah! Magkababata kami, sabay kasi kaming lumaki at yun din ang dahilan kung bakit matagal na kong may gusto sa kaniya pero katulad sa ibang babae hindi niya ko pinapansin lalo na nung mag-highschool siya, di naman kasi siya ganun nung elementary pa lang kami pareho.
"Talaga? Sigurado ako mapapansin ka nun." Sabi naman ni Alou, nag-focus na lang ako sa ginagawa ko, malapit na rin kasi final exam namin kay ang daming project kaya yun ang ginagawa ko.
"WAAAAH! HUUUUHHHHH!" Bigla akong napatingin sa labas dahil sa lakas sigawan ng mga freshmen students tulad ko, hiwalay kasi ang floor ng bawat level kaya sure ako na karamihan sa mga nagtitilian na yung classmates ko. "WAAAAH! ANG GWAPO TALAGA NIYA!" Mas na-curious tuloy ako, pero nakaupo pa rin ako sa upuan ko.
"ANNIKA! AYAN NA SI KUYA ALDEN!" Narinig kong sigaw ni Alou kaya napatingin ako sa kanila pero nabawi agad ng pansin ko yung lalaking pinagkakaguluhan sa labas at parang may hinahanap siya. "OH MY GOSH! NAKATINGIN SIYA DITO ANNIKA!" Nakatingin na nga siya sa loob, at mukhang tama si Alou na si Annika yung pinuntahan niya dun.
Di naman ako masukista kaya nag-focus na lang ulit ako sa ginagawa ko, siguradong si Anikka ang yayayain niya sa prom.
"Hi Kuya Alden!" Narinig kong bati ni Annika sa kaniya pero hindi pa rin ako lumilingon, kasunod nun biglang tumahimik sa likuran ko kaya napalingon ako. Nasa likuran ko na si Alden at nakatingin siya sa akin.
"Oh bakit?" Casual na tanong ko sa kaniya.
"Gail, will you be my date?" Direktang tanong niya, napatingin ako sa mukha niya para siguraduhing hindi niya ko ginu-good time. Yung mga itsura naman nung mga tao sa likod namin parang mga na-shock, halos sabay-sabay pa yung reaction nila.
"Seryoso ka ba?" Tanong ko pa dahil di ako kuntento sa nakikita ko sa mukha niya.
"Hindi ako pupunta dito para lang biruin ka." Seryoso pa ring sabi niya, sabagay tama nga naman siya, kinuha ko yung hawak nyang rose sign na tinatanggap ko yung alok nya, napangiti naman siya kaya ngumiti din ako. Kung di nya ko inalok ng date wala talaga akong balak pumunta ng Prom.
"TEKA, yun lang ang ginawa niya tapos masamang tao na agad siya para sayo? Eh ikaw na nga 'tong inaya ng date, eh." Singit naman agad ni Janela.
"Teka lang naman Janela, hindi pa naman ako tapos magkwento, eh," angal ko naman sa kaniya.
"Ay, hindi pa ba tapos," napapakamot ng ulo na wika niya.
UMATEND ako ng Prom dahil nga inaya niya kong ka-date, take note sinundo pa niya ko sa bahay namin at inalalayan niya ko hanggang sa entrance nung resort na ginanapan ng Prom namin. At halos lahat ng year nandun, nakatingin nga silang lahat samin eh pero bigla akong iniwan ni Alden dun sa may entrance at lumapit sa mga friends niya then in a split second biglang may mga harina na bumagsak sakin kaya nagulat ako. Kasabay nun ay ang malakas na tawanan mula sa crowd at kasama si Alden sa mga nagtatawanan na yun.
"You made our night, 'Den." Sabi nung isa sa mga classmate niya.
"Syempre naman, kailan ba ko sumira sa pustahan?" Sagot naman ni Alden. Pustahan? Paanong naging pustahan yung pag-attend ko dito at bakit ako? Di ko alam kung saan nanggaling pero bigla na lang may isa na namang bumuhos mula sa katawan ko, this time itlog naman at mas lumakas yung tawanan.
"Yan pwede na siyang iprito." Sabi nung isang babaeng forth year, kasunod nun ang sunod-sunod na pagpatak ng luha ko. Kay Alden lang ako nakatingin ng time na 'yon at wala pa rin siyang tigil sa pagtawa at isa lang ang gusto kong itanong sa kaniya, bakit? Bakit mo nagawa sa akin yung ganito? Ano bang naging kasalanan ko sayo.
Pero ang nakakatawa lang, nagawa kong magtiwala sa isang taong katulad niya, tuwang-tuwa pa naman ko dahil inaya niya ako ng date. Di ko alam kung saan ako nakakuha ng courage para lumabas sa crowd na yun. Di ko lang alam kung bakit sa dami ng tao sa school ako pa yung napili niyang pag-tripan ng ganun.
Yun ang last day na nakita ko sila dahil di na ko pumasok ulit sa school na at kasabay ng araw na yun sinumpa ko sa sarili ko na kahit kailan hindi na ko magtitiwala pa ulit sa isang Alden John de Leon at simula nung araw na 'yon sinumpa ko na siya. Hindi ko na sinubukan pang hingin o pakinggan man lang yung paliwanag niya dahil para sa akin walang kapatawaran yung bagay na ginawa niya sakin.
Lumipat na ko ng school after nun, at dun sa school na nilipatan ko, dun ko nakilala si Janela at dun sinubukan kong ibahin yung image na meron ako sa dati kong school. And after that year nabalitaan kong umalis na si Alden para mag-aral sa ibang bansa, isang malaking blessing yun para sa akin dahil kahit isang beses malabong makita ko pa siya.
"TALAGA bang nagawa niya 'yon?" Di makapaniwalang tanong ni Janela.
"Oo 'no, kaya simula nung araw na yun, galit na galit na talaga ako sa kaniya at kahit kailan talaga hindi ko siya mapapatawad," naiinis naman na tugon ko sa kaniya.
"Alam mo, besty, mga bata pa kayo no'n, eh, syempre iba na yung ngayon," wika naman niya.
"Kahit na, makita ko lang siya naaalala ko yung mga ginawa niya sa akin noon," iritableng sagot ko naman sa kaniya.
"Yung mga ginawa ba talaga o yung nararamdaman mo," biro niya sa akin, tinignan ko lang siya ng masama. "Okay, okay, sabi ko nga, eh," sabi niya habang nakangiti. "Pero alam mo, bez, may kasabihan ngang... The more you hate the more you love," asar pa rin niya.
"'Di mo 'ko titigilan Janela?" napipikon na ko sa pang-aasar niya.
"Oo na, hindi na nga, eh," natatawa pa ring sabi niya. "Dito ka na matulog, na-miss kasi kita."
"Oh sige, gusto ko rin 'yan," nakangiti na ring sabi ko. Hindi naman ako masyadong apektado doon sa kwento ko kay Janela pero siyempre hindi biro 'yon.