Chapter 04 ~ ALDEN'S POV
"NASAAN na ba yung babaeng 'yon? Anong oras na, ah?" Kanina ko pa siya hinihintay pero wala pa rin, paikot-ikot lang ako dito sa kuwarto ko dahil hindi ako mapakali.
Wala yung sasakyan niya pagdating ko pero kahit ganoon tinignan ko pa rin siya sa kwarto niya. Ang alam ko six o'clock lang tapos na ang klase niya pero bakit hanggang ngayon wala pa rin siya. Bumaba ako, pagbaba ko nakita ko si Manang sa kusina.
"Manang, nagsabi po ba sainyo kung ano'ng oras uuwi si Gail?" tanong ko, aminin ko man o hindi alam kong nag-aalala ako. Peste kasi! Hindi man lang marunong magpaalam, ako ang malilintikan nito sa Mama niya sa oras na may mangyaring masama sa kaniya.
"Hindi, hijo," sagot naman niya. Ang alam ko matagal na siyang katulong nila Gail kaya sigurado akong kabisado na niya yung ugali no'n.
"Ganoon po ba? Alas diyes na kasi wala pa," sabi ko saka ako tumingin sa wristwatch na suot ko.
"Bakit po 'di niyo siya tawagan?" suggestion naman niya. Yun nga ang problema eh wala akong phone number niya. Bakit ba kasi di ko yun naisipan kunin sa kaniya?
"Manang, kumusta naman po pala si Gail sa inyo? Di po ba matagal na kayo sa kanila?" Hindi ko alam kung para saan at gusto kong malaman yung ugali niya. Halos sabay kaming lumaki dahil magkapitbahay lang naman kami dati at hindi siya basta-basta nalalapitan ng kung sino kaya ako lang yung laging pinipilit ng Mama niya na makipaglaro sa kaniya kahit apat na taon yung tanda ko sa kaniya ay hindi rin naman kami gaanong magkasundo. At alam ko ring malaki ang galit niya sa akin dahil sa nagawa ko sa kaniya noon.
"Ah, si Gail po ba? Ay, naku pasensya ka na, ayaw kasi no'n na tinatawag ko siyang Ma'am o señorita naiilang daw kasi siya," paliwanag naman niya, habang nagpupunas ng lamesa. "Mabait na bata iyon, sa katunayan nga sa tuwing isasama ko yung apo ko dito tuwing araw ng pasko ay binibigyan niya 'yon ng regalo. Wala akong masabi sa kabaitan no'n hindi niyo nga lang siya mauutusang gumawa ng mga gawaing bahay dahil 'yon ang pinaka-ayaw niya." Masaya siya habang nagkukwento kaya sigurado akong hindi naman siya nagsisinungaling. "Parang apo na nga rin ang turing ko sa batang iyon."
"Mukhang mahaba po talaga ang pinagsamahan niyo," naisagot ko na lang sa kuwento niya.
"Oo naman, hijo," nakangiti pa rin niyang sabi sa akin.
"Ah, sige po, lalabas na lang po muna ako," sabi ko na lang. Pumunta na lang muna ako sa garden para doon siya hintayin. Hay! Kahit kailan talaga pasaway 'yong babaeng 'yon! Saan naman kaya nagsuot 'yon?! Di man lang inisip yung mga taong nag-aalala sa kaniya.
Napatingin ako sa pink rose na nandoon, favorite niya noon mga bata pa lang kami. Naalala ko noon pa lang lagi niya akong binibigyan noon pero lagi ko lang siyang hindi pinapansin. Naiintindihan ko naman kung bakit galit na galit siya sa akin. Sa dami nga naman ng naging kasalanan ko sa kaniya at alam ko ring hanggang ngayon dala pa rin niya yung galit niya sa akin noon sa nangyari sa Prom.
Naalala ko rin nang sunduin ko siya sa school niya para sa arrangement ng kasal namin. Gulat na gulat siya nang makita ako kahit ako nagulat sa laki ng pinagbago niya buti na lang nakita ko yung picture niya sa bahay nila kaya nakilala ko naman agad siya pero kahit gano'n sy immatured pa rin siya. 'Di marunong mag-isip, clumsy at mas lalo yatang naging taklesa at matigas ang ulo.
Napatingin naman ako sa cellphone ko dahil nag-ring yun, unregistered number, isang tao lang agad ang naisip ko, "Hello Gail? Nasaan ka ba ha? Bakit di k—"
"Gail? Siya ba yung babaeng dahilan kung bakit mo ako iniwan Alden?" putol niya sa sasabihin ko. Hindi ko na kailangang itanong kung sino siya dahil kilalang-kilala ko na siya.
"Megan? Where did you get my number?" ganting tanong ko sa kaniya. She was my ex-girlfriend pero wala kaming formal break-up.
"Tingin mo ba, Alden, ganoon ka kabilis makakawala sa akin? You still didn't knew me, Darling," sarkastikong sabi niya pero nagkakamali siya dahil alam ko namang wala siyang balak na patahimikin ako, eh. Isa siya sa dahilan kung bakit ako pumayag sa gusto ni Mama na magpakasal ako kay Gail, dual purpose na rin. Alam ko kasing hindi siya titigil hangga't hindi ako bumabalik sa kaniya.
"Ano pang gusto mo Megan? I'm already married kaya mas maganda tigilan mo na lang ako," galit na sigaw ko sa kaniya, minahal ko naman talaga siya at hanggang ngayon alam kong mahal ko pa rin siya pero sa ginawa niya sa akin, hindi ko na siya kayang patawarin. Natahimik siya, alam kong nagulat siya sa sinabi ko, papatayin ko na sana yung cellphone ko nang mag-salita ulit siya.
"Tingin mo Alden ganoon ako kabilis maniniwala sayo, ha! Hindi ako tanga katulad ng iniisip mo! You will never getting over me in just three weeks," puno nang tiwala na sabi niya sa akin.
"Bakit tingin mo ba, Megan, hahabulin pa rin kita?" Tumawa ako pero alam kong sarkastiko ang dating noon. "Natauhan na ko. You cheated on me, seryoso ako sa relasyon natin pero niloko mo lang ako. Mag-isip ka dahil hindi lang ikaw ang babae dito sa mundo," naiinis na sabi ko sa kaniya dahil hanggang ngayon hindi pa din nawawala sa isip ko yung ginawa niya.
"Nagawa ko lang naman 'yon dahil bored na bored ako sa buhay ko, Alden, please forgive me? I am really sorry, Darling. I promise I will never do that again," malambing nang sabi niya sa akin pero hindi na ako madadala sa mga ganoong drama niya.
"It's too late, Megan, tulad nga ng sabi ko sa 'yo kasal na ako and you're right that was Gail," this time mahinahon na 'ko. "Pero wag kang mag-alala dahil pinapatawad na kita." Then I ended the call.
Naalala ko kung paano ko siya mahuli sa aktong nakikipaghalikan sa isang lalaki sa rest room. For God's sake, sa rest room pa ng lalaki nang una talaga akala ko iba siya sa lahat ng mga babaeng lumaki sa Los Angeles, pero nagkamali ako, nakakagalit. I respect her so much pero sa iba nagpapababoy siya. I just can't imagine na kung hindi ako dumating baka kung saan pa nauwi ang eksenang 'yon. Do'n ako natauhan, noon hinahabol-habol ko siya dahil nga sa mahal ko siya pero ngayon I will never do that again kahit pa siya nalang ang nag-iisang babae sa mundo.
Umupo ako sa isang upuan doon, inihilig ko yung ulo ko sa sandalan saka ako pumikit dahil sa pagtawag sa skin ni Megan ngayon ay sumasakit ang ulo ko.
"Bwisit ka Alden!"
"Walang hiya ka!"
"Ang kapal ng mukha mo!"
"Tantanan mo 'ko!"
Parang naririnig ko ang mga bulyaw na yun ni Gail. "Si Gail?" bigla akong napatayo, nawala na siya sa isip ko nang dahil sa tawag ni Megan, tumingin ako sa wrist watch ko, alas onse na. Naglakad-lakad ulit ako at lumabas pa ako ng gate para silipin siya pero wala talaga. Lumipas pa ang dalawang oras, ala una na wala pa rin siya. Di na talaga ako makatiis, tinawagan ko na ang Mama niya para kunin yung number niya. Alam ko namang gising pa siya ng ganoong oras dahil maaga pa sa States.
"Yes, hello?" sinagot naman niya yung tawag ko.
"Hello po? Tita, si Alden po 'to," magalang naman na pagpapakilala ko.
"Oh why? Bakit ka napatawag? And please just call me Mama. Okay?" wika naman niya buhat sa kabilang linya.
"Okay po, Ma, pwede ko po ba mahingi yung number ni Gail?" Medyo nakakailang pero alam ko yun ang dapat dahil kinasal na ako kay Gail.
"Ah, yun lang ba? Oh sige." Nakahinga naman ako ng maluwag dahil pumayag siya. "Bakit may problema ba sa anak ko?" biglang nag-aalalang tanong niya, kinabahan naman ako.
"Ha? Wala naman po, Ma, I just want to get her number," palusot ko naman.
"Nang ganyang oras? Madaling araw na diyan, 'di ba?" di makapaniwalang tanong niya.
"Ah, opo. Sige po Ma, send niyo na lang po via SMS. Wag na po kayong mag-alala wala namang nangyari sa kaniya," sabi ko sabay pindot ng end call. Ayokong pati siya mag-alala pa kay Gail, baka makasama pa 'yon sa sakit niya. Pasaway naman kasi yung babaeng 'yon! Di naman nagtagal ay dumating na yung text niya na ang laman ay yung number ni Gail.
Nag-dial agad ako, nag-ring naman kaya medyo nabawasan ang pag-aalala ko pero bumalik din yung kabang 'yon nung nakatatlong tawag na ako pero di pa rin siya sumasagot. Di ako tumigil tinawagan ko pa rin siya, nakapitong dial siguro ako bago may sumagot.