Chapter 49 SIENNA PARANG sumikip ang sala kahit maluwag naman talaga. Magkakaharap kaming lahat, pero malinaw kung sino ang may kakampi at kung sino ang wala. Magkatabi sina Carla at Uno. Nakakapit ang kaliwang kamay ni Carla sa braso niya, mahigpit, parang kumakapit sa huling pag-asa. Nakayuko siya, kunwari takot, kunwari nakakaawa. Pero alam ko ang itsura ng babaeng nagkukunwari. Kahit hindi siya tumingin, ramdam ko. Ako, nasa gilid lang. Tahimik, nakamasid at kumakabog ang dibdib sa takot, kaba at galit. Sa pang-isahang sofa, si Don Vaughn. Hawak ang tungkod. Tuwid ang likod. Buo ang tindig. Iyong klase ng matanda na kahit hindi sumigaw, susunod ka. Si Romy nasa gilid, nakayuko lang, parang alam na niyang may sasabog anumang oras. Ang mga magulang ni Uno nasa kabilang couch. Kata

