Chapter 48: Walang Aalis

1518 Words

Chapter 48 SIENNA NAGISING ako sa malakas na iyak. Hindi basta iyak, ’yong klase ng iyak na parang hinihila ang dibdib palabas. Inaantok pa ako, mabigat ang katawan ko, masakit lalo na sa pagitan ng mga hita ko, pero ang tinig ng batang umiiyak ay sobrang pamilyar. Si Dray. Napabalikwas ako ng bangon. Si Dray ang umiiyak, ang anak ko. Wala na akong pakialam kung hubad pa ako, kung masakit ang katawan ko, kung hilo pa ang ulo ko. Lumabas ako ng ensuite, dumiretso sa cabinet, humablot ng damit at isinuot ’yon nang hindi man lang iniisip kung tama ang sukat. Paglabas ko ng kwarto, may nasalubong akong katulong. “Ma’am, si Dray po, umiiyak po siya sa pool area,” mabilis nitong sabi. “Nabasag daw po ’yong piggy bank—” Hindi ko na siya pinatapos. Tumakbo na ako. Kumakabog ang dibdib ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD