Chapter 35 SIENNA PARANG may bumalot na malamig sa buong katawan ko at may nararamdaman ako, parang isinubsob ako. Bigla akong napamulat at napasigaw, pero kalahati ng sigaw ko nalunod sa tubig na umabot na sa leeg ko. Kumapit agad ang lamig sa balat ko, tumagos hanggang buto. “What—!” Napalunok ako ng tubig. “Help! Please—!” Sinubukan kong gumalaw. Pero hindi ako makakilos doon ko lang napagtanto, nakatali ako. Nakataas ang dalawang kamay ko, nakapulupot sa isang bakal na poste sa gitna ng malaking swimming pool. Malalim. Sumigaw ulit ako. Pero ang boses ko, nag-e-echo lang sa paligid na parang minamock ako. “Help! May tao—!” Walang sumasagot. Nagpa-panic na ako. Humihigpit ang dibdib ko habang pumapalag ako sa tali, pero mas lalo lang sumasakit ang mga pulso ko. Ramdam ko ang pan

