Chapter 13 SIENNA NAKAHARAP ako ngayon sa body-length mirror. Saglit akong napahinto, parang kailangan ko pang kumurap para makasiguro. Ako ba talaga ’to? Ang red dress na pinili ni Uno, simple pero lethal. Mahigpit sa maliit kong bewang, sakto ang kapit sa balakang ko na parang sinadya para i-emphasize ang bawat kurba. Hindi bastos, hindi rin conservative. Sakto lang para ipaalala sa mundo na babae ako, at alam ko iyon. Bumaba ang tela hanggang tuhod, may slit na sapat lang para gumalaw ako nang elegante. Every line of the dress hugged me like it knew my body better than I did. Napangiti ako, bahagya. Sa salamin, may gumalaw sa likod ko. Si Uno. Nakapalit na rin siya ng suit, black, clean cut. The long-sleeved polo beneath emphasized his wide, square shoulders, his posture relaxed

