Chapter 105 SIENNA PAGPASOK namin sa kusina ay agad na bumungad ang ingay at tawanan ng kambal. Nakaupo na si Dray sa isang upuan habang si Mama ay naglalabas ng mga plato sa mesa. Sa gitna ng mesa ay naroon ang choco moist cake na kanina pa hinihintay ng mga bata. Pero bago pa makaupo si Uno, agad na siyang pinalibutan ng kambal. “Sit here, Mr. Hero!” excited na sabi ni Honey habang hinihila ang isang upuan. “Yes! Here!” dagdag ni Kisses. Napangiti ako nang bahagya habang pinapanood sila. Para bang natural lang sa dalawang bata na isama siya, na parang matagal na nila siyang kilala. Umupo si Uno, medyo alangan pa rin ang galaw, pero halatang pinipilit niyang maging komportable para sa mga bata. Hindi pa man nakakahawak ng tinidor ang lalaki ay agad nang kumuha ng maliit na piraso n

