Chapter 33 SIENNA “H-HINDI gano’n—” Hinabol ko si Marvin ng tingin kahit hinihila na ni Uno ang braso ko palayo. Mahigpit at masakit. Kita ko ang bahagyang paninigas ng panga ni Marvin, ang mga matang pilit kinokontrol ang galit at hiya. “Marvin, I’m sorry,” mabilis kong sabi. “I didn’t mean for this to happen.” Hindi siya sumagot. Tumango lang siya, pero ramdam ko, may nasira na naman akong hindi ko na kayang buoin. Lumingon ako kina Bitanny at Raul. Pareho silang nakatanga, parang nanuod ng away mag–asawa. “Guys, sorry ha,” pilit kong biro kahit nanginginig ang dibdib ko. “Nag-init lang ulo ng sugar daddy ko. He’s always in trouble, zero self-control. Wala siya 'non” Nanlaki agad ang mga mata nila. Sabay silang napatingin kay Uno. “S-sugar daddy?” halos sabay nilang nasabi. Par

