Chapter 32 KASALUKUYNG nasa loob ng fitting room si Enna, nakatayo sa harap ng salamin habang inaayos ang suot na gown. Isang emerald green na tela ang yumayakap sa katawan niya, makinis, may slit sa gilid na sapat lang para ipakita ang mahahabang binti, at likod na bahagyang bukas, eleganteng may halong panganib. Kumikinang ang tela sa ilalim ng ilaw, parang isinadya para sa kanya. Ito ang pinili ni Uno sa kanya. Gusto niyang isuot ni Enna para makita kung may kailangang ipa-repair, kung may masyadong maluwag, kung may kailangang higpitan. Abala si Enna sa pagtingin sa repleksiyon nang bigla siyang mapahinto. Muntik na siyang mapatili nang makita si Uno sa likuran niya. Reflexively, umangat ang kamay niya, tinakpan ang dibdib niya kahit alam niyang huli na. Hindi gumalaw si Uno, naka

