Chapter 42 SIENNA NAPAHALUKIPKIP ako. Hindi ko alam kung dahil sa malamig na hangin o dahil sa bigat na nakadagan sa dibdib ko. Every step palabas ng venue, parang mas bumibigat ang katawan ko. Nang biglang may humawak sa kamay ko. “I’ll take you home.” Napatingala ako si Wyatt. Hindi niya hinintay ang sagot ko. Dahan-dahan niyang pinakawalan ang kamay ko, hinubad ang suot niyang suit, at maingat na inilagay sa balikat ko. Ramdam ko agad ang init, hindi lang ng tela, kundi ng gesture. Hindi siya nagtanong, hindi rin nagkomento. Parang alam niya na pagod na pagod na ako. “Come on,” mahinahon niyang sabi. Muli niyang hinawakan ang kamay ko at sabay kaming lumabas parehong tahimik. Just quiet understanding. Pagdating namin sa labas, nandoon na ang sports car niya, sleek, low, expens

