Chapter 43 SIENNA HUMINGA ako nang malalim. Pinunasan ko agad ang luhang tumakas sa pisngi ko, parang galit pa akong hinaplos ang balat ko, as if kaya kong pigilan ang nararamdaman ko kung madiin ang pagpunas. Hinubad ko ang gown na suot ko. Nagpalit ako ng pambahay. Pagkatapos, dumiretso ako sa kama. Mahimbing na ang tulog ni Dray. Wala siyang alam sa gulo ng mundo ko ngayong gabi. Tumabi ako sa kanya at agad ko siyang niyakap. Parang siya na lang ang anchor ko. Siya ang dahilan kung bakit hindi ako tuluyang gumuho. “Mama’s here,” bulong ko, kahit alam kong hindi niya ako maririnig. Hindi ko alam hanggang saan ko pa kayang tiisin lahat ng ito. Hindi ko rin alam kung hanggang kailan ko kayang magkunwari na okay lang ako. Wala akong karapatan. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko

