Chapter 110 SIENNA HINDI pa rin bumabagal ang t***k ng puso ko matapos ang halikan namin. Ramdam ko pa rin ang init ng hininga ni Uno sa mukha ko habang magkalapit kami, ang mga kamay niya ay mahigpit pa ring nakahawak sa bewang ko na parang ayaw niya akong pakawalan kahit isang segundo. Pero hindi puwedeng manatili kami sa ganoong sitwasyon. Dahan-dahan kong itinulak ang dibdib niya at bahagyang umatras. Hindi ko siya tinitigan agad. Pakiramdam ko kasi kapag nagtagpo ulit ang mga mata namin, babagsak na naman ang matagal kong pinipilit itayong pader. Umiling ako. “I wanted it,” mahinang sabi ko habang napapikit sandali. Hindi ko idedeny iyon. “Pero hindi ibig sabihin na tama.” Doon ko lang siya muling tiningnan. Mabigat ang tingin niya sa akin, parang naghihintay ng susunod kong sa

