Chapter 111 SIENNA SI Kuya Matteo. Ang mga mata niya ay malamig at punong-puno ng galit habang nakatitig kay Uno. Sa tabi niya ay si Carlos, ganoon din ang itsura, mahigpit ang panga at halatang hindi niya nagustuhan ang nakita niya. At hindi lang sila dalawa. May ilang tauhan na nakapwesto sa likod nila. Ramdam ko agad ang bigat ng sitwasyon. “Step away from her.” Mababa ang boses ni Kuya Matteo pero may bigat na agad na nagpapatahimik sa paligid. Hindi gumalaw si Uno. Nakatayo lang siya sa harap ko, parang pader na humaharang sa pagitan ko at ng dalawang lalaking papalapit. “Wag mong pakialaman ang hindi na sa’yo,” dagdag ni Kuya Matteo habang dahan-dahan siyang lumalapit. Tumaas ang baba ni Uno. “And who decided that?” matigas niyang sagot. Mas lalo pang dumilim ang mukha ng ku

