Chapter 04
SIENNA
HUMINGA ako nang malalim bago muling magsalita. Ayokong ipahalata ang biglang kaba na gumapang sa dibdib ko dahil sa tingin ni Romy, 'yung parang may pilit hinuhugot na alaala.
“Romy,” ulit ko, this time may pakiusap ang tinig ko. “Please. Importante ito. I won’t take much of his time.”
Tinitigan niya pa rin ako, parang sinusukat kung nagsisinungaling ba ako o hindi. Then he sighed, parang may mabigat na desisyong kailangang gawin.
“Ang gulo mo, hija,” sabi niya sa wakas. “May something sa ’yo, hindi ko lang maalala kung ano.” Umiling siya, then nagkibit-balikat. “Pero sige. One chance.”
Napahinga ako parang may nabunot na tinik sa dibdib ko.
“Follow me,” dagdag niya, sabay talikod.
Hindi na ako nagdalawang-isip. Sumunod ako agad, pilit pinapakalma ang sarili ko sa bawat hakbang. Habang naglalakad kami sa loob ng Hayes Towers, ramdam ko ang bigat ng lugar, glass walls, marble floors, people in suits na parang laging may hinahabol na oras. This wasn’t just a company. This was power.
Pumasok kami sa private elevator na para lang sa CEO. Tahimik. Tanging tunog lang ng pag-angat namin ang maririnig. Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin, kalma sa labas, gulo sa loob.
Para kay Dray. Para sa pamilya ko. Para matapos na ito, paulit-ulit kong paalala sa sarili ko.
Pagdating sa taas, huminto si Romy sa isang pinto. CEO’s floor. He knocked once, then opened it slightly.
“Boss,” sabi niya. “May gustong kumausap sa ’yo.”
Narinig ko ang boses ni Uno mula sa loob. Mababa. Pero controlled. “Who?”
Tumagilid si Romy para makita ako. “The dancer. ’Yung kagabi.”
Saglit na katahimikan bago nagsalita si Uno.
“Let her in.”
Bumukas ang pinto nang tuluyan.
Pumasok ako, ramdam ang biglang pag-init ng hangin kahit malamig ang aircon. Nandoon siya, nakatayo sa may bintana, hands in his pockets. Tall. Broad shoulders. The same commanding presence, pero mas intense sa liwanag ng araw.
Humarap siya sa akin. At sa isang iglap, alam kong huli na ang lahat. Dahil sa paraan ng titig niya, hindi na lang iyon basta pagnanasa. May halong pagtataka at pagkadi–gusto.
One corner of his mouth twisted upward in a sarcastic smile. “Sit,” utos niya, calm but cold
.
Umupo ako sa upoan sa harap ng mesa niya, tuwid ang likod, magkakrus ang mga kamay sa kandungan.
He smiled drily. “You said last night you weren’t interested,” sabi niya, diretso. “So why are you here?”
Tumingin ako sa kanya, walang iwas.
“Because I changed my mind.”
Tumahimik siya kasabay ang pagkunot ng noo. Lumapit nang isang hakbang.
“At dahil,” dugtong ko, ramdam ang panginginig sa dibdib ko pero hindi sa boses, “handa na akong pumasok sa buhay mo, Kendrick Iñigo Hayes.”
Lalong lumunot ang noo niya, bahagyang ngumiti, hindi masaya, kundi delikado.
“You have no idea,” sabi niya nang marahan, “what you’re walking into.”
Hindi ako umiwas ng tingin. “Meron,” sagot ko. “And I’m still here.”
Isang sarkastikong ngiti ang sumilay sa labi ni Uno. Humakbang siya palapit sa akin, his hands still on his pocket. Huminto siya sa likod ko. Masyadong malapit. Then he leaned in, ang hininga niya dumampi sa gilid ng tenga ko.
“I’m not interested anymore,” bulong niya, malamig. Walang emosyon. “Sinabi ko na ’yan kagabi.”
Napasinghap ako hindi dahil sa sinabi niya kundi sa mainit na hanging dumampi sa balat ko, para akong nakukuryente pero hindi ako gumalaw.
“Minsan lang ako mag-offer,” dugtong niya, mas mababa ang boses, pero mas matalim. “At hindi ako naghahabol. Lalo na sa kagaya mong mababang uri.”
Napasinghap ako, mabilis at pilit. Napakapit ang kamay ko sa armrest ng upuan. Ramdam ko ang lamig ng leather, ramdam ko rin ang panginginig ng mga daliri ko kahit ayokong aminin.
Sanay ako sa foul words. Sa pangmamaliit. Sa mga lalaking akala mo kung sino. Pero iba kapag ang lalaking ito ang nagsasalita.May kasabihan nga—walang buto ang dila. Pero sa bawat salitang binibitawan niya, parang may nababasag sa loob ko. Hindi lang pride. Hindi lang ego. Parang buong pagkatao ko.
I swallowed hard.
No. Hindi ako pwedeng bumigay. Lalong hindi sa harap niya.
Huminga ako nang malalim, saka dahan-dahang tumayo. Narinig ko ang bahagyang galaw ng upuan, ang katahimikang bumalot sa pagitan namin. Hinarap ko siya nang taas-noo, kahit may kirot pang humahapdi sa dibdib ko.
Inayos ko ang pagkasukbit ng sling bag sa balikat ko, isang simpleng galaw, pero sinadya kong kalmado. Kontrolado. Parang wala akong narinig. Parang wala akong naramdaman.
Then I smiled.
Isang ngiting alam kong ikakainis niya, seductive, composed, parang ako pa ang may hawak ng sitwasyon.
“Funny,” sabi ko, steady ang boses ko kahit may bahagyang gaspang. “You talk like you’re untouchable.”Kumunot ang noo niya, pero hindi ko iniwas ang tingin ko.
“Don’t worry,” dagdag ko, bahagyang inilapit ang mukha ko sa kanya. “I didn’t come here to beg.”
Tumayo siya nang tuwid, para bang pinapakita niyang siya ang superior sa amin. Pero hindi ako umatras.
“I came here,” dugtong ko, ang ngiti ko bahagyang lumalim but still calm, “because men like you always think you’re in control… until you’re not.”
Saglit na katahimikan. Mabigat. At ramdam kong delikado.
Sa titig niya, alam kong tinamaan ko siya, kahit konti lang. Ang ego niya. At sapat na iyon para ipaalala sa sarili ko.
Hindi ako ang durog dito. At hindi ako basta-basta lalabas nang talunan.
Isang nang–uuyam na ngiti ang kumurba sa labi ni Uno, parang ako ang pinakamababang nilalang na nakikita niya.
“Matapang ka,” sabi niya, malamig ang boses. “Ikaw pa lang ang hooker na nakilala kong may lakas ng loob.”
He said it disgustedly, may kasamang iling ng ulo. Para bang kadiri akong tingnan. Pagkatapos, tumingin siya sa pinto, parang tapos na ang usapan.
“You can leave. I’m a working man. Wala akong panahon sa mga taong nagbebenta ng tawag ng laman. Maghanap ka na lang ng iba." Sabi nito sa kalmadong tinig. But irritatiom crossed his face at my calmness.
Pero ang totoo parang may humigpit sa dibdib ko.
Unbelievably, napapikit ako nang mariin. Mahigpit kong kinuyom ang mga kamao ko sa tagiliran, ramdam ko ang panginginig ng katawan ko, hindi sa takot, kundi sa galit. Ilang segundo akong huminga nang malalim bago ako nagmulat.
When I looked at him again, firm na ang mga mata ko. Hindi ako uurong. Hindi ako padadaig sa lalaking ito.
I lifted my chin and smiled, sharp, and cutting.
Hindi ko mapigilan ang galit na umaahon sa dibdib ko but still I stood my ground. Hindi ang mga salita niya ang dudurog sa akin. “Look who’s talking,” matalim kong sagot. “Coming from you? Ikaw rin naman ang bumibili ng mga ‘nagbebenta ng tawag ng laman na sinasabi mo.’”
Lumapit ako ng isang hakbang. “Huwag kang magpakalinis, Mr. Hayes. Wala tayong pinagkaiba.” dagdag sabi ko sa kunwaring kalmanteng tinig gayong ang buong pagkatao ko ay nagliliyab na sa apoy ng galit.
Nagtagis ang mga bagang nito, pero hindi ako papa–awat.
“Wala akong pakialam kung ano ang tingin mo sa akin,” dugtong ko. “Hindi ko kailangang magpa-impress para magustuhan mo ako.”
Sinadya kong tumayo nang mas tuwid. Ramdam ko ang bigat ng tingin niya.
“Isang kembot ko lang,” sabi ko, mabagal at may diin, “all men go crazy. And don’t pretend you’re not one of them.”
Then, nahuli ko ang mga mata niya, unti-unting bumababa sa cleavage ko Halos lumuwa ang dibdib ko sa hiwa ng damit, at sinadya ko talagang isuot ito ngayon.
Kinibot ko ang labi ko sa isang mapanuyang ngiti.
“Oh?” sambit ko. This time, buong kapangahasan na bumaba ang mga mata ko, diretso sa pagitan ng mga hita niya. Naka-black pants siya, at kitang-kita ko ang ebidensiyang pilit niyang itinatago.
“Your hard, Mr. Hayes,” sabi ko, I smiled derisively.
Nagliyab ang mga mata niya. Marahas kong itinulak ang upoan palayo, siniguradong tatama sa kanya. Umalingawngaw ang tunog sa silid. Kita ko ang galit na kumawala sa mukha niya.
But I didn’t care.
Kung ito ang paraan para gumanti sa bawat salitang ibinato niya sa akin, then I’ll take it. Kahit sa sandaling ito lang, hindi niya ako kayang yurakan.
Papahakbang na ako patungo sa pinto nang bumukas ang pinto. Pumasok si Romy.
Hindi ko ipinahalata ang anumang nararamdaman ko. Taas-noo pa rin ako habang binigyan ko ng mahinang ngiti ang matandang lalaki, magalang, at kontrolado, parang walang nangyari ilang sandali lang ang nakalipas.
Nasa bungad na ako nang marinig kong magsalita si Romy.
“Boss, nagsimula na po ang audition.”
Huminto ang mga paa ko.
“Tinutoo po ng lolo ninyo ang paghahanap ng mapapangasawa ninyo,” dugtong niya, parang simpleng report lang. “Mukhang mag-aasawa na talaga kayo.” may tawa sa tinig ni Romy.
Nagkibit–balikat lang ako. Narinig kong nagmura si Uno, pero hindi ko na nilingon. Wala na akong lakas para doon. Ayoko nang bigyan ng espasyo ang presensya niya sa isip ko.
Pagkalabas ko ng silid, napasandal ako sa dingding. Napahawak ako sa dibdib ko, huminga nang malalim, pero parang kulang pa rin ang hangin.
For a second, parang gusto kong umiyak.
Pero hindi pwede. Hindi umiiyak ang isang Rosa Noir. Hindi sa lugar na ito. Hindi sa harap ng mundong sanay manghusga.
Pinilit kong ituwid ang likod ko at humakbang, nang bigla akong mapahinto.
May nasalubong akong matandang lalaki na may hawak na tungkod. Mabagal ang lakad pero may bigat ang bawat hakbang. Kahit puti na ang buhok at bakas na ang edad sa mukha, hindi maikakaila ang tikas niya. May mga bodyguard na kasunod, tahimik pero alerto.
Tumigil siya sa harap ko.
Kumunot ang noo niya habang nakatitig sa akin, hindi bastos, hindi mapanghamak. Parang may alaalang biglang nabuksan, isang piraso ng nakaraan na pilit niyang binabalikan.
His eyes studied my face, my posture, like he was seeing someone else through me.
Nanlamig ang batok ko. Hind niya ako pwedeng makilala, meron pa akong lihim na hindi pwede malaman.