Chapter 03: Walang choice

1848 Words
Chapter 03 SIENNA NAPABALIKWAS ako ng bangon sa kama. May naririnig akong tumatawag sa panglan ko. “Enna!” May halong iyak ang boses. Hindi ito panaginip. Totoo. Nagmumula sa sala. Mabilis kong nilingon ang tabi ko, wala na si Dray. Kahit magulo ang buhok ko at naka-pantulog lang, tumakbo ako palabas ng kwarto. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto. Isang malamig na bakal ang tumama sa sentido ko. Baril. Hindi na nag-isip ang katawan ko. Instinct na ang nagpagalaw sa akin. Sinapol ko ang pulsuhan ng lalaking may hawak ng baril, isang mabilis na knife-hand strike. Nabitiwan niya ang armas. Umiwas ako, sumipa nang pahalang sa tuhod ng pangalawang lalaki. Narinig ko ang ungol bago siya bumagsak. Isang ikot, siko sa panga, bumagsak ito. Isang sipa pa sana ang gagawin ko pero may sumigaw. “Enough.” Humihingal akong napahinto, pawisan.Ang boses ni Dolf agad akong napalingon sa kinaroroonan nito. Naupo siya sa pang–isahang sofa, parang hari sa sariling trono. Nakapandekwatro. Relaks. Nakangiti, pero walang saya At ang halos ikapanlaki ng mga ko. Ang anak ko. Tahimik lang siya. Hindi umiiyak. Diretso ang likod kahit may baril na nakatutok sa ulo niya. Matapang ang mga mata, masyadong matapang para sa batang gano’n ang edad. Sa gilid, si Ate Lorena. Nakaupo sa wheelchair niya. Impit ang iyak. Nanginginig ang mga kamay. May isa pang baril na nakatutok sa sentido niya. Parang may humigpit sa dibdib ko hanggang hindi na ako makahinga. Alam ni Dolf ang kahinaan ko, kaya ito lagi ang pinanlalaban niya sa akin. Kapag gusto niya akong durugin, hindi ako ang pinupuntirya niya, kundi ang mga mahal ko sa buhay. Kumuyom ang panga niya. Galit siya. Ramdam ko at alam ko kung bakit siya galit na galit.“Tinanggihan mo si Hayes,” singhal niya, halos pumutok ang ugat sa leeg sa galit. Hindi iyon tanong, kundi pahayag. Nilunok ko ang laway ko. “Hindi ko kaya.” Isang hakbang palapit. “Hindi ko kayang makipag-s*x sa kanya,” dugtong ko, nanginginig ang boses pero hindi umatras sa kanya. “Hindi lahat nabibili ng pera.” Tumawa siya, isang maikling tawa na walang saya. “Boba,” mura niya. “Feeling virgin. Arte-arte ka akala mo kung sino.” Tumayo siya, dahan-dahan. “Pera na naging bato pa. Kalahati na sana ng utang ng tatay mo ang mabayaran mo. ’Yong kalahati? ’Yon ang pinapagawa ko sa’yo.” Itinuro niya ako. “Usapan natin ito, Enna. Kailangan mong makapasok sa buhay niya.” “Hindi ko kaya,” ulit ko. “Kahit anong gawin mo—” Biglang bumagsak ang palad niya sa mesa, halos magpatapunan ang nasa ibabaw nito. “Kaya mo.” Sumigaw siya. “At gagawin mo.” Lumapit siya sa anak ko, idiniin nang bahagya ang baril. Napasinghap ako. “Kapag hindi mo ginawa,” sabi niya, mababa pero malinaw, “baka bangkay na lang ang makita mo sa tatay mo.” Sumulyap siya kay Ate Lorena. “O kahit sinong mahal mo sa buhay. Random. Walang schedule. Isa–isahin ko kayo.” Parang nanlabo ang paningin ko. “Huwag sila,” pakiusap ko, halos pabulong. “Ako na lang.” Ngumisi siya, ngising demonyo. “’Yan ang gusto kong marinig.” Humakbang siya palayo, patungo sa pinto. “May palugit ka,” dagdag niya. “Pero huwag mong subukan ang pasensya ko.” Tumingin siya sa akin, diretso sa mata. “Dahil sa susunod, hindi na ako magbibigay ng warning.” Nanatili akong nakatayo roon. Nanginginig hindi dahil sa takot kundi sa galit. Deep inside me, iisa lang ang malinaw. Hindi na ito basta laro ng pera at kapangyarihan. Ito na ang digmaan para sa buhay ng pamilya ko. Nang tuluyang mawala ang grupo ni Dolf, doon bumigay ang tuhod ko. Parang may humila pababa sa buong katawan ko habang lumuluhod ako sa harap ni Dray. Nanginginig ang kamay ko habang hinahaplos ang mukha niya, ang braso, ang leeg, halos baliwin ang sarili ko kakahanap ng kahit isang gasgas. “Ma,” sabi niya agad, umiling. “I’m okay.” At bago pa ako makapagsalita, niyakap niya ako nang mahigpit. “Ang galing mo, Ma,” bulong niya, may kakaibang pride sa boses. “You fought the bad guys.” At tuluyang akong napaluha. Binuhat ko siya, isinubsob ang mukha ko sa balikat niya, parang doon lang ako humihinga ng maayos. Bata pa siya, pero ang tapang ng loob niya, mas matapang pa kaysa sa mga lalaking may hawak ng baril kanina. Lumapit ako kay Ate Lorena habang buhat si Dray. Nanginginig pa rin ang kamay niya sa armrest ng wheelchair. Impit ang hikbi niya, parang sinisisi ang sarili sa lahat. “Ate…” agad akong lumuhod sa harap niya. “Pasensya na. Kasalanan ko ’to. Kung pumayag lang sana ako—” Hindi niya ako hinayaang tapusin ang sasabihin ko. Mahigpit niyang hinawakan ang mukha ko, pilit pinapatingala ako kahit nangingilid ang luha niya. “Enna,” mariin niyang sabi, “gawin mo ang gusto niya para hindi na niya tayo gambalain pa.” Tumama sa dibdib ko ang bawat salita ni Ate. Biglang sumingit sa isip ko ang mukha ni Uno kagabi. Ang tahimik niyang galit. ’Yung klase ng galit na hindi sumisigaw, dumadaloy lang sa mata, mabigat, mapanganib. Tinanggihan ko siya, diretso. Walang paligoy. At nakita ko kung paano nagbago ang itsura niya sa isang segundo. Parang may pinutol, may sinarado. Napapikit ako. Sa loob-loob ko, alam ko ang totoo kahit ayokong aminin. Wala akong choice. Hindi titigil si Dolf. Gugulohin niya ako. Kilala ko siya, hindi siya marunong magbiro, at hindi siya marunong maawa. Kung may paraan para matapos ito, isa lang ang sulusyon. Kailangan kong tanggapin ang offer ni Hayes. Kailangan kong pumasok sa buhay niya. Kahit kapalit nito ang sarili ko. WALA na akong sinayang na oras. Pagkatapos kong magbihis, diretso na akong nagpaalam kay Ate Lorena. Mahigpit niya akong niyakap, parang may gustong pigilan pero pinili na lang manahimik. Kay Dray, hinalikan ko ang noo niya at pinangakuan siyang babalik agad. Mabuti na lang at nakauwi na ang bunso naming si Lala, siya muna ang magbabantay kay Dray habang wala ako. “Be good, okay?” sabi ko sa anak ko. Tumango siya, may ngiting pilit pero matapang pa rin. Parang mas ako pa ang kailangan ng lakas ng loob kaysa sa kanya. Sa loob ng taxi, tahimik lang ako. Paulit-ulit sa isip ko ang mukha ni Uno. Ang offer niya. Ang mga mata niyang parang nanlalamon kapag seryoso. This is it, Enna. Walang atrasan. Pagbaba ko sa harap ng Hayes Towers, doon ko napansin ang kakaiba. Maraming tao. Halos puro babae. May matataba, may payat na parang model. May sobrang kapal ng make-up, may halos wala, fresh lang, parang dumaan lang saglit. May naka-mini dress na halos wala nang tinatago, may naka-long dress na parang pupunta sa kasal. Iba-iba ang aura, may kabado, may excited, may mukhang desperado. Hindi ko sana papansinin at dederetso na lang sa entrance, pero may mga bulungan akong narinig. “Sana mapili tayo.” “Imagine, maging asawa ng CEO.” “Grabe, buhay prinsesa ito pag nagkataon.” Napahinto ako. Asawa? CEO? Tumaas ang kilay ko. Curious na kahit ayaw ko. Lumapit ako sa guard sa may pinto. “Kuya,” tanong ko, mahinahon pero diretso. “Anong meron dito?” Sumulyap siya sa mga babae bago bumalik ang tingin sa akin. “Job application po.” “Job…?” Napakunot ang noo ko. “Anong klaseng job?” Medyo napangiti siya, parang sanay na sa tanong. “Mag-a-apply po para maging asawa.” Napatigil ako. “Asawa?” napabulong ako, halos hindi makapaniwala. “Opo. Pakana po ng lolo ng CEO. Gusto na raw mag-asawa ang apo niya. Para may magmana na sa kumpanya.” Parang may malamig na dumaloy sa batok ko. Sa isip ko, dalawa lang ang lalaking apo ng mga Hayes Uno at Dos. Ang alam ko, si Uno ang CEO. Ibig sabihin… Napatingin ulit ako sa hanay ng mga babae. Biglang iba ang bigat ng hangin. Hindi na lang ito tungkol sa trabaho. Hindi na lang tungkol sa offer na tatanggapin ko. This was something else. Baka he will offer me this too. Sa gitna ng gulo, isang malinaw na katotohanan ang tumama sa akin. Kung papasok ako sa buhay ni Uno, hindi lang katawan ko ang nakataya. Buong buhay ko na. Inayos ko ang sarili ko. Straightened my back, lifted my chin, then hinanda ko ang ngiting alam kong lethal, 'yung hindi lantaran, pero may pang-akit. Enough para makalusot. Alam ko na sa ganitong lugar, hindi ka basta-basta makakaakyat kung wala kang appointment. At wala akong appointment. Ang meron lang ako, lakas ng loob, ganda at desperation. Nang may biglang humatak ng pansin ko. Ang matandang lalaking kasama ni Uno kagabi. Nasa ilang hakbang na lang siya mula sa pinto ng entrance. Hindi na ako nag-atubili. I intercepted him, humarang nang bahagya, saka ngumiti, wide, confident, very intentional. “Good morning,” sabi ko, my voice soft but deliberate. Napahinto siya. Sumulyap sa akin mula ulo hanggang paa, hindi man lantaran pero ramdam ko ang paghagod niya sa kabuoan ko. Then sumilay ang pilyong ngiti sa labi niya. “Hi, Ms. Ganda,” sabi niya, may halong biro at landi. “Ako siguro ang type mo noh? Hindi ang boss ko.” Inayos niya ang buhok niya na para bang biglang bumata ng sampung taon, saka iniabot ang kamay. "Romy,” pakilala niya, sabay kindat. “At your service.” Napatawa ako, 'yung totoong tawa pero may kontrol. “Cute ka,” sabi ko, then lumapit nang kaunti. “Pero si Uno ang kailangan ko.” Nakita ko agad ang pagbabago sa mukha niya. Biglang nawala ang ngiti, napasapo pa siya sa noo. “Naku,” sabi niya, halos napailing. “Ayaw na nun. Hindi ’yon naghahabol. Kahit type ka, mabilis magsawa.” Hindi ako umatras. Sa halip, ngumiti ulit ako, mas mabagal, mas maingat. I leaned in just enough para maramdaman niya ang presensya ko. “Please,” sabi ko. “Kailangan ko lang siyang makausap. Tinatanggap ko na ang offer niya.” Napakunot ang noo niya. At may napansin ako sa matanda—that look. Parang may hinahanap sa alaala niya. “Sandali,” sabi niya, titig na titig sa mukha ko. “Parang… nakita na kita.” I furrowed brows. May bahagyang kaba sa dibdib ko kasabay pagkawala ng ngiti sa labi ko. “Saan ba ’yon?” dugtong niya, nakakunot pa rin ang noo. "Nakita na talaga kita—" I straightened, umatras ng kalahating hakbang, pinilit ibalik ang composure. “Kagabi lang tayo nagkita,” agap ko sasabihin niya, diretso. “Kasama si Uno. Please, Romy. Kakausapin ko lang ang boss mo.” Umiling siya, dahan-dahan. “Hindi eh,” bulong niya. “Parang mas matagal na. Parang… matagal na talaga.” Lalong bumigat ang hangin sa pagitan namin. Hindi niya kailangan maalala iyon. Isa lang ang gusto ko. Kailangan kong makapasok sa loob. At kailangan kong makita si Kendrick Iñigo Hayes ngayon na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD