Chapter 02
SIENNA
PAGKABABA ko ng stage, halos salubungin ako ng sigawan sa dressing room.
“Putangina, Enna!” tili ng isa sa mga bakla habang hinahawakan ang dibdib niya. “Men went wild! As in wild!”
“Totoo ’yon,” sabat ng isa pa habang inaayos ang wig ko. “Kapag ikaw na talaga ang sumayaw, parang nauubos ang hangin sa club. Lahat nag-aagawan. Lahat handang maglabas ng pera.”
“Grabe ka tonight,” dagdag pa ng isa. “You owned the dancefloor.”
Napangiti ako. Totoo. Hindi ko itinanggi. Kita ko naman sa sahig ang mga perang naiwan, sa sigawan ng mga lalaki, sa init na naiwan sa balat ko.
Pero habang nakatingin ako sa repleksyon ko sa salamin, sa make-up na perpekto, sa matang kumikislap sa ilaw, alam kong hindi nila nakikita ang nasa loob ko.
Isang taon na akong nagsasayaw. Isang taon na akong tumatayo sa gitna ng liwanag. Pero bawat gabi, pakiramdam ko may sinusunog sa loob ko. Parang unti-unting tinutupok ang kaluluwa ko.
Hindi nila ako hinahawakan. Hindi nila ako nakukuha.
Pero sa mata ng mundo, pareho lang ang tingin nila sa akin.
Pokpok.
Whore.
Hooker.
I know someday makakaalis ako rito. Hindi habangbuhay ganito. Pero sa ngayon, sasakyan ko muna ang mundong ito. Kahit masakit. Kahit madumi.
Sa salamin, nakita kong bumukas ang pinto at pumasok si Jeric. May dala siyang ngiting tagumpay. Iyong ngiting parang nanalo siya sa pustahan.
Sumenyas siya sa mga bakla. “Guys, out muna.”
Walang tanong-tanong, agad silang lumabas. Nang magsara ang pinto, pakiramdam ko bumigat ang hangin.
Lumapit siya sa likod ko. Tumayo doon. Hinaplos ang balikat ko, dahan-dahan, pababa sa braso. Yumuko siya at bumulong sa tenga ko.
“You are so perfect,” sabi niya. “You did great.”
Nanigas ako.
“Tagumpay ang pang-aakit mo kay Uno,” dugtong niya. “Gusto ka niyang makausap.”
Napalingon ako. “Saan?”
“VIP room.” Ngumiti siya. “Room 05.”
May kung anong kumabog sa dibdib ko.
“Sakyan mo lahat ng gusto niya,” dagdag niya, kaswal na parang nag-uutos lang ng kape. “Pera ’to, Enna. Big money.”
Huminto siya sandali, saka idinugtong ang mga salitang nagpamanhid sa katawan ko.
“This time… you can cross your line.”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. “Ano?” Napaatras ako at agad na tumayo. “Anong ibig mong sabihin?”
Mababaw siyang tumawa. “Pwede mong gamitin ang katawan mo ngayon. Mas malaki ang makukuha mo. Mayaman ’yon. Gwapo. At let’s be real, kahit sinong babae, hindi tatanggi sa isang Hayes.”
Parang may humila pababa sa sikmura ko. Paano niya nagagawang sabihin ito sa akin? Nababaliw na ba siya?
“Hindi ito ang usapan,” mariin kong sabi. “Akit lang. Walang kama. Alam mo ’yon.”
Tumaas ang boses niya. “Mahal kita, Enna. Pero sa panahon ngayon, dapat practical na tayo.” Humakbang siya palapit. “Ano ba ang ayaw mo? Hindi mahalaga sa akin ngayon kung may sisiping sayo. Open-minded akong tao. Dapat ikaw din.”
Napailing ako, hindi makapaniwala. Boyfriend ko siya, pero parang ibinibenta niya ako. Hindi naman siya ganito kahit walang nangyayari sa amin. Hindi rin ito pumapayag na pakialaman ako ng ibang lalaki.
“Gawin mo ang inuutos ni Dolf,” dugtong niya, mas seryoso na. “That’s the only way para makapasok ka sa buhay niya. And don’t forget, pamilya mo ang nakataya.”
Tumalikod siya, parang tapos na ang usapan.
“Hindi sapat ang akit lang, Enna,” sabi niya sa huling pagkakataon. “I know that man. Puntahan mo siya sa Room 05. He’s waiting.”
Parang sasabog ang dibdib ko sa inis. I know, liberated si Jeric. Pero ako? Hindi.
No way na mauuwi ito sa kama. Pero wala rin akong lakas para tumanggi. Inayos ko ang sarili ko. Isinuot ulit ang maskara, ang ngiting sanay na sanay na akong isuot.
Paglabas ko ng dressing room, alam kong isa na naman itong gabi na lalabas akong buo sa panlabas, at basag na basag sa loob.
I took a slow, steady breath before humakbang palapit sa Room 05. Kalma lang, Enna.
Pagdating ko sa tapat ng pinto, dalawang lalaki ang naka-standby. Isang may edad na, gray na ang buhok, matalim ang mata. Ang isa naman, mukhang nasa late thirties, tahimik lang pero alert.
Tumigil ang titig ng matanda sa mukha ko. Hindi bastos. Parang… nagulat. Parang may hinahalungkat sa alaala.
Saglit lang. Umiling siya, parang pinagtatabuyan ang naisip.
“Naghihintay ang boss ko sa loob,” sabi niya sa wakas, mababa ang boses.
Tumango ako. Binuksan ko ang pinto. Sa unang hakbang ko pa lang sa loob, bumigat na agad ang hangin.
Nakaupo siya sa sofa, relaxed pero dominado ang buong silid. Parang hari sa sariling kaharian. Isang kamay may hawak na wine glass, ang isa nakapatong sa sandalan. Suot pa rin ang dark tailored suit na suot niya kanina, walang kurbata, bukas ang leeg. Broad shoulders. Solid ang tindig, pero ramdam mo agad, this man owns rooms.
Gwapo talaga siya. Hindi lang sa mukha, sa presensya. Sa paraan ng pag-upo niya na parang wala siyang kailangang patunayan. Ang mga mata niya… madilim. Parang kaya kang hubaran kahit hindi ka ginagalaw.
“Sit,” utos niya, diretso.
Smile, Enna, sabi ko sa sarili ko.
Lumakad ako palapit, diretso ang likod, kontrolado ang galaw. Kahit nanginginig ang loob ko, hindi ko pinahalata. Umupo ako sa tapat niya, crossed ankles muna, demure sa panlabas.
Inabot niya ang wine glass. “Drink.”
Umiling ako. “I don’t usually drink.”
May naghihintay sa’yo sa bahay, paalala ng isip ko. Ang anak mo.
Pero kinuha ko pa rin ang baso. Isang maliit na sip lang. Just enough. Hindi niya inalis ang tingin niya sa akin.
Sinundan ng mata niya ang mukha ko, pababa sa leeg, sa dibdib ko na halos hindi na maitago ng tela. Ramdam ko ang bigat ng tingin niya. Napalunok siya, kitang-kita ang paggalaw ng Adam’s apple niya.
Bumaba pa ang mata niya sa bewang ko. Sinadya kong i-cross ang legs ko.
Mas lalo siyang napatuwid ng upo. Dinala niya ang wine sa bibig, nilagok.. Muli kong nakita ang pag-igting ng leeg niya. Fascinatingly male. Hindi ko alam kung bakit, pero sandaling napatitig din ako.
At doon nanumbalik sa akin ang alaala.
Five years ago.
Malamlam ang ilaw.
I wore a black eye mask that night.
Siya ang lalaking kumuha ng virginity ko, at hindi man lang ako naaalala.
He cleared his throat before he spoke.
“Magkano ang isang gabi mo?”
I stilled and speechless. “Handa akong magbayad,” dugtong niya, walang emosyon. “Ibuka mo lang ang mga hita mo at papasukin ako.”
Shock written all over my face. Mas lalo akong hindi nakapagsalita, hindi ko inaasahan na ganoon siya ka prangka.
Tumagilid siya ng ulo, parang naiinip. “Hindi kita pinatawag para sa sweet talk. I need someone who can satisfy my needs as a man. Wala akong asawa dahil ayokong may commitment. Ang kailangan ko lang, isang babaeng pwedeng labasan ng init ng katawan ko.”
Tinitigan niya ako, diretso. “At ikaw ’yon. You woke something in me. So tell me, how much?”
Mapait akong natawa nang makabawi ako sa pagkatulala ko. Hindi dahil nakakatawa, kundi dahil pamilyar. Linyahan ng mga lalaking ilang beses na nag–offer sa akin pero sasabayan ko siya.
“Mahal ako,” sabi ko, mabagal pero malinaw. “Pero hindi ako binebenta ng ganun-ganun lang.”
Tumawa siya, mababa. “Kahit magkano pa ’yan. I can afford you.” Sumandal siya, kampante na kampante. “So when are you free? Now works for me. Be my bed warmer."
May ngiti sa labi niya, agresibo, sanay manalo.
“May anak ako,” bigla kong sabi. “At hindi ako virgin kung ’yon ang hanap mo.”
Kumibot ang labi niya, parang aliw. “Clean ka naman, ’di ba?” Tumitig siya nang mas matalim. “May medical records ka? Every w***e should have one.”
Parang sinadya niyang idiin ang salita 'whore.'
“Sabi sa akin,” dugtong niya, “never ka pang nakipag–siping sa ibang lalaki. So that means one thing, walang kumakamada sa’yo. Malinis ka. I won’t catch anything, like sakit kung meron ka man—” He paused, saka ngumiti. “Besides… your body? Nakakabaliw. Parang ang sarap mong parausan.”
Tumama ang bawat salita niya na parang kutsilyo sa dibdib ko. Natahimik ako. Hindi dahil wala akong sasabihin, kundi dahil masakit at nakakainsulto. Hindi ko alam kung bakit mas masakit ito kaysa sa lahat ng narinig ko noon.
Huminga ako nang malalim.
Tumayo ako nang bahagya sa kinauupoan ko, diretso ang likod, matalim ang tingin.
“Huwag mo akong tawaging w***e,” sabi ko, mababa pero matigas. “Hindi mo alam kung saan ako nanggaling. Hindi mo alam kung bakit ako nandito.”
Lumapit ako ng kaunti. Hindi para umakit, kundi para ipagtanggol ang sarili ko.
“Kung akala mo pera lang ang sukatan ng halaga ng babae,” dagdag ko, “then you’re richer than most men, but poorer than you think.”
Natahimik ang buong silid.
Then, biglang umalingawngaw ang isang paos at mapait na tawa sa buong loob silid, walang humor. Parang galit na pilit pinipigilan.
Nakita ko ang pagbabago sa mga mata niya, may gumuhit na apoy, may iritasyon, parang tinamaan ang ego. Tumawa siya habang nakatitig sa akin, pero ang panga niya, mahigpit.
“Don’t play games with me, girl,” sabi niya, mababa pero mabigat. “Kung hindi ka w***e, ano’ng ginagawa mo rito?” he snapped, hindi inaalis ang titig sa akin. “Nagsusuot ka ng ganyan. Sumasayaw ka sa harap ng mga lalaking hayok na hayok sa tawag ng laman.” Bahagya siyang ngumisi. “Tapos sasabihin mo sa akin you’re not a w***e?”
Tumawa ako. Hindi dahil nakakatawa, kundi dahil nakakapagod. Ipaglaban ang sarili mo sa mga taong kagaya nito.
“I don’t need to explain myself,” sagot ko, diretso.
Mas lalong tumalim ang mga mata niya. Kumuyom ang kamao niya sa inabaw ng mga hita niya. Kita ko, tinamaan siya. Hindi siya sanay na sinasagot. Hindi sanay na tinatanggihan.
Huminga siya nang malalim, saka muling sumandal, parang pilit binabawi ang kontrol.
“I need an answer now,” sabi niya, malamig na. “Ayoko ng bukas. Ayoko ng next time. Mainipin ako.”
Inangat niya ang baba, parang hari na nagbibigay ng hatol.
“Magkakaroon tayo ng contract. I can break it anytime kapag nagbago ang isip ko. Mabilis akong magsawa, lalo na kapag boring—” Saglit siyang huminto. “Pero ikaw? Wala kang karapatang baliin ang usapan natin.”
Napatawa ako ulit. Hindi ko napigilan. Grabe ang apog ng lalaking ito, ang lakas.
Arogante. Sanay masunod. Iyong klase ng lalaking nasanay na lahat nabibili, tao man o desisyon.
Bubuka pa sana ang bibig ko, pero naunahan niya ako.
“Decide now,” mariin niyang sabi. “Dahil wala na ito bukas. Kahit gaano pa ako natakam sa’yo, I will never ask again.” Tumingin siya sa relo niya, saka bumalik sa akin. “Sumagot ka habang interesado pa ako.”
Natahimik ako. Hindi dahil natakot ako, kundi dahil bumalik ang isang alaala.
Ganito rin ang sinabi noon.
Sa isang probinsya nagtago kami noon. Utang na hinahabol kami kahit saan kami magpunta. Mayor ang lolo niya. May-ari ng batis sa Sapang Bato. Ang mga Hayes, pinaka-mayaman sa buong bayan. Kontrolado nila lahat. Bukod sa yaman nila dito sa Maynila, may yaman din sila sa probinsiya.
Nakita ko na siya noon. Hindi niya lang ako naaalala.
Si Tiyang Amy, nagtatrabaho sa mansyon nila. Minsan, sinasama ako kapag nagdadala siya ng labada. Tahimik lang ako noon. Nakayuko lagi parang si Sadako. Takot akong makita ng pinagkaka–utangan ni Papa.
Kilalang babaero siya, kasama ang kakambal niyang si Dos.
May palatandaan sila kaya hindi ko sila kailanman napagkamalan. Si Dos, laging naka-army cut, may maliit na bilog na balat sa kamay. Kulay pula iyon.
Si Uno, palaging neat look ang buhok, classic side-part na parang hindi nawawala sa ayos kahit anong oras. Laging mukhang handang humarap sa mundo.
Ngayon, nasa harap ko siya. Pareho pa rin ang tindig. Pareho pa rin ang yabang. Tumingin ako sa kanya, diretso. “At kung tumanggi ako?” tanong ko, kalmado.