Chapter 01
SIENNA
NAKATAYO kami sa may mezzanine ng bar. Isang makapal na glass wall lang ang pagitan namin at ng chaos sa baba, music pounding, ilaw na parang walang pakialam kung sino ang masilaw, mga taong sumasayaw na parang walang bukas.
VIP tables. Bottles. Laughter that sounded too loud to be real.
Katabi ko si Jeric.
Suot niya ang itim na long-sleeve na madalas niyang isuot kapag gusto niyang magmukhang untouchable. Bukas ang leeg, relaxed pero calculated. Matangkad siya, lean, may dating, 'yong klase ng lalaking alam kung paano gamitin ang itsura kapag kailangan. And yes, gwapo si Jeric. Hindi niya kailangang sabihin. Ramdam mo na alam niya.
May itinuro siya sa baba.
“See that guy?” sabi niya, kalmado. Parang nag-uusap lang kami tungkol sa panahon.
Sinundan ko ang daliri niya.
Sa VIP table. Ilang lalaki, lahat mukhang sanay sa power at pera. Pero kahit marami sila, malinaw kung sino ang sentro.
Naka-suot pa rin ng suit—CEO suit. Sakto ang bagsak ng tela sa balikat niya, parang custom-made. Kahit nakaupo lang, may bigat ang presensya. Hindi siya maingay. Hindi siya nagpapakitang-gilas. Pero automatic, napapatingin ka.
Clean jaw. Fresh shave. Isang kamay sa baso, relaxed pero alert. Sanay masunod, kita sa galaw niya, sa tindig, sa aura.
Hindi mo kailangang lapitan para malaman na delikado siya.
“Kendrick Iñigo Hayes,” sabi ni Jeric.
Napalingon ako sa kanya. “And?”
Bahagya siyang ngumiti. At hindi ko nagustuhan.
“Anak ng bilyonaryo. CEO ng isa sa pinakamalaking construction firms. Local. International—” Huminto siya sandali, parang sinasadya. “And yeah, playboy. Pero selective.”
Biglang bumigat ang hangin sa pagitan namin.
“Bakit mo ’yan sinasabi sa ’kin?” tanong ko, curious run over my body.
Humarap siya sa akin. Wala na ang lambing. Wala na ang Jeric na kilala ko.
“Akitin mo siya.”
Parang may sumakal sa lalamunan ko. My eyes wider in shock. “What?” napabulalas ako, hindi makapaniwala.
“Akitin mo siya, Enna.” Walang emosyon at wala kang mahihimigan na biro sa tinig ni Jeric.
Isang taon na kaming may relasyon ni Jeric, maluwag siya sa akin. Hindi rin siya seloso kahit maraming lalaki ang humahanga sa akin, para sa lalaki purely business lang sa madaling salita mukhang pera si Jeric. Isang buong taon na magkasama kami at ni minsan, hindi ko ibinigay ang sarili ko sa kanya. Hindi dahil ayaw niya, kundi dahil ayaw ko at nerespeto ni Jeric iyon. Boundary ko ’yon. Kahit may anak na ako. Kahit paulit-ulit kong tinanggihan ang ideya ng s*x. Tinanggap niya lahat.
Kaya ngayon, parang ibang tao ang kaharap ko.
“Why?” halos pabulong kong tanong.
Lumapit siya. Binaba ang boses.
“Maganda ka,” sabi niya, diretso, walang paligoy. “You know that. Alam mo kung ano ang epekto mo sa mga lalaki. Lapitan mo ’yan, Sienna. He won’t say no.”
Nanigas ako. Hindi ko gusto ang direksyong ito. Hindi ko gusto ang ideya.
“Para makabayad ka sa utang mo kay Dolf,” dagdag niya. “Para sa tatay mo.”
Parang may pumiga sa dibdib ko. Walang lumabas na salita. Gulat lang. Galit. Pakiramdam ng pagtataksil.
“Hinding-hindi ka yayaman sa kakasayaw mo dito,” tuloy niya. “Pero kung mahuli mo ’yan… malaki ang kapalit. Unti-unti kang makakabangon. I’ll pay you too. Just do what Dolf wants.”
Bumalik sa tenga ko ang boses ni Dolf. Malinaw. Malamig.
Gagawin mo ang ipapagawa ko. Amanos na tayo.
Kaya pala.
Si Kendrick pala ang target ngayong gabi.
Napatingin ulit ako sa baba. Mas kilala ko siya bilang Uno.
Nakatayo na siya ngayon, kausap ang isa sa mga lalaki. May ngiting suot, hindi ko alam kung totoo o matagal na lang niyang sinasanay isuot.
At biglang sumikip ang dibdib ko.
Dahil bumalik sa isip ko ang sikreto ko. Limang taon na. Isang gabing hindi ko pa nasasabi kahit kanino.
Kapag nalaman nila, hindi lang buhay ko ang magugulo.
Pati buhay ng anak ko at ayokong mangyari iyon.
HAHAKBANG na sana ako palabas pero bago pa ako tuluyang makalayo sa mezzanine.
“Five minutes,” sabi ni Jeric, malamig ang tono. “Ayusin mo ’yang sarili mo.”
Huminto ako.
“Live show na. You know the drill.” Lumapit siya, hinawakan ang balikat ko, hindi mahigpit, pero sapat para ipaalala kung sino ang may kontrol sa aming dalawa. “Kailangan maganda ka. Kaakit-akit. First night ni Uno dito sa club natin, Enna. So give him a reason to look at you.”
Napapikit ako sandali.
“Galingan mong sumayaw,” dagdag niya. “Kailangan ma-hook siya. Wala kang choice. Hindi lang ako ang sinusunod mo, kundi si Dolf din.”
Binuka ko ang bibig ko para sumagot, pero walang lumabas.
“Kailangan mong mapalapit sa kanya,” sabi pa niya. “Whatever it takes.”
Tumango na lang ako. Hindi dahil gusto ko. Kundi dahil wala akong ibang magawa.
Hawak sa leeg ni Dolf ang buhay ng tatay ko. Milyones ang utang niya, utang na hindi namin kailanman mababayaran kung kami-kami lang. Apat kaming magkakapatid. Ako ang pangalawa.
Ang ate ko—PWD. Hindi na nakalakad mula nang tamaan ng sakit na polio noong bata pa siya. Ako, undergrad. Huminto ng ilang taon sa pag-aaral. Ang pangatlo, nasa kolehiyo, ako ang nagbabayad ng tuition niya. Ang bunso, nasa high school pa lang.
At may anak ako. Apat na taong gulang. Isang batang lalaki na umaasa sa akin sa lahat ng bagay.
Karate instructor ang Papa ko. Siya ang nagturo sa akin, disiplina, control, how to strike, when to stop. Umabot pa ako sa black belt. Kaya karamihan sa mga lalaki dito, umiiwas sa akin. They know I can break bones if I want to.
Pero kahit gaano ka pa kalakas, may kahinaan ka pa rin.
Iniwan kami ng nanay ko. Sumama sa isang mayamang matandang Amerikano. Siguro napagod sa responsibilidad. Dahil kung pagtuturo lang ng karate ang aasahan namin sa Papa Theo ko, hindi talaga kakasya.
Pag-alis niya, gumuho ang mundo ni Papa ko. Nalulong sa bisyo, laging lasing. And worst naging sugarol pa. Sa pasugalan pa mismo ni Dolf.
Doon nagsimula ang lahat ng kalbaryo ko.
Sa edad na labing-walo, ibinenta ko ang sarili ko sa isang bilyonaryo sa tulong ng bugaw na kapitbahay namin. Isang milyon ang kapalit ng virginity ko dahil iyon daw ang hinahanap nung lalaki, pero kulang pa rin pambayad sa utang. Isang gabi. Isang silid. Isang lalaking hindi ko na muling nakita.
At isang batang nabuo.
Siya ang naging dahilan kung bakit ako bumabangon araw-araw. Siya ang dahilan kung bakit hindi ako pwedeng sumuko.
Isang taon at kalahati na ang nakalipas nang ligawan ako ni Jeric. Isa siya sa mga tao ni Dolf. Mabait siya, o gano’n ang akala ko noon. Tinulungan niya akong makabalik sa pag-aaral. Sa umaga isa akong estudyante, sa gabi ibang tao ako.
Ang kapalit ng tulong niya? Sumayaw ako sa club niya.
Noong una, ayoko. Pero kailangan ko ng pera. Kailangan kong mabuhay.
At nang magsimula akong sumayaw, biglang dumagsa ang mga lalaki. Lumaki ang club. Dumami ang VIPs. Naging sentro ako ng atensyon. Tinawag nila akong star dancer.
Pero malinaw ang rules ko.
You can watch. You can fantasize my body.
Pero bawal akong hawakan. Bawal akong i–table. Bawal ang private room. At lalong bawal ang s*x.
Sayaw lang. Always.
Tinanggap nila ’yon. Dahil kahit bawal, sapat na raw akong tingnan ng mga lalaking hayok sa tawag ng laman.
Huminga ako nang malalim habang papasok sa dressing room. Hinubad ko ang jacket ko, tumingin sa salamin.
Hindi ko gusto ang nakikita ko, pero ito ang kailangan.
“Five minutes,” ulit ni Jeric mula sa labas.
Kinuha ko ang lipstick ko, inayos ang buhok, at pinilit isuot ang ngiting alam kong kailangan ko ngayong gabi.
Para kay Papa.
Para sa mga kapatid ko.
Para sa anak ko.
At para sa lalaking nasa baba, na hindi ko alam kung siya ba ang magiging daan ko palabas, o ang tuluyang lulunod sa akin.
PAGKATAPOS akong ayusan ng mga bakla sa likod, hair, contour, konting glitter sa collarbone, tumahimik bigla ang paligid. Iyong klase ng katahimikan bago ang unos.
Lumakad ako papunta sa backstage.
Suot ko ang costume na halos dibdib at pribadong bahagi ko lang ang may takip. Manipis ang tela, sapat lang para masabing may suot pa rin ako. Kita ang hubog ng katawan ko, baywang na hinubog ng disiplina, balakang na parang sinadyang iguhit, balat na maputi, makinis, parang porselana. Walang filter. Walang retoke. Ganito talaga ako ipinanganak.
Sa labas, naka-ngiti ako. Soft. Pero sa loob ko? Nanginginig ako. Sa takot. Kaba. At isang maliit na boses na paulit-ulit na bumubulong. Ano’ng ginagawa mo sa sarili mo? Sa totoo lang nakapanliliit ng sarili pero no choice ako.
Ramdam ko ang init ng mga mata sa likod ng tabing. Kahit hindi ko pa sila nakikita, alam ko na. Mga lalaking gutom, hindi sa pagkain, kundi sa tawag ng laman. Mga titig na parang hahaplos kahit hindi pa ako lumalabas.
Huminga ako nang malalim.
Then I heard it.
“Gentlemen…” sigaw ng host, puno ng excitement. “Give it up for our star tonight—your favorite flower—ROSA NOIR.”
Pagkabukas ng tabing, parang may sumabog na init sa buong club. Hindi pa ako gumagalaw, pero ramdam ko na agad, 'yong klase ng tingin na dumidikit sa balat. Mga matang hindi na nagtatago. Mga matang gutom.
May sumipol nang malakas. May sumigaw ng pangalan ko.
“ROSA NOIR!”
“Damn—”
May tumawa. May napamura. May biglang tumayo para mas makita ako.
Bumagsak ang unang beat ng I See Red.
Humakbang ako pasulong, dahan-dahan. Sinadya. Parang hinahabol ko ang tempo ng sarili kong t***k ng puso. Iniangat ko ang kamay ko, dumaan sa hangin, pababa sa bewang, hindi nagmamadali, parang may kontrol ako sa bawat segundo.
Parang hindi makahinga ang mga kalalakihan. May narinig akong kaluskos.
Pera.
Isang bungkos ng bills ang inilapag sa gilid ng stage. May sumunod pa. May humagis ng pera sa stage. May nagtaas ng kamay, hawak ang libo, parang nagmamakaawa.
“Here! Over here!”
“Jesus, look at her—”
Mas lalong uminit ang paligid. Parang bawat galaw ko, may kapalit na pera. Parang bawat ikot ng balakang, may nahuhulog na halaga sa sahig.
Takam na takam silang lahat. Hindi lang sila basta nanonood, parang gusto nilang lunukin ang bawat galaw ko.
I arched my back slightly, just enough. Hindi sobra. Hindi bastos. Pero sapat para maramdaman nila ang alindog ko. I let my hair fall, tilted my head, gave them a look na parang sinasabi, hanggang tingin lang kayo.
Mas lalo silang nagwala, mas lalong natakam.
“f**k—”
“Don’t stop!”
May mga kamay na nakataas, pero hindi lumalapit. Alam nila ang rules ko. At iyon mismo ang nagpapabaliw sa kanila.
Then I saw him. Ang totoong pakay, ang target.
Si Uno.
Hindi siya sumisigaw, tulad ng iba. Hindi siya humahagis ng pera. Pero napatuwid siya ng upo, parang may humila sa kanya pababa. Nakapako ang tingin niya sa akin.
At nang lumunok siya, kitang-kita ko ang paggalaw ng Adam’s apple niya.
That did something to me.
Mas bumagal ang galaw ko. Mas naging precise. Parang bawat hakbang ko, siya ang target. Hindi na ang buong club, siya na lang ang pokus sa atensiyon ko.
Lumapit ako sa gilid ng stage, exactly kung nasaan ang VIP table niya. Sumabay ang beat sa ikot ng balakang ko. I leaned forward just a bit, enough para makita niya, pero hindi mahawakan.
Hindi siya kumurap. So, hindi rin ako.
Sa likod ko, nagkakagulo ang mga lalaki. May mas marami pang perang lumipad. May sumigaw ng pangalan ko ulit.
Mas lalong bumagal ang galaw ko. Mas naging fluid. Mas mapang-akit. I let my hips follow the beat, let my hair fall the way I know men like. Hindi ako basta sumasayaw na lang.
I was choosing him.
Sa bawat ikot, sa bawat tingin, sa bawat sandaling sinasadyang magtagpo ang mga mata namin, siya lang ang nakikita ko.
Parang kami lang ang nasa loob ng club. I tilted my head, gave him a look, not a smile. A challenge.
Look at me. At hindi siya umiwas tila hinahamon din ako.
Sa sandaling ’yon, alam kong gumana ang gusto ni Jeric.
Pero hindi nila alam, habang inaakit ko siya,
ako rin ang unang nasusunog.