Chapter 39.01 SIENNA LIMANG araw na ang lumipas. Limang araw na halos hindi ko makilala ang anak ko sa sobrang saya. Hindi ko inaasahan na ganoon si Uno kay Dray. Akala ko ilang oras lang ang itatagal ng pasensya niya, pero mali ako. Every morning, inuuna niya si Dray bago ang kahit ano. Ginawa nilang game ang pag-ehersisyo, simple stretches lang, tapos tatawa si Dray kapag hindi raw makasabay si “Mr. Billionaire.” Maliligo sila sa pool na magkasabay, kumakain at naglalaro ng mga kung ano lang at isang beses namasyal sila sa mall. Sa hapon, nanonood sila ng cartoons, si Uno nakahiga lang sa couch, si Dray nakadikit sa tagiliran niya, parang doon talaga ang pwesto niya. At tuwing gabi, kahit masakit pa ang sugat ni Uno, hinahayaan niyang umakyat si Dray sa likod niya. “Horsey!” tawag n

