Chapter 39.02 SIENNA PAGBABA pa lang namin ng sasakyan, ramdam ko na agad, nasa ibang mundo ako. The lights. The sound. The air itself felt expensive. Inalalayan ako ni Uno habang papasok kami sa entrance. Isang kamay niya nasa likod ko, parang sinasabi nang hindi nagsasalita na nandito lang ako. Pero kahit gano’n, hindi ko pa rin napigilan ang mapalingon sa paligid. Ang gaganda ng mga babae. Hindi lang basta maganda, sophisticated. Polished. Confident. Parang sanay na sanay sa ganitong eksena. Mga babaeng hindi nagdadalawang-isip kung belong ba sila rito, kasi alam nilang oo. Samantalang ako… Parang nakikisali lang. Parang nag-a-act lang. Playing a role I wasn’t trained for. Bigla kong naramdaman na lumamig ang kamay ko. At naramdaman kong humigpit ang hawak ni Uno rito. Hindi n

