Chapter 06: Ticket

2019 Words
Chapter 06 NAPA-KAMOT sa batok si Romy bago tuluyang nagsalita. “Boss… maliit na favor lang.” Napalingon si Uno, halatang ubos na ang pasensya. “Ano na naman ’yan?” “Samahan mo muna ako sa bahay,” mabilis na sabi ni Romy. “Ikaw ang mag-e-explain sa asawa ko kung bakit inumaga tayo lagi sa pag–uwi. Kasi kung ako lang, patay ako.” Tumawa si Uno, tuyo at walang gana. “Problema mo ’yan.” “Boss,” halos magmakaawa na si Romy, “please. Ikaw ang boss, ikaw ang believable. Sabihin mo lang na business. Emergency. Crisis. Kahit ano.” Napabuntong-hininga si Uno. Ayaw niya ng drama, pero mas ayaw niya ng ingay, lalo na kung makaka-delay pa ’yon sa mas malaking problema niya sa lolo niya. At kung matatapos lang agad ang eksenang ito, fine. “Fine,” sabi niya. “One stop. Kape. Explain. Then, pupunta na tayo doon sa babae.” Napangiti si Romy, parang nanalo sa lotto. “See? You’re a lifesaver, bossing. Alam ko na rin kung saan siya nakatira.” Napatingin si Uno sa kanya. “Kung niloloko mo lang ako—” “Hindi, hindi,” mabilis na depensa ni Romy. “Legit. Scout’s honor.” Hindi na lang sumagot si Uno. PAGDATING nila sa bahay ni Romy, tahimik ang buong kabahayan. “Good sign ’yan,” bulong ni Romy habang binubuksan ang pinto. “Baka tulog pa.” Pumasok sila. Inaya agad ni Romy si Uno sa mesa para magkape. “Kape muna tayo, bossing” yaya ni Romy, pilit na kalmado. Tumango si Uno, sanay naman siya sa ganito. Ang totoo niyan hindi siya maarte sa ibang bagay. Hindi pa man nakapag–timpla ng kape si Romy ay may sumigaw. “ROMY.” Parang may kulog sa loob ng bahay. Nanlamig ang batok ni Romy. Dahan-dahang lumingon si Uno. Nakatayo sa may pinto ng kusina ang asawa ni Romy, nakapamaywang, gusot ang buhok, at ang mga mata? Nag-aapoy. “Good morning,” mahina pero matalim na sabi ng babae. “Or should I say… good evening?” Lumunok si Romy. “Honey—” “Don’t honey me,” putol agad nito. “Buong magdamag kang wala. Walang tawag. Walang text. Tapos makikita kita ngayon—” tumingin siya kay Uno mula ulo hanggang paa, “—at kasama yang boss mo?” Akmang tatayo si Uno para lumabas muna pero biglang may lumipad sa ere kaya napatakbo siya at ganoon rin si Romy. Hindi alam ni Uno kung saan siya magtatago. Napasandal siya sa gilid ng lumang ref, bahagyang yumuko, hawak na ngayon ang isang plastic na tabo na hindi niya alam kung paano niya nadampot parang ginawa niyang shield sa gyera. Sa harap niya, nagliliparan ang mga kaldero at plato, isa, dalawa, parang UFOs na may galit sa mundo. “Tago ka na, Romy. Isama mo na yang amo mo na babaero,” malamig pero nakakatakot na sabi ni Aling Mercy. Hindi man malakas ang boses, pero ang tono? Parang kayang durogin ang kaluluwa mo nang hindi sumisigaw. Sumilip si Uno, saglit lang. Bad idea. May dumaan agad na pinggan, tumama sa pader. “Ate Mercy, delikado—” Hindi na niya natapos. May isa pang plato ang sumunod. Si Romy, meanwhile, nasa gitna ng kusina. Nakayuko ang ulo, suot niya ngayon ang helmet na pang-motor na parang last line of defense ng sangkatauhan. “Honey” sabi niya, halos pabulong pero nanginginig ang boses, “kasama ko si señyorito buong gabi. Hindi kami nambabae.” Sumulyap siya kay Uno, 'yung tingin na please, iligtas mo ako bago ako ma-cremate nang buhay. “Bossing,” pakiusap ni Romy, “backup naman diyan.” “A-ah… oo,” sagot ni Uno, pilit kalmado. “Kasama ko siya. Work lang talaga kagabi.” Hindi niya alam kung bakit sobrang hina ng boses niya. Parang siya pa ang nahuling may kasalanan. Well… technically, may kasalanan nga. Tumigil si Aling Mercy. Dahan-dahang humarap kay Uno. Ang tingin nito ay parang scanner sa airport. “Trabaho?” tanong niya, mababa pero delikado. “Kayong dalawa?” sabay taas ng kilay. Bago pa makasagot si Uno. Isa na namang plato ang tumama sa pader. Napadausdos si Uno pababa, halos yakapin ang sahig. “Romy” bulong niya, “bakit mo ako sinama dito? Akala ko kape lang.” “Sorry, bossing,” sagot ni Romy habang palapit sa kanya, umiilag sa lumilipad na sandok. “Akala ko kasi… mas maniniwala siya pag may testigo.” Napapikit si Uno, napasapo sa noo. “Testigo? Romy, muntik na akong maging target practice. Bakit hindi mo sinabi sa akin na may lahing Gabriela Silang ang asawa mo?” Habang patuloy ang chaos, kubyertos, takip ng kaldero, kung anu-ano, may pumasok na realization kay Uno. Ito talaga ang dahilan kung bakit ayoko ng kasal. Hindi dahil commitment issues. Kundi dahil ayokong magkaroon ng asawa na ganito. “Bossing,” bulong ni Romy, halos nakadikit na sa sahig, “takbo na tayo?” “Yes,” mabilis na sagot ni Uno. “Please. Bago may ihagis na rice cooker.” Gumapang silang palabas sa likod ng pinto ng kusina, parang dalawang kriminal na tumatakas sa raid. Pagdating sa labas, huminga si Uno nang malalim, 'yung hingang parang bagong buhay ang na-unlock. “Ay salamat,” bulong niya. Inayos niya ang gusot na polo, sabay lingon kay Romy. “Romy, next time kung may marital war kayo, huwag mo na akong isama. Hindi ako human shield.” Napatawa si Romy, pero halatang nanginginig pa. “Pasensya na talaga, bossing.” “Okay lang,” sagot ni Uno, kahit hindi naman talaga. “At least buo pa ulo ko.” Habang naglalakad sila papunta sa sasakyan, napailing si Uno. Mas pipiliin pa niyang ma-stuck sa EDSA nang tatlong oras, kaysa maipit ulit sa isang marital war zone na may flying plates. HUMINTO ang minamanehong sasakyan ni Romy sa harap ng isang lumang bahay na halos dikit-dikit sa mga katabi. Yero ang bubong na may kalawang na parang sugat ng panahon, pader na pinaghalong hollow blocks at plywood, at gate na bakal na nangingitim na sa kalumaan. May nakasampay na mga damit sa harap, halo ang uniporme ng bata, tuwalya, at damit-pambahay, sumasabay sa alikabok na tinatangay ng hangin. Tahimik si Uno sa passenger seat, nakasandal lang, nakatitig sa bahay na parang sinusukat kung totoo ba ang nakikita niya. Hindi niya inaasahan na dito lang nakatira ang babaeng tumanggi sa kanya. Nakatira pala sa squatter area. Sa labas, may mga tambay na nakaupo sa bangketa, may nagkakaraoke kahit tanghali, may mga batang naglalaro ng habulan, hubad ang paa, puno ng alikabok ang tuhod. May batang umiiyak sa di-kalayuan, may tumatawa nang malakas. Dahan-dahang lumingon si Uno kay Romy. “Dito?” tanong niya, flat ang tono. Tumango si Romy. “Oo, boss. ’Yan daw ang bahay. Ito ang binigay na address sa club.” Hindi nagsalita si Uno. Tinitigan lang niya ulit ang bahay. Parang hindi tugma sa babaeng kaharap niya kanina, matapang, mapangahas, walang takot tumingin sa kanya sa mata. “Bumaba ka,” utos niya kalaunan. “Tawagin mo. Sabihin mong narito ako. Kailangan naming mag-usap.” “Yes, boss.” Bumaba agad si Romy. Habang naghihintay, may napansin si Uno. Isang batang lalaki ang lumabas mula sa kalawangin na gate. Chubby. Maputi ang balat, may natural na pamumula ang pisngi, parang mestiso. Gwapo ang bata, kahit may bahid ng tsokolate sa gilid ng bibig. May dumi rin sa pisngi, halatang katatapos lang kumain… ng cake? Napangiti si Uno nang hindi niya namamalayan. Mahilig siya sa sweet. Choco moist ang favorite niya. Nakita niyang kinausap ng bata si Romy at biglang humarang ito sa gate, naka-akimbo pa ang baywang. Parang may hinihingi. Napakamot sa ulo si Romy. Napailing si Uno. Bumaba siya ng sasakyan. “Romy,” sabi niya, “ako na.” Umalis si Romy sa harap, parang relieved. Lumapit si Uno sa bata. Tumigil siya sa harap nito. Maliit lang ang bata pero ang tindig, parang guard. Nagsalubong ang munting kilay ng bata. Tumingala ito kay Uno at hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa, parang nag-iinspeksyon. “Ano kailangan n’yo sa Mama ko?” diretso at seryosong tanong ng bata. Napakunot ang noo ni Uno. Ow? So totoo nga. May anak siya. “Kakausapin ko ang mommy mo,” sagot ni Uno, kalmado. Ngumisi ang bata, hindi cute. Kundi suspicious. Tumalas ang mga mata. “No enter,” sabi nito. “Kung wala kang ticket.” Napakurap si Uno. “Ticket?” Nag-hand gesture ang bata, palad nakausli. May hinihingi. Halos mabilaukan si Uno ng sarili niyang laway. “Wait,” sabi niya, natatawang pigil. “Humihingi ka ng bayad?” Tumango ang bata. Very serious. “Oo.” Napailing si Uno, half-amused, half-shocked. “Ilang taon ka na?” “Four,” proud na sagot ng bata, sabay taas ng apat na daliri, medyo baluktot pa ang isa pero buo ang confidence. Napatitig si Uno sa bata. Four years old. At marunong mangotong. Huminga siya nang malalim, pinipigilan ang tawa. Interesting, naisip niya. Talagang interesting ang babaeng ito. Dumagdag sa isip ni Uno, what a combo. May nanay na bayaran, at may anak na mukhang mas business-minded pa kaysa sa kanya. Napailing siya, half amused, half irritated. Unbelievable. Bata pa lang, marunong nang mangotong. Ano ito, family enterprise? Huminga siya nang malalim saka dumukot sa bulsa ng jacket. May makapal pa siyang laman doon, emergency cash. Kinuha niya ang limang tig-iisang libo, maayos na tiniklop, saka iniabot sa bata na parang normal lang ang ginagawa niya. “Here,” sabi niya, calm pero may diin. “Can I talk to your mother now?” Halos malaglag ang panga ng bata. Lumaki ang mata, kumislap, pero ilang segundo lang ’yon. Bigla itong ngumuso, umiling, at itinulak pabalik ang kamay ni Uno. “Hindi ’yan,” mariing sabi nito. “Twenty lang si Quezon.” Napakunot ang noo ni Uno. What the— “Ha?” napasinghap siya. “Twenty?” “Si Quezon,” ulit ng bata, parang nang-iinsulto na sa sobrang bagal ng kausap. “’Yung bente. Hindi ’yung ibon.” Nanigas si Uno. Eagle. Ayaw niya sa eagle. “I don’t carry Quezon,” sagot niya, bahagyang tumataas ang boses. “Ang isang gaya ko, walang baryang bente. That’s pocket trash.” Hindi man lang nagdalawang-isip ang bata. Tinapik nito ang kamay ni Uno, saka itinapon sa lupa ang limang libo. Lumagapak ang mga papel sa semento. May ilang tambay ang napalingon, may batang natawa sa gilid. “Quezon ang gusto ko!” sigaw ng bata habang humaharang ulit sa kalawangin na gate, bukas ang dalawang braso na parang security guard. “No Quezon, no entry!” Napakamot sa ulo si Uno, hindi makapaniwala. Am I being robbed by a four-year-old? “Kid, wala nga akong Quezon,” sabi niya, pilit pinipigil ang inis. “That’s all cash. Take it or—” “Quezon!” ulit ng bata, mas malakas, halos may echo sa loob ng bahay. At narinig ni Enna. Mula sa loob, bitbit ang tabong may tubig, napatakbo siya. Akala niya may away sa labas o may batang nasaktan. Pagbukas niya ng pinto, natigilan siya. Nandoon si Uno, naka–pormal suit, nakaharap sa anak niya. At ang anak niya, nakapamaywang, matalas ang tingin, parang maliit na bersyon ng lalaking kaharap niya “What is going on here?” tanong ni Enna, gulat at iritasyon ang halo sa boses. Sabay lumingon ang bata sa kanya, proud na proud. “Ma, ayaw niya magbigay ng Quezon,” sumbong nito. “Eagle lang meron siya.” Napatingin si Enna sa mga perang nakakalat sa lupa, saka kay Uno. Si Uno naman, bahagyang napasinghot, napangiti nang pilit. “Hi,” sabi niya, kalmado. “Your son just kicked me out of your gate. For not having the right denomination.” Nagtagpo ang tingin nilang dalawa. Tahimik sandali, pero ramdam ang tension, at hindi alam ni Enna kung matatawa ba siya sa eksenang nakikita niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD