Chapter 30 SIENNA TAHIMIK ang loob ng sasakyan. Parang bawat segundo humahaba, bumibigat. Nakatutok lang ang mga mata ko sa labas ng bintana, sa mga sasakyan. Ang utak ko, puno ng sama ng loob. Pakiramdam ko nasasakal na ako. Masyado nang pakialamero si Uno sa buhay ko. Lahat na lang may say siya, anak ko, tatay ko, pati galaw ko. Napagtanto kong baka mali ang desisyon ko na pumasok sa kasunduang ito. Contract lang naman kami, pero kung umasta siya, parang pag-aari niya ako. Territorial. Possessive. Control freak. Napabuntong-hininga ako bago ko siya hinarap. Hindi ko na napigilan. “Why are you like this?” tanong ko, diretso, walang paligoy. “Why are you so territorial… kung kontrata lang naman tayo?” Saglit siyang hindi lumingon, parehong kamay nasa manibela. Pero ramdam ko ang pag

