Chapter 98 SIENNA HINDI nagtagal, nagpaalam na si Carlos. “Magkita na lang tayo mamaya,” sabi niya, diretso ang tingin sa akin. Wala kang makapang lambing sa tono, puro focus. Inakay niya ako palabas at wala na akong nagawa kundi sumunod. Nakahawak pa rin siya sa kamay ko habang naglalakad kami sa driveway. Sa labas, halatang ready na ang lahat. Nagkalat ang mga bodyguard niya, naka–earpiece, alerto ang mga mata. May dalawang lalaki na agad ang nagbukas ng itim na sasakyan para kay Carlos. Malinis, tinted ang salamin, walang emosyon, parang ang mundo na ginagalawan nila. Lumapit si Daddy walang ngiti sa labi. Diretso agad sa punto. “Tonight,” matigas niyang sabi, “walang aberya dapat. I want a smooth transaction.” Carlos nodded once. “It will be handled.” Tumingin si Daddy kay Kuya

